CHAPTER THIRTY

3K 87 8
                                    

Syana Jane's note: Hi rebels! Sorry for not updating for sooo long! Madami lang talaga ginawa ang inyong lingkod. ^ω^

We have facebook group for TRS readers. Join kayo at makipagkulitan sa Rebel Slam characters!

••••••••••••••••

CHAPTER THIRTY

"NATATAKOT kasi ako na baka pagdating ng araw, iwan mo rin ako. Tulad ng ex mo. Tulad ng mga sinasabi nila. I know, it's not right to feel this way. Nakakagago lang dahil iyon ang nararamdaman ko sa mga oras na ito. Hindi ko rin alam kung bakit ba ito ang naiisip ko ngayon. And why the hell am I telling this to you. I'm going crazy about you."

Hiningal si Mackey sa haba ng sinabi niya. Ayos na sila kanina ni Allyza matapos lumapit ng gunggong na JL na iyon sa mesa nila. Akala niya ay lulubayan na sila nito. Akala niya lang pala iyon. Nang paalis na sila ng nobya sa restaurant na iyon ay umeksena na naman ang lalaking iyon. He called Allyza 'Lyza, said his goodbye and called her 'cheesecake'. Again! Sinong hindi maiirita doon? Kung hindi lang siya hinila palabas ni Allyza ay nakwelyuhan na talaga niya ang lalaking iyon!

Hindi sumagot si Allyza. She just stared wide-eyed at him. Saka niya lang napagtanto ang mga pinagsasabi niya. Naihilamos niya ang mga kamay sa mukha.

"M-Mackey..."

"Don't," putol niya sa sasabihin nito. Hindi niya gustong marinig ang sasabihin nito. Positibo man iyon o negatibo. He's just not ready. Huminga siya ng malalim at inayos ang mukha bago tumingin dito. But he can't looked at her for too long! Darn it! Ano ito? Dinadaga siya? Matapos niyang pagsasabihin ang mga iyon?

Tsk. Hindi mo alam ang salitang iyan, Mark Ephraim Lubigan! Itinatakwil kita!

Naaasar na talaga siya sa sarili dahil kahit ano'ng isipin niyang pampalakas ng loob, balewala pa rin. Ibinaling niya ang paningin sa exit ng mall na iyon.

"Mackey..."

"Tara. Iuuwi na kita." Nauna na siyang maglakad.

"Mackey!"

Napahinto siya nang marinig ang pagsigaw ni Allyza. Nilingon niya ito. Hindi pa rin ito umaalis sa kinatatayuan. Nakadagdag lang lalo iyon sa frustrations niya.

"What? I said let's go."

Humalukipkip ito at lumabi. "Iiwan mo na lang ako basta dito pagkatapos mo akong sigawan? Sumusobra ka na talaga!"

Napakunot-noo siya. Hindi na niya maalala kung pasigaw ang pagkakasabi niya ng mga iyon dito kanina. Ah, siguro nga napalakas ang pagkakasalita niya. Naiinis kasi talaga siya.

Seeing her pissed at him like that, he had this feeling that he was guilty. Napabuntong-hininga siya. Aaminin niyang bihira niyang maramdaman ang guilt. Sa tuwing nararamdaman niya iyon ay naiinis siya. Pero iba ngayon. Naiinis pa rin siya pero lamang ang kagustuhan niyang makabawi.

Ano bang meron sa iyo, Allyza?

"Okay. I'm sorry. I overreacted."

Hindi pa rin ito tuminag sa kinatatayuan. "You overreacted? Hindi halata."

"Don't laugh at me, Allyza."

"I'm not. Tumatawa ba ako?"

"It's a figure of speech. Huwag mo akong pilosopohin."

Kinagat nito ang pang-ibabang labi. Kita niya ang pag-angat ng isang sulok ng bibig nito.

"Now, you really are laughing at me," wika niya. Somehow, his feelings lighten up. He knew, nabawasan na ang inis nito sa kanya, kung hindi man iyon nawala. At kung naiinis nga ito sa kanya.

The Rebel Slam 5: MACKEYWhere stories live. Discover now