CHAPTER TWENTY-NINE

3K 86 3
                                    

CHAPTER TWENTY-NINE

"MACKEY?"

Taas ang dalawang kilay na nag-angat siya ng paningin. Allyza's red-blonde head and pretty face greet his eyes. Kunot ang noo nito.

"Why?" Hindi niya mapigilang mapangiti. Kahit ano'ng reaksyon ng mukha nito ay maganda sa mga mata niya. Tsk. Tinamaan na naman siya ng kakornihan niya.

"Kanina ka pa kasi tahimik. May problema ka ba?" nag-aalalang sabi nito.

Siguro nga ay tama ito sa sinabing kanina pa siya tahimik. Iniisip niya kasi ang sinabi ng mga kaibigan niyang nag-ala love doctor nang nakaraang araw. Nang magtanong siya kung paano malalamang in love na siya ay sumeryoso na ang sagot ng mga ito. Tuloy, iyon ang laman ng utak niya ngayong kasama niya ang nobya. Pinapakiramdaman niya sa sarili kung tatama ang mga pinagsasabi ng mga kaibigan niya.

Grendle said, "Kapag nararamdaman mo na na hindi ka mapakali kahit isang minuto na hindi siya kasama, ka-text, kausap, o kahit hindi mo alam kung nasaan siya at kung anong ginagawa niya, iyon na iyon."

Then, Aser added, "Iyong tipong gagawin mo lahat para ikaw lang ang mapansin niya at kausapin kahit mabwisit pa siya sa iyo. Anyway, hindi naman mabubwisit ang girlfriends natin. Mahal tayo ng mga iyon, eh."

Then Clyde, "Kapag tumibok na ng mabilis sa kanya ang puso mo, iyon na 'tol. Kinakabahan ka kahit dulo lang ng buhok niya ang makita mo. Wala nang tanong-tanong iyon. Mahal mo na siya. Makinig ka sa gwapo, 'tol."

"I agree with them," sabi naman ni Kyle na umani ng kantyaw sa kanila. Inayos rin nito ang sagot pagkatapos. "Kapag lagi mo siyang tinititigan at tinitingnan ang lahat ng kilos niya na parang sinasaulo mo-- kahit ayaw mo, iyon pa rin ang ginagawa mo, that's a sign. You like watching her and you felt heavenly while doing that."

Pinagmasdan niya si Allyza. Sumisipsip ito sa straw ng iced tea nito habang nakatingin sa counter. Binabasa nito ang menu na nakapaskil doon.

She's in her usual make up--blush on, heavy mascara and eye liner, red eye shadows, dark green contacs and red lipstick... Ang ibang babae ay tatawagin niyang clown sa ganoong ayos. But not Allyza. Bagay na bagay dito ang ayos nito. Lalong lumutang ang kagandahan nito. With that peach dress and high heeled sandals, pwedeng pwede na itong pagkamalang modelo. She's so sophisticated and he's more than fine about it. He liked her this way.

Napailing siya. Kahit ano'ng tingin niya rito, nagagandahan talaga siya rito.

Muli niyang binalikan ang mga sinabi ng mga kaibigan. Ch-in-eck niya sa utak niya ang invisible box sa tapat ng sinabi ni Kyle. Pati na rin ang sinabi ni Clyde. Hindi na niya kailangang pakiramdaman ang pagtibok ng puso niya. Talking about the obvious. Halos marinig na nga nito ang kabog ng puso niya, eh...

Darn! Allyza looked at him. Napamura na lang siya sa biglaang pagsipa ng kaba sa dibdib niya.

"What? Bakit hindi ka nagsasalita riyan? May problema ka ba? May maiitulong ba ako?"

Huminga siya ng malalim upang payapain ang sarili. Nginitian niya ito.

"May iniisip lang ako."

"Ano? Pwedeng i-share, baby. Baka iniisip mo na akong murder-in, mahirap na," biro nito

Natawa siya. Pagkuwa'y sumeryoso. "I'll hurt myself first before hurting you." May malamig na kamay na humaplos sa puso niya nang mamula ang mga pisngi nito. Hindi niya akalaing may ibibilis pa ang pagpintig ng puso niya. Sumandal siya sa upuan niya at pinagsabihan ang sariling kumalma. "Iniisip kita," dagdag niya.

"H-ha?" Saglit na walang naisagot si Allyza. Pagkuwa'y bahagyang tunawa ito. "Mackey baby, ha? Bakit mo naman ako iisipin? Eh magkaharap lang tayo dito?"

The Rebel Slam 5: MACKEYWhere stories live. Discover now