CHAPTER EIGHT

3.3K 88 0
                                    

CHAPTER EIGHT

"YOU'RE not bad. Baliw ang mga taong nagsabi sa iyo niyon. They're just those idiots who doesn't know you..."

Hanggang ngayon ay umaalingawngaw pa rin sa isipan ni Allyza ang mga sinabing iyon ni Mackey. After that incident, ipinasya niyang umuwi na lang kesa sumama dito sa practice na sinasabi nito.

For the first time in her life, may taong nangatwiran para sa kanya. Mali. Pangatlo na pala ito dahil naiintindihan din siya ng mga kaibigang sina Marney at Kayra. Pero sa lahat, ang mga sinabing iyon ni Mackey ang pinakatumatak sa kanya. Kumbaga, iyon ang pinakatumagos sa puso niya.

Bumaba ang paningin niya sa iced tea na nasa harap niya. She can't help but to smile. Parang gusto niyang maniwala kay Mackey na hindi siya masama.

"'Oy, 'te, kasama ka ba namin ngayon dito?"

"Nagba-bother na kami sa iyo, Ally. Bigla ka na lang ngumingiti d'yan."

Kakaiba ang tingin sa kanya nina Marney at Kayra nang balingan niya ang mga ito. Inosenteng tinaasan niya ng kilay ang mga ito.

"What?"

"Kanina pa kami dada ng dada dito tungkol sa plano natin kay Jelson, hindi ka naman pala nakikinig," nakasimangot na sabi ni Marney.

"Ikaw pa naman ang front act dito," sabi naman ni Kayra.

"Ano bang plano iyan?"

"Tingnan mo na! Hindi ka talaga nakikinig."

"Okay, okay. Sorry na, Marns. Hindi pa kasi ako maka-get over sa date namin ni Mackey noong Sabado," pag-amin niya. Tutal sasabihin at sasabihin din naman niya iyon sa mga ito.

She got Kayra's attention. "Oh! What happened nga pala? Naglaro ulit kayo, right? Sino nang panalo ngayon?"

Ngumisi siya. "Natural, ako! Patatalo ba naman ako, eh, maganda ako?"

"Na naman?" waring disappointed na sabi nito. "Hindi mo man lang pinagbigyan... But anyway, maganda rin iyon para may dahilan kang humingi ng rematch. Good excuse iyon para maka-date mo siya at--"

"Girls, as far as I know, ang problem ko ang sino-solve natin dito." Nakahalukipkip na si Marney habang nakanguso.

"Kasi naman, Marns, higit na mas gwapo si Mackey kay Jelson. Hindi mo masisisi itong sisterette natin na iyon ang unahin."

"Yeah. I agree with that. But please, just give this week and this sembreak to help me?"

Napakamot siya ng ulo. Nakukunsensya tuloy siya sa pagdaramdam sa tinig nito.

"Okay, fine. Ano bang gagawin ko?" Napatingin siya sa kapapasok na lalaki sa cafeteria ng university nila. Kasama nito ang tatlong kabarkada nito. "Speaking of the devil."

Lumingon din ang dalawa sa mga lalaki.

"This is it! We need to act. Nasa kabilang mesa lang iyong nililigawan niya."

Napatingin siya kay Marney. Mukhang badtrip nga ito sa lalaki. Napabuntong hininga siya. Spoiled brat ito pero minsan lang magalit ng ganito. Hmm. Sige na nga, kakalimutan muna niyang magpaka-good girl.

"Fine. I'll get that sweet revenge for you, my friend." Ngumisi siya dito bago tumayo. Pumunta siya sa counter at bumili ng iced tea at chocolate. Bago humarap sa mesang inupuan ng mga lalaki. She plastered her most beautiful flirty smile as she gracefully walked towards them. Hindi niya pinansin ang mga paningin na nakuha niya.

Saktong napatingin sa kanya ang isang kaibigan nito at tinapik ang mga kasama nito. They all turned to her. But her eyes were fixed on Jelson himself. Kita niya ang nasorpresang pagngiti nito at bahagyang pamumula ng pisngi.

The Rebel Slam 5: MACKEYWhere stories live. Discover now