CHAPTER THREE

4K 88 1
                                    

CHAPTER THREE

"GIRL, halikan mo na lang kaya ulit bigla iyang guy na iyan?"

Tumaas ang isang perpektong kilay ni Allyza. Hindi niya nilingon si Marney. Nakatingin siya sa katawanan ni Alyanna ngayon. Si Mr. Keyboardist.

Narito sila ngayon sa function hall ng isang hotel kung saan may fundraising-- na mukhang hindi fundraising. Mas tamang sabihin na concert ng mga banda sa lugar nila. Mabuti na lang at nasa isang sulok sila kung hindi ay baka naapak-apakan na ang kaka-pedicure lang na mga kuko niya sa paa. Nagkakagulo kasi ang mga tao doon.

"Hoy, ikaw nga, Marney, huwag mo nang dagdagan ang nabibiktima nitong sisterette natin." Bumaling si Kayra sa kanya. "Huwag mo na ulit papakinggan ang babaeng ito, Ally."

Napangisi siya. Ginawa na kasi niya noon ang gimik na iyon. Doon sa dating boyfriend ni Alyanna. Nag-disguise siya at pumunta sila sa mall kung saan magkikita ang kakambal niya at boyfriend nito. Saktong ang lalaki pa lang ang naroon. Nilapitan niya ito at biglang hinalikan sa labi. Her friends, Marney and Kayra, were busy taking their pictures. After that kiss, tulala ang lalaki. Nasarapan siguro. She smiled sweetly at him then, nagmamadaling tinakasan na ito bago pa man makapag-usisa. She showed that pictures to Alyanna. Sinabi niyang aksidenteng nakita niya ang boylet nito sa ganoong scene. Hindi nito alam na nagdidiwang ang loob niya habang halos mangiyak-ngiyak ito. After that, she learned that her twin broke up with the guy. Poor guy.

Sa kaso ng lalaking ito, kailangan pa nilang makasiguro na boyfriend na nga ito ni Alyanna bago niya gawin iyon. For now, mag-i-information gathering muna sila.

"Whoah! Narito rin pala ang Scianide!"

"Ano'ng cyanide? Lason?"

Bintukan siya ni Kayra. "Banda iyon, Ally. Sci in sciance plus anide. Saang planeta ka ba galing?" nandidilat ang mga matang sabi nito.

"Aba, malay ko ba. Hindi naman ako mahilig sa banda." Nangunot ang noo niya. "Siguro may gwapo doon kaya kilala niyo, ano?"

Nangislap ang mata ng mga ito. Tsk. Sabi na nga ba niya.

"Lahat sila gwapo!" tili ni Marney matapos ang signature beat ng bandang pinag-uusapan nila. "And mind you, kung hindi mo pa alam, ang bokalista ng banda na iyan ang ex ng kapatid mo. Iyong nilapang mo ang lips?"

Nanlaki ang mga mata niya. Lumipad ang paningin niya sa stage. Dumako iyon sa lalaking nakaharap sa mic.

"Ladies and gentlemen, may we call on our special friend, Miss Nhica Concepcion."

Ito nga iyon! Medyo nagbago lang ang pananamit, buhok at--

Teka, si Nhica ba na kakilala niya sa university ng kapatid niya ang tinawag nito?

Bilang pagkumpirma sa tanong niya ay lumabas ang babaeng naka-yellow dress at naka-blazer ng green mula sa backstage. Nagulat pa siya sa make-over nito. Hindi niya akalain na may gandang hindi inakala ito. Lumapit ito sa bokalista. Nhica looked at the side of the stage... sa mga myembro ng The Rebel Slam band?

Even at the far distance, kita niya ang pagkislap ng lungkot sa mga mata ni Nhica. Lalo na nang kantahin nito ang "Forever and Always" ni Taylor Swift.

Before the song ends, she saw one of the Rebel Slam member climb at the stage and grab Nhica. Hinila nito ang babae palabas ng function hall. Naiwan silang lahat na nakanganga.

"Oh my! Ang playboy na si Fafa Clyde seryoso na yata!" Kayra gasped.

Clyde? Napakunot ang noo niya. Diyata't ito ang Clyde na dahilan kung bakit nabugbog si Nhica, ah?

The Rebel Slam 5: MACKEYOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz