CHAPTER TWO

3.8K 86 0
                                    

CHAPTER TWO

PABALABAG na isinara ni Allyza ang pinto nang driver's seat nang makasakay siya doon. Hanggang ngayon ay nagpupuyos ang kalooban niya sa nangyari nang nagdaang gabi.

Ipinakita niya sa mga magulang ang nakuha niyang litrato ni Alyanna kasama ang isang myembro ng Rebel Slam band. Noong una ay nagalit ang mga ito. Matutuwa na sana siya subalit nang makauwi ang kakambal at ipinaliwanag na hindi nito manliligaw ang lalaki, agad na naniwala ang mga magulang dito. Samantalang siya ay tinanong pa ng katakut-takot na mga tanong bago maniwala sa picture na ipinakita niya.

Guess your perfect sister turned the dice again and everything fell on her hand easily. Naiinis na pinaharurot niya ang sasakyan palabas ng subdivision nila.

Ang konsolasyon niya lang kagabi ay napilitan ang kakambal niyang aminin na gusto nito ang lalaking iyon bagaman hindi nanliligaw. Natuwa pa nga ang mommy nila dahil gwapo daw ang natitipuhan nito. Samantalang ang daddy nila ay pinaalalahanan lang ito!

Grr! Ako na naman ang kontrabida! Letse!

Nang matanaw ang gate ng university na pinapasukan niya ay iniliko niya ang kotse niya. Nawalan na siya ng ganang pasukan ang morning class niya. Mag-i-stroll na lang siya. Baka kahit paano ay mabawasan ang init ng ulo niya.

Isa pang university ang namataan niya. Ang university na pinapasukan ng magaling na kakambal niya.

Bigla ulit siyang nabuwisit dito nang maalala ang kinuha nitong course. Tourism. Ang eng-eng lang dahil wala namang kinalaman ang course nito sa textile company na pagmamay-ari nila. Gayunpaman ay sinuportahan ito ng parents nila. Samantalang siya, nang ipilit niya ang Fine Arts ay hindi siya tinigilan ng sermon hanggang hindi siya nagshi-shift.

Pakiramdam niya ay may mabigat na bagay na dumagan sa puso niya. Ang unfair talaga!

She fight the urge to cry. Tapos na siya sa pag-iyak! Nakakasawa rin pala. Ngayon, siya naman ang magpapaiyak!

Bago pa makalampas sa university ay may nahagip ang mga mata niya sa likod ng malaking monumento sa harapan ng gate niyon. Kunot noong kinabig niya ang manibela sa tabi ng kalsada. Lumabas siya ng kotse at tinungo ang kaguluhang nakita niya. Isang babaeng nakasalamin sa mata ang pinagtutulungan ng apat na babaeng tila sinampal ng blush on ang mukha.

"Tama na! Wala akong ginagawang masama! Hindi na kami nagkikita ni Clyde ngayon!"

"Huwag kang magmaang maangan, babae ka! Malandi!" Sinabunutan ng isa sa apat na babae ang babaeng nakalugmok na ngayon  sa daan.

Napakunot ang noo niya. Hindi ba ito lalaban? Napabilis ang paglapit. Ayaw na ayaw niyang may inaapi ng ganito sa harap niya. At ayaw niya ring makakita ng mahina.

"Iyan ang bagay sa iyo! You flirty bitch!"

"Ikaw ang may kasalanan sa lahat!"

Psychotic bitches, aniya sa sarili. Nakita niya kung paano saktan ng mga ito ang babae. Akmang hahampasin ito ng isa ng bag nang hatakin niya ang salarin.

"Hoy! Itigil niyo na iyan!"

Matalim ang mga tingin na binalingan siya ng apat na babae. Manlalaban pa yata sa kanya. Tamang-tama naghahanap siya ng mapagbubuntunan ng inis.

"Huwag kang makialam dito kung ayaw mong madamay!"

"Hindi sana ako makikialam pero apat kayo at pinagtutulungan ninyo ang isa."

"So? Gusto mong magpakabayani at tulungan siya? Sige, magsama kayo!" sigaw ng babaeng hinatak niya sabay igkas ng kamay.

Hinuli niya naman iyon at walang babalang ibinalibag ito.

The Rebel Slam 5: MACKEYWhere stories live. Discover now