CHAPTER FOURTY-EIGHT

3.3K 86 13
                                    


CHAPTER FOURTY-EIGHT

ALLYZA can't wait to jump off Mackey's car. Bawat segundong katabi niya ito sa kotse ay isang malaking torture sa sarili niya. She missed the feeling of being drunk. At least, may idadahilan siya kung magsabi man siya ng kung anu-ano ngayon rito, mas malakas din ang loob niya. Ngunit nang makita niya ito ay tila biglang naglaho ang tama niya sa alak. Ang tama niya naman rito ang nangingibabaw sa kanya ngayon.

Tahimik silang pareho habang nasa biyahe. Nakatutok ang buong atensyon nito sa pagda-drive. Ang ate nito ay mahimbing na natutulog sa backseat. At siya, inabala ang sarili sa pagtingin sa labas ng bintana. Hindi niya gustong lumingon sa kaliwa niya, kahit na ba natutukso na siyang gawin iyon at panoorin na lang ito buong oras ng byahe nila. Hindi pwede. Natatakot siyang kapag ginawa niya iyon ay kalimutan na niya lahat at magmakaawang makipagbalikan dito.

She can't just do that. Magulo pa ang isipan niya. Hindi niya pa alam ang gagawin. At saka paano ang ama nito na hindi boto sa kanya? Ang mga sinabi nito tungkol sa anak? Hangga't maaari, pipigilan niya ang nararamdaman niya.

Pakiramdam niya ay isang dekada ang lumipas bago huminto ang kotse sa tapat ng bahay nila. Binuksan niya kaagad ang pinto sa gilid niya pero naka-lock pa iyon. Napatingin siya kay Mackey. Tahimik lang ito habang nakatingin sa windshield. Hindi rin ito tumitingin sa kanya. Kung ano man ang iniisip nito ay hindi niya alam. Siya kaya iyon?

Medyo assuming lang, 'te? Kaya ka nga nahihirapan, eh.

Minsan nakakainis talaga ang sarili mong kunsensya.

"Lalabas na ako."

Tila naalimpungatan ito nang magsalita siya. Nagpakawala ito ng buntong-hininga bago pinindot ang automatic lock sa gilid nito. Hindi ba siya susulyapan man lang nito?

Binatukan niya ang sarili sa isipan. Para ano at nahiling niya iyon? Papahirapan niya lang ang sarili niya. Tama nga ang kunsensya niya. Ipinilig niya ang ulo at lumabas na ng sasakyan.

Kung ayaw siya nitong tingnan, e 'di huwag! Wala na dapat siyang paki doon. At dapat nga ipagpasalamat niya pa iyon. Baka lalong hindi niya maalis ang tingin dito kapag nagsalubong ang mga mga mata nila.

"Salamat," mahinang usal niya bago isara ang pinto. Hindi na niya ito nilingon at dumeretso na siya sa gate nila. She's remembering those nights when he's bringing her home from their dates. Magkukulitan muna sila bago sila maghihiwalay. They will bid each other goodbye's with hugs and kisses.

Nag-init ang sulok ng mga mata niya. Kinagat niya ang pang-ibabang labi niya. Sa kwarto na lang niya siya iiyak.

"Allyza."

Napahinto siya sa pagpasok sa gate nila. Naghahalusinasyon yata siya. Kung anu-anong naririnig niya.

"Allyza, can we talk?"

Nilingon niya ang pinanggalingan niyon. Nasiguro niyang hindi lang iyon guni-guni nang makita si Mackey na nakatayo sa nakabukas na pinto ng kotse nito.

Bumuka ang bibig niya para magtanong pero hindi niya magawang isaboses ang nasa isip. Natatakot siyang kapag nagsalita siya ay mapahagulgol na lang siyang bigla sa harapan nito. So, she just stood there and waited for him to speak.

"Alam kong hindi mo ako gustong makita. But, please, hear me out."

Nakatingin lang siya rito. Kahit gusto niya nang tumakbo papasok sa bahay nila ay hindi niya magawa. Waring napako ang mga paa niya sa kinatatayuan.

Nagpatuloy ito. "I wanted to say I'm sorry. Sa lahat ng mga nagawa at nasabi ko sa iyo noon. I should have believed you. I'm sorry I was so narrow-minded and let you suffer because of me. Heck! Hindi ka dapat maki-kidnap kung hindi kita ipinagtabuyan ng araw na iyon. I should've been there to protect you. Pinabayaan kita. I told you I would believe you in any way, but I didn't... Kaya hindi na ako magtataka kung sukuan mo na ako. Ang gago ko kasi. Huli na ang lahat nang mapag-isip-isip ko ang mga iyon. Nasaktan na kita."

The Rebel Slam 5: MACKEYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon