CHAPTER FOURTY-FOUR

3.1K 80 3
                                    

CHAPTER FOURTY-FOUR

NASILAW si Allyza sa liwanag nang imulat niya ang mga mata. Pumikit siya ulit at tinakpan ang mga mata. Tanghali na naman siguro siyang nagising kaya maliwanag na sa kwarto niya. Mabuti na lang at wala siyang morning classes...

She was about to sleep again. But she was startled when she tried to move. Para bang bigla na lang siyang nakaramdam, at hindi iyon maganda. Nananakit ang buong kalamnan niya.

Suddenly, she remembered what happened the other night. Ang pagod niya sa pagtakbo, ang malayelo sa lamig na patak ng ulan at paghangin, and the numb feeling of being alone...

Iminulat niya ang mga mata. Sumakit ang mga mata niya at napakurap siya. It took a few seconds for her eyes to adjust.

Kulay puti ang paligid niya. She was so sure that it wasn't her bedroom.

Nasa langit na ba ako?

Pero walang mga ganitong aparato sa langit. Wala rin naman sigurong flat screen television doon, hindi ba? The room looked like a room, but it's cozy.

Ibinaling niya ang paningin sa glass window. She could see the sky from there. Sinubukan niyang bumangon. Though her whole body ached, she managed to sit on the bed. Napansin niyang nakasuot siya ng asul na damit na parang patient gown sa isang ospital...

Wait, nasa ospital siya?

Iginala niyang muli ang paningin sa paligid.

So that explains the whole set up.

Huminto ang mga mata niya sa babaeng nakahiga sa sofa. It was her mother. Napakunot-noo siya. Ano'ng ginagawa nito doon?

Then the image of her father from the other night flashed on her mind. Oo nga pala. Ito ang nakahanap sa kanya. Ano na nga bang sinabi nito nang matagpuan siya nito?

It was a little blurred but she can remember that affectionate look he gave her while saying that she's safe. Hindi niya alam kung panaginip niya lang iyon o totoong nangyari iyon. Isa lang ang alam niya. It does make her felt good.

Gumalaw ang kanyang ina. Tuluyan na itong nagising at gumawi agad ang paningin sa kanya. Nanlaki ang mga mata nito at napabalikwas ng bangon.

"Allyza! You're awake!" Nagmamadaling lumapit ito sa kanya at hinawakan ang ulo, pisngi at mga braso niya. "May masakit ba sa iyo? Nagugutom ka ba? Kamusta ang pakiramdam mo?"

This is the first time she nagged about her condition. Nagdududang tiningnan niya ito. Ito ba talaga ang ina niya? Waring hindi naman nito iyon napapansin. Abala ito sa pag-inspeksyon sa iba't ibang bahagi ng katawan niya.

"May kailangan ka ba? Gusto mong magbanyo? Tubig! Gusto mo ng tubig?"

Napatango na lamang siya. Hindi siya sanay na ganoon ito sa kanya.

Inabot nito ang pitsel at nagsalin ng tubig sa malinis na baso. Iniabot kaagad nito iyon sa kanya.

She sipped a little water. Nang sumayad iyon sa labi niya ay lumagok siyang muli. The water was making her feel better.

"You like fruits? Your friends brought some yesterday."

Napakunot-noo siya. Yesterday? Ilang araw ba siyang narito?

Ibinaba niya ang wala nang laman na baso. She looked at her mother. "Ilang araw akong narito?" Nanghihina ang boses niya.

"Two days kang walang malay. Ang sabi ni Dra. Lubigan, your body was stressed and over fatigued. Kailangan mo ang mahabang pahinga to recover your strength. Nalaman din namin na ilang araw kang hindi kumain kaya bigla kang nawalan ng malay nang matagpuan ka ng daddy mo. Is that how bad your abductor treat you?"

The Rebel Slam 5: MACKEYМесто, где живут истории. Откройте их для себя