CHAPTER SEVEN

3.5K 88 0
                                    

CHAPTER SEVEN

"PA'NO ba iyan? Talo ka na naman," ngising aso si Allyza habang palabas sila ni Mackey sa Timezone.

It's Saturday. Their 'date'. Kahit ang totoo ay rematch lang ang usapan nila, inari na niyang date iyon.

"Nanalo ako ng isang round sa Sharp Shooter, don't forget that."

"Yeah. One out of three. Talo ka pa rin."

"At least, hindi talagang wala."

"Talo ka pa rin."

Napabuntong-hininga ito. Mukhang hindi matanggap na sa pangalawang pagkakataon ay mauungusan niya ito. "Alright. Saan mo gustong kumain?"

"Iyan naman, eh." Tinapik niya ang balikat nito. "Libre mo?"

"Hindi. Ikaw ang manlilibre dahil ikaw ang panalo."

"'Daya naman. Dapat nagpatalo na lang pala ako."

Bumalik ang mapaglarong ngiti nito sa mga labi. "Tara, balik tayo sa gameroom. Patalo ka na."

"Syempre joke lang iyon. Ano'ng gusto mong kainin?"

Mackey laughed. "Ayaw talagang patalo, ah."

"Natural! This time, girls rule naman. Hindi puro lalaki. Nakakarami na kayo, eh."

"Ang lalim ng hugot. Hindi ko ma-reach!"

Tumawa siya. Look at them now. Parang matagal na silang nagkakasama ng ganito. Magaan ang pag-uusap nila na parang magka-tropa na nga sila. Akala pa naman niya noong una ay mahihirapan siyang makipaglapit dito. Hindi pala. Madali itong kausap, puro patawa at kalokohan, at hindi siya nakakaramdam ng pagkailang kahit isang segundo lang sa tabi nito.

And it felt good.

Sa Greenwich sila nakarating. Hindi tulad ng sinabi nito, ito pa rin ang nag-insist na magbayad sa in-order nilang whole pepperoni pizza at extra large drinks. Ewan niya ba dito, gusto yata siyang lunurin sa softdrinks.

"Engineering ka pala? In fairness, hindi halata."

"Hindi nga kasi ako bagay sa Engineering. Mas bagay ako sa mga cover ng magazine."

"Ano'ng magazine? Cosmopolitan?" pagsakay niya sa biro nito.

"Nope. Other than that."

"FHM?"

"Hindi. Liwayway."

Malakas na napatawa siya. Ang gulo ng usapan nila. Kung may makakarinig siguro sa kanila ay pinagbabatukan na sila. Wala namang front cover na model sa magazine na binanggit nito.

"Ang old school mo. Matagal nang laos ang Liwayway, ah?" tatawa-tawang wika niya habang pinupunasan ang luha sa gilid ng mga mata. Grabe, kailan na nga ba ang huling tawa niya ng ganito? Hindi na niya matandaan.

"O sige, Tikatik na lang."

"Baliw, tabloid iyon!"

"Tabloid ba?"

Napabungisngis ulit siya. "Oo!"

"Okay lang. Natawa ka naman." Nakitawa na rin ito sa corny'ng joke nito.

Huminga siya ng malalim matapos tumawa. Para kasing kakapusin siya ng hininga sa dami ng itinawa niya. Kung nakakamatay ang pagtawa, mamamatay siyang masaya.

"O, ano? Okay ka pa?" pabirong tanong ni Mackey sa kanya. Iniabot nito sa kanya ang softdrinks niya.

Kinuha niya kaagad iyon at ininom. "Yup. Ikaw kasi, eh. Puro out of the blue ang banat mo. Nakakabaliw!"

The Rebel Slam 5: MACKEYWhere stories live. Discover now