CHAPTER SEVENTEEN

3.6K 86 3
                                    

CHAPTER 17

 

INAANTOK na inihilig ni Allyza ang kanyang ulo sa malapad na likod ng lalaking nagmamaneho ng motorsiklo na iyon. His sweet smell and his warmth were making her feel sleepy. She's aware and overwhelmed at the fast beating of her heart. Holding him like this was like the right thing to do right now. Hinigpitan niya ang pagkakayakap sa bewang nito.

Napangiti siya nang maramdaman ang paghawak ni Mackey sa likod ng kamay niya. Hindi nito binaklas ang mga braso niya sa bewang nito, sa halip, idinantay lamang nito doon ang palad nito. Like he was reassuring her.

Naalala niya ang sinabi nito kaninang nasa eroplano sila. Nang sorpresang sumulpot ito doon.

"Ako ang nagdala sa iyo dito. Dapat lang na ako rin ang magbalik sa iyo. Do you really think that I will just leave you to it?"

Argh... Bakit ba napaka-sweet ng unggoy na ito?

"Nervous, Allyza baby?"

She looked up at his face. Tinanggal nito ang helmet nito kaya malaya niyang namamasdan ang gwapong mukha nito. With his wind tousled hair, his reddish lips, his face's hard and soft features, he was a sight to behold. Napakasarap nitong iguhit.

"Medyo," pag-amin niya. "Hopefully, wala pa si Dad sa bahay."

After she defied Ian Castro, her father, inaasahan na niyang may panibagong world war na mangyayari kapag nagpakita siya rito.

"It's all right. Sasamahan naman kitang magpaliwanag sa dad mo."

"You don't need to do that, Mackey. Kayang-kaya ko si Daddy." Ayaw niyang marinig ni Mackey sakaling sermunan siya ng ama.

He sighed. Kanina pa siya tumatanggi na samahan siya nito. Kanina pa rin nito ipinipilit iyon.

"Sure."

Napamaang siya. Alright. Nabigla siya sa madali nitong pagsang-ayon sa kanya ngayon. Inaasahan niyang igigiit nito iyon. Nakakainis dahil may panghihinayang siyang naramdaman sa dibdib.

Sigh. Minsan talaga magulo siya.

"Here we are."

Napalingon siya sa paligid. Nakaparada na sa tapat ng gate ng bahay nila ang motorsiklo nito. Hindi niya napansin na inabot ng ilang minuto ang pagtitig niya kay Mackey.

Bumaba na siya ng behikulo at iniabot sa lalaki ang helmet niya.

"I'm wondering why your boyfriend is not here."

Naalala niya si Jelson. She rolled her eyes. "Hindi ko sinabing ngayon ako uuwi. Ang alam niya ay bukas pa."

Napataas ang isang kilay nito. "Hindi ka niya sasamahang humarap sa daddy mo?"

The Rebel Slam 5: MACKEYNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ