CHAPTER FOURTY THREE

3.1K 93 9
                                    

CHAPTER FOURTY-THREE

KINAKAPOS na ng hininga si Allyza pero hindi pa rin siya huminto sa pagtakbo. Hindi niya alam kung malayo na ang natatakbo niya o kung natakasan na niya ang mga humahabol sa kanya. Kailangan niyang makaalis doon, makapagtago at makahingi ng tulong.

Nang makaalis si Paul ay isinagawa niya ang plano niya. Mabuti na lang at may pagkashunga ang mga nagbabantay sa kanya. Nang sabihin niyang nagugutom siya ay dinalhan kaagad siya ng pagkain ng mga ito kahit na kadadala lang ng mga ito sa lunch niya. Dalawa lang ang bantay niya. Nagawa niyang patumbahin ang mga ito bago siya maingat na lumabas ng kwarto. May ilang lalaki pang nagbabantay sa ibaba ng bahay. Nahirapan siyang lumabas ng bahay na iyon nang hindi siya napapansin. Isa sa mga iyon ang nakakita sa kanya at hinabol siya. Tumakbo agad siya palabas sa gate.

Ang problema, paglabas sa malaking bahay na iyon ay hindi niya naman alam kung saan siya pupunta. Walang ibang bahay maliban doon. Wala siyang makita kung hindi mga puno at bundok. Basta na lang siya tumakbo ng mabilis sa kung saang direksyon para takasan ang mga humahabol sa kanya.

Gabi na. Nakahanap na rin siya ng aspaltadong daan na siyang tinatakbo niya ngayon. Nakikita niya lamang ang daan dahil sa liwanag ng buwan. Wala rin kasing street lights doon. Parang bigla siyang napunta sa setting ng isang horror film at hinahabol siya ng mga maligno.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nakakakita ng kabahayan. Maski sasakyan ay walang dumadaan doon.

This is insane.

Unti-unting bumagal ang pagtakbo niya. Hanggang sa mapahinto siya. Nilinga niya ang paligid. Noon niya lang napansin ang kadiliman niyon. Hinihingal na napahawak siya sa mga tuhod niya. Ngayon niya lang naramdaman ang sobrang pagod. Nanginginig at nanghihinang napaupo siya sa gilid ng kalsada.

"Nasaan na ako?" Frustrated na ginulo niya ang buhok niya. Mali yatang tumakas siya sa bahay ni Paul. Naliligaw na tuloy siya ngayon.

Nilingon niya ang pinanggalingan. It was dark. Wala na ang mga humahabol sa kanya. Pero pakiramdam niya, may nakatingin pa rin sa kanya mula sa kadilimang iyon. Something that will crawl into her and rip her head off.

Ipinilig niya ang ulo. Ito siguro epekto ng pagod. Kung anu-ano na ang naiisip niya. Inalis niya iyon sa isip niya.

Yes, she's lost, pero hindi ibig sabihin niyon na babalik siya sa pinanggalingan. She'd rather be alone and lost in this dark place than seeing that crazy guy again. Hindi niya ito mapapatawad kapag may ginawa itong masama kay Mackey.

"Mackey..."

If only he was here...

She wanted to make sure that he's safe. She wanted to see his playful smile again, that glow on his beautiful pair of panther eyes as he looked at her...

Nagkaroon ng panibagong lakas ang mga binti niya. Hindi siya dapat sumuko ngayon. She's a fighter and she will fight. Makakahanap rin siya ng taong tutulong sa kanyang makabalik dito. She stood up and walked. Niyakap niya ang sarili nang umihip ang malamig na hanging panggabi.

Ilang saglit pa lang siyang naglalakad nang bumuhos ang ulan. Napatingin siya sa langit.

"Ang malas ko talaga. Lord, why are you doing this to me?"

Lalong lumakas ang ulan. Kinakarma nga yata siya. She sighed and continued walking. Ayaw niyang sumilong sa mga puno. She doesn't know what's in there. And yes, she's afraid. Unti-unti na siyang nawawalan ng pag-asa na makakaalis doon.

She wondered what her father was thinking now that she's gone. Malamang natutuwa pa ito. She's just a pain on his neck and all he wanted was to get rid of her. Kaya nga siya pinalayas nito, eh. Pero, sorry na lang ito. She will be back. Hindi naman siya babalik para rito, hindi siya lumalaban ngayon para rito. Tutal wala naman siyang halaga para rito.

The Rebel Slam 5: MACKEYWhere stories live. Discover now