CHAPTER EIGHTEEN

3.2K 82 3
                                    

CHAPTER EIGHTEEN

ALLYZA bit her lower lip. Hindi pa siya nakuntento at hinaplos niya pa ang mga iyon. Pagtapos ay pigil na ngumiti siya. Naalala niya ang nangyari nang nagdaang gabi.

They kissed! Siguro naman alam na ni Mackey kung ano ang ibig sabihin ng 'I like you' niya?

Nakangiting dinampot niya ang iced tea niya at sumimsim sa straw niyon. Hanggang ngayon hindi pa siya nakaka-get over sa halik na iyon. After she kissed him, they were both speechless. Hanggang sa siya na rin ang hindi nakatagal at nagpaalam dito. She thanked him for helping her and backing her up in front of her father. Hanga nga siya rito dahil nagawa pa nitong nginitian si Ian sa kalagitnaan ng galit ng kanyang ama.

Hindi na niya nakita kung ano ang reaksyon ni Mackey. Nagmamadali kasi siyang pumasok sa loob ng gate nila pagkatapos magpaalam.

"Señorita Allyza, phone po."

Nag-angat siya ng paningin sa katulong nila na tumawag sa kanya. Hawak nito ang cordless phone nila.

Kinuha niya iyon at nagpasalamat dito.

"Hello?"

"Allyza, si Marney ito. Nakauwi ka na raw?"

"O, Marney. Yep. Nakauwi na ako. Kamusta?" She took a bite on her pancake.

"Magkikita kayo ni Jelson ngayon?" bagkus ay tanong nito.

Nakamot niya ang kilay niya. Ngayon niya lang naalala ang lalaki. May usapan nga pala sila ngayong alas dyes. Tumingin siya sa wristwatch niya. Alas nueve y media na.

"Oo. Magkikita kami ngayong alas dyes. Bakit mo natanong?" Bigla siyang tinamad na makipagkita dito. Thirty minutes na lang para makapaghanda siya pero wala pa ring pagmamadali sa kilos niya.

Saglit itong nawalan ng imik.

"Marns?"

"Ah, wala naman. Gusto ko lang makasiguro na itutuloy mo ang plano natin. By the way, Allyza..." Bumuntong hininga ito. May galit sa tinig nito nang magsalita. "I saw Jelson hanging out with a girl last night at VJ's bar. Make sure na kakastiguhin mo siya tungkol dito."

Napahinto siya sa paglalaro ng pagkain niya. "Really? Akala ko ba stick to one na sa akin ang lalaking iyon?"

"I thought so, too. Kaso matagal kang nawala, Allyza. Baka naisip niyon na hindi ka talagang seryoso sa kanya kaya naghanap na ng iba. But you are his girlfriend right now. Lambingin mo siya at ibalik mo ang tiwala niya sa iyo."

Napabuntong hininga siya at inilapag ang tinidor sa plato niya.

"Marns, can I ask you a question?"

"What question?"

"Gusto mo ba si Jelson?"

There's panic on her friend's voice when she answered. Allyza could sense her friend's anger. "What are you talking about, Ally? Of course not. Iyong feelings ko sa kanya dati, wala na. Napalitan na ng galit. All I want now is to see him crying and hurt. Iganti mo ako sa hayup na iyon, Ally. Please."

Nakagat niya ang pang-ibabang labi niya. Minsan lang magsabi ng please ang kaibigan niyang ito. Kapag desperado na itong makuha ang isang bagay.

"Ano bang ginawa niya talaga sa iyo, Marns? Bakit galit na galit ka sa kanya? Kung ako ang masusunod, bubugbugin ko na lang ang lalaking iyon para maiganti ka."

"Pinaasa niya ako, Allyza. After Arvin, alam mong hirap na akong magtiwala sa ibang lalaki. But he made me trust him and fall for him. Do you know how bad is that? It's the worst! And I hate him so much I'm willing to do anything just to see him feel the hurt that I felt. At ikaw lang ang makakagawa niyon."

The Rebel Slam 5: MACKEYWhere stories live. Discover now