CHAPTER FOURTY SIX

3.1K 88 8
                                    

CHAPTER FOURTY SIX

"ANO 'ka mo?"

Patamad na tiningnan ni Allyza ang hindi makapaniwalang mukha nina Kayra at Marney. Nagkakape sila ngayon sa isang coffee shop sa labas ng university nila. Pumapasok na ulit siya. Pumayag ang daddy niya na ipagpatuloy niya ang Fine Arts sa kundisyong magte-take din siya ng ilang units sa business administration. Pwede na rin kahit siya ang hirap.

"You heard it, Kayra." She sipped on her cappuccino.

"Baka namamali lang kami ng dinig, Ally. Alam mo naman minsan na nagha-hallucinate kaming dalawa," sabi naman ni Marney.

"You said you love Mackey. Bakit ngayon ay sinasabi mo naman na break na talaga kayo?" kunot-noong sabi naman ni Kayra.

"Matagal na kaming break, Kayra, Marns. Ngayon, tanggap ko na na hindi na kami magkakabalikan."

It's been days since she left the hospital. Ganoon katagal niya na ring hindi nakikita si Mackey.

Syempre sinasabi niya lang ang mga iyon para hindi na magtanong pa ang mga ito. Hindi niya pa iyon tanggap pero kailangan niyang tanggapin. Tatay na nito ang nagsabi na hindi siya nito gusto para sa anak nito. Isa pa ay ayaw din naman niyang mapahamak pa si Mackey nang dahil sa kanya.

"So, hindi mo na siya mahal?"

Nagbaba siya ng paningin. "Hindi na."

"Alam mo, sisterette? Alam namin na may sapak ka sa utak pero ngayon lang namin nalaman na masokista ka."

Nag-angat siya ng paningin. Taas ang isang kilay ni Kayra. Si Marney naman ay iiling-iling.

"Ano'ng ibig mong sabihin, Kayra?"

"You still love him." It's a statement.

"Huwag nang magsinungaling, sister. Kilala ka namin. Alam namin kung kailan ka nagsisinungaling," dagdag pa ni Marney.

Iniwas niya ang paningin sa mga ito. Hindi siya makatagal sa tinging ipinupukol ng mga ito sa kanya. Siguro nga ay kilalang-kilala siya ng mga ito. She can lie to everyone but not to them. Ang mga ito nga pala ang kasama niya sa mga kalokohan niya noon.

"I told him to leave," pag-amin niya.

"Why? Akala pa naman namin ay maaayos na ang lahat sa inyo kapag nahanap ka niya."

"Kung ganoon balewala pala ang matinding pag-aalala ni Mackey noong nawawala ka at pakikipagsapakan niya sa ex mo? Sayang din ang mga pasang natamo ni Jelson ko."

"'Oy Marns, makaangkin ka kay Jelson parang kayo na talaga, ah," tudyo ni Kayra rito.

"Kami na naman talaga, ah." Matamis na ngumiti si Marney pagkatapos.

Buti pa ang kaibigan niyang ito. Happy ending. Di katulad niya. Wala yata siyang happy ending. Napapa buntong-hiningang humigop ulit siya sa kape niya.

"Bruha ka talaga! Magkwento ka pagkatapos natin sa problema ni Allyza." Bumaling ulit sa kanya si Kayra. "So, ano nang problema? Bakit ikaw naman ang nagpapalayo ngayon kay Mackey?"

Sasabihin niya ba sa mga ito ang napag-usapan nila ni AFP Chief Lubigan? Pero ayaw niyang maging masama ang tingin ng mga ito kay Mackey. Pero hindi rin naman pwedeng wala siyang sabihin sa dalawang kaharap niya ngayon.

"Hindi ako gusto ng tatay niya. He asked me to stay away from Mackey."

"At gagawin mo naman?"

"Bakit naman hindi, Marney? Tama naman siya. Kasalanan ko kung bakit napasama na naman sa gulo si Mackey." May kumurot sa puso niya nang sabihin iyon. "So, it's better to stay away from him, kesa naman mapahamak ulit siya ng dahil sa akin."

The Rebel Slam 5: MACKEYWhere stories live. Discover now