CHAPTER 54

3.5K 80 4
                                    

CHAPTER 54

"ALLY?"

Mula sa pagpapakain sa mga batang lansangan na nakita niya sa labas ng hotel ay nilingon niya ang tumawag sa kanya. Mackey smiled at her when she looked at him. Lumapit ito sa kanya at inakbayan siya.

"Tapos ka na ba sa pagpapakain sa mga batang nagugutom sa sanlibutan?"

"Not yet." Ipinaikot niya ang mga braso sa bewang nito. She felt the familiar warm overwhelming feelings inside his arms. Tumingin siya sa mga batang nagpipyesta sa mga dala niya. "Kumakain pa sila."

"Hmm."

"Galit ba sila sa ginawa ko? Pasensya na, ha? Nadala lang ako ng inis sa daddy mo."

"I understand you. Nang makita ko rin si Dad pag-uwi natin nang magkabati tayo ay inaway ko rin siya. Don't worry. Hindi sila galit." Bumuntong-hininga ito. "Sorry, baby. Dapat sinabi ko sa iyong makakasalo natin siya."

"Okay lang. Baka kung sinabi mo sa akin ay hindi na ako sumama at pagtaguan na kita."

"Ah, iyan naman ang huwag mong gagawin, baby." Humigpit ang pagkakaakbay nito sa kanya na parang tatakasan niya ito anumang oras.

Pigil ang ngiting mahinang tinampal niya ang dibdib nito. "Joke lang. Baka ako pa ang hindi makatagal kapag hindi kita nakita."

Hinuli nito ang kamay niya at dinala iyon sa mga labi. Parang may kumiliti sa puso niya nang halikan nito iyon.

"Baby, huwag ka ngang magbibiro ng gano'n. Alam mo namang para kang cellphone ko, eh."

Tuluyan na siyang napangiti. "Bakit?"

"Kasi hindi mabubuo ang araw at gabi ko kung hindi ako titingin sa iyo at kung hindi kita makakasama."

She giggled.

"Baby, ha? Heto na naman tayo sa mga banat mo!"

"Aminin mo, hinahanap-hanap mo ito."

"Ay, bakit alam mo?"

"Kasi, hinahanap hanap ko rin ang kilig mo tuwing bumabanat ako."

"Adik!"

"Ewan ko ba. Hindi ka naman drugs, pero ang lakas ng tama ko sa 'yo."

Napahalakhak siya. Dagling nalimutan niya ang nangyari sa loob ng restaurant. Mackey is really the only person who can make her happy in just a minute of being with him.

"Dapat lang, ano? Kapag tinamaan ka sa iba, tatamaan ka talaga sa akin." Gigil na pinisil niya ang mga pisngi nito. Tumatawa na rin ito. "Ang gwapo talaga ng boyfriend ko!"

"Sino iyon? Mabugbog."

Sabay silang nagtawanan.

Maya-maya'y binalingan nito ang mga batang nakatingin na pala sa kanila. Ang ingay kasi nilang dalawa.

"Mga bata, ang ganda ng kasama ko, ano?"

"Opo, Kuya! Mabait pa!"

"Panalo, Kuya! Asawa mo po ba siya?"

Aba! Ang gagaling sumagot ng mga batang ito, ah!

"Hindi pa. Pero malapit na."

Napatingin siya dito. Malawak ang ngiti nito at kumikislap ang mga mata habang nakatingin din sa kanya. Kinindatan siya nito nang magtama ang mga mata nila. Tumingin itong muli sa mga bata.

Nangingiti na lang siya.

"Syempre, magtatapos muna kami ng pag-aaral... Bagay ba kaming mag-asawa?"

The Rebel Slam 5: MACKEYWhere stories live. Discover now