CHAPTER 55(FINALE)

4.8K 123 18
                                    

CHAPTER 55 (FINALE)


"BABY, magpapatawag na ba ako ng ambulansya?"

Allyza looked at Mackey and smile her sweetest smile. Sinakyan niya ang tanong nito.

"Oo, baby. Ipaospital mo na ang puso kong hingal na hingal na kakatibok sa pangalan mo."

"Allyza!" namumula ang mga tengang pinandilatan siya ni Mackey.

She just giggled. Ang cute pala nitong mamula! Her beloved blushing bad boy.

"Baby, ang gwapo mo talaga ngayon!" Pinisil niya pa ang pisngi nito.

"Ngayon lang, baby?"

"O, sige. E di, araw-araw na."

"Napipilitan ka lang yata, eh."

Natawa siya. Napansin niyang nakatitig na naman ito sa kanya.

"What?"

"Ang saya mo yata ngayon? Okay ka lang ba?" nag-aalalang tanong nito.

"Oo naman! Tumama kasi ako sa lotto."

Napakunot ang noo nito. "Really?"

"Oo. Hayan nga at katabi ko na ang premyo ko."

Kunot-noong tinitigan siya nito bagaman may malawak na ngiti sa mga labi. Itinaas-taas niya ang mga kilay dito. Natawa naman ito.

"Ngayon ko lang nalaman na magaling ka rin palang babanat, Ally baby!"

"Ngayon ko lang din nalaman na kinikilig ka rin pala, Mackey baby."

They laughed.

"Seryoso. Ano'ng nakain mo ngayon?" maya-maya'y tanong nito.

She smiled at him. Kanina niya pa gustong sabihin dito ang magandang balita pero hindi niya alam kung paano iyon sasabihin. Baka magkarambol rambol lang ang mga salita niya sa sobrang excitement niya.

Magsasalita na sana siya nang lumapit sa mesa nila sina Krizhia at Jazmine. Napagkatuwaan nilang magkita-kita sa VJ's bar ngayon. Mukhang nasa mood ang owner at pinsan ni Krizhia na si Von Joey Ramos na isara ang bar at i-accommodate sila. Araw naman daw at mamayang gabi na lang ito magbubukas. In short, solo nilang magkakabigan ang bar.

"The who itong magdyowang nagde-date sa isang sulok? At parang mga baliw na nagngingitian at nagtatawanan? Any guess, Jaz?"

"Sinetch itey, Krizhia?"

"Itatago natin sila sa pangalang Mark Ephraim Lubigan at Allyza Castro."

"Ow? Sila ba iyon?"

Kunwaring nabigla pa si Krizhia nang tumingin sa kanila. "Oh, hi! Nariyan pala kayo! Kanina pa kayo r'yan?"

Naiiling na natatawa na lang siya sa gimik ng dalawa.

"Nasaan ba ang mga boyfriends ninyo at nakawala na naman kayo sa renda ninyo?" sita sa mga ito ni Mackey.

"Nagre-ready lang naman sila para tumugtog. Ikaw, bakit ka pa nandito? Dapat kasama ka na nila ngayon. Huwag mong solohin si Allyza. I-share mo naman sa amin," sagot ni Krizhia.

Mackey possessively place his arms around her. "Ayoko nga. Ha-harass-in niyo lang ang baby ko."

"Ang bakla mo, Mackey!" kantyaw ni Jazmine dito.

"'Di bagay, dude!" sabi naman ni Krizhia sabay hila sa kanya patayo. Pero mahigpit talaga ang pagkakayakap sa kanya ni Mackey kaya hindi man lang siya matinag ng dalaga.

The Rebel Slam 5: MACKEYWhere stories live. Discover now