CHAPTER 53

3.6K 83 3
                                    

CHAPTER 53

"ALLYZA, hurry up!"

Napalingon si Allyza sa bumukas na pinto. Sumungaw doon ang mommy niyang si Aira. Sumilay ang magandang ngiti sa mga labi nito nang mapagmasdan ang itsura niya.

Humarap siya dito habang hawak ang magkabilang gilid ng palda niya. As if to show her mother her dress. "What do you think?"

Lumapit ito sa kanya at inayos ang ilang hibla ng buhok niyang nalaglag sa pagkakatali niyon. Then she looked at her once more.

"Perfect."

May malamig na bagay na humaplos sa puso niya. She's still not used with this attention from her parents but she won't deny it felt good. Humarap siyang muli sa salamin at pinagmasdan ang sarili.

She's wearing a pale yellow cocktail dress. Below the knee ang haba niyon. This is one of the times that she would wear such long dress as that. P-in-artner-an niya iyon ng white high heeled sandals. Her blonde red hair was neatly arranged into a French twist bun that her twin sister did. Feeling nga niya, pinaglaruan lang ng kapatid niya ang buhok niya. Nagmukha naman siyang tao pagkatapos nito sa kanya.

"Come on. You don't want to keep him waiting."

Tumango siya sa ina. Bago sumunod dito sa paglabas sa kwarto niya ay pinasadahan niya ulit ng huling tingin ang kabuuan niya. She did her makeup light. Bumagay naman iyon sa ayos niya ngayon.

Still pretty. She heard his voice on her mind saying those.

Napangiti siya. She can't wait to see his reaction when he sees her.

Nang ma-satisfy sa itsura ay lumabas na rin siya ng kwarto niya.

Naabutan niyang masayang nagkukwentuhan ang daddy niya at si Mackey. Mula nang mangyari ang trahedyang iyon sa buhay niya ay napansin niyang palagi na sa bahay ang ama niya. He loosened up a bit and she realized na nagkakasundo sila sa ilang mga bagay.

Ngayon, naniniwala na siya na close na nga nga daddy niya at si Mackey. Her mother was already seated beside her father and her sister was also there listening to them. Balita niya ay maganda na ang takbo ng relasyon nito sa nobyo nitong si Anthony.

"She's here!" si Alyanna ang unang nakapansin sa kanya.

Parang iisang tao na tumingin sa kanya ang mga ito. She smiled at them awkwardly.

"Hello," bati niya sa mga ito.

"My, my... look at that beauty," puri sa kanya ni Ian. "What can you say about my daughter, young man?"

Napakurap si Mackey at naisara ang bibig nito. Gusto niyang matunaw sa paraan ng pagtitig nito sa kanya. Tumikhim ito.

"Gorgeous," he said breathlessly while staring at her. Muntik nang malaglag ang puso niya nang ngitian siya nito.

Awtomatikong ginantihan niya ang ngiti na iyon. She could feel her cheeks burning. "Thanks."

Pakiramdam niya ay nagkarambol-rambol ang mga daga sa puso niya nang tumindig ito at lumapit sa kanya. Napakakisig nito sa suot na black striped polo at tattered jeans. Simple lang ang get up nito pero napakalakas pa rin ng dating nito.

When he reached her hand and gave her a quick peck on her cheek, parang gusto nang maging jelly ng lahat ng mga buto niya sa katawan.

"You look handsome."

"I know. You're perfect to me."

Nakagat niya ang pang-ibabang labi upang pigilan ang sariling mapatili.

The Rebel Slam 5: MACKEYWhere stories live. Discover now