dahil maganda ako at ayaw ko kayong paghintayin hanggang Saturday, ito na! mainit-init pa. ;)
-SyanaJane
******
CHAPTER TWENTY-EIGHT
"Naaalala ko pa nung una kang masilayan, nanghihinayang
Gustung-gusto kita kausapin, makilala
Subalit may kaba kaya nahihiya lang
Sinayang ang nakatakdang tadhana
Karapat-dapat nga ba na magkandarapa
Sa isang prinsesa na may delikadesa
Kesa sa ganun bakasakaling game ka maging reyna
Date tayo, oo, ikaw at ako
Liparin natin ang iba't ibang parte ng mundo
Tugma pa rin kahit sabihing hindi tayo bagay
Kasi tao tayo, si Maragsa at Malumanay
Kung sabagay, karangalan kong pahalagahan ang natural mong kagandahan
Aminin ko man o hindi
Kapag nasa paligid eh
Pasimple na ngumingiti
Sana kako tamaan..."
Her mouth flew open. Hindi niya akalaing magaling mag-rap si Mackey. Kinunutan niya ito ng noo. Kinindatan naman siya nito bilang sagot.
Ano ba? Kinikilig siya! Kinakantahan siya ni Mackey baby. Totoo ba ang mga pinagsasasabi nito at hindi hanggang lyrics lang? Jeez, gusto niyang paniwalaan na tagos sa bones at heart ni Mackey ang mga iyon. Kaya sige, iyon na lang ang papaniwalaan niya. Tsk. Ang hirap talagang kalaban ng puso niya.
"Woohh! Nagpapasiklab si Mackey, ah! Ipagpatuloy mo iyan... Aser loves, ang pogi mo talaga!"
"Ikaw na ang diwata, Allyza! Ang hot mong mag-drums, Clyde Mahal!"
"Pinakagwapo si Grendle ko! Woohh!"
"Mas gwapo pa rin sa mga boyfriends niyo ang boyfriend ko, ano? Ang galing mong kumanta, Kyle my loves! Isang kindat naman d'yan."
"O, Jazmine, hindi ka na galit kay Kyle?"
"Ang hirap magalit ng matagal sa kanya, Krizhia."
Nagkakaingay na sa restaurant pero ang mesa nila ang pinakamaingay. Naki-cheer siya sa mga ito.
"Baby, ang galing mo! The best!" sigaw niya. Nagke-keyboards ito habang nagra-rap. O di ba? Ang talented ng baby niya.
He just smiled at her and continued his piece.
"Hanggang sa magkakilala muli
![](https://img.wattpad.com/cover/24099325-288-k873885.jpg)
YOU ARE READING
The Rebel Slam 5: MACKEY
Teen FictionSawang-sawa na si Allyza sa pagkukumpara sa kanila ng kakambal. Sawa na rin siyang marinig ang lahat ng mga tao at ang mismong magulang nila na ito ang pinapaboran palagi. For her, her twin sister is such a pain on her neck. Inagaw nito ang lahat. A...