CHAPTER TWENTY-FOUR

3.1K 87 3
                                    

CHAPTER TWENTY-FOUR

"HINTAYIN mo na lang ako dito. Saglit lang ako, promise."

"Take your time, baby."

Allyza beamed her most pretty smile at him. Nasundan niya ito ng paningin nang tumalikod ito at maglakad patungong girls' comfort room. She moves gracefully on her high heels and mint green dress. Bumagay ang hanggang tuhod na damit na iyon sa balingkinitang katawan nito at blonde-red na buhok nito.

Mackey found himself staring at her, smiling like a mental patient, until she entered the restroom. Parang gusto niyang pigilan ang pinto nang sumara iyon sa likuran nito. Napabuntong hiningang sumandal siya sa railling ng third floor ng mall kung saan sila naroon ng girlfriend niya.

Girlfriend. Girlfriend niya na si Allyza just this morning. Napakabilis ng pangyayari. Hindi niya akalaing ang pagkakasama nila sa Hyacinth Island ang magiging daan para maging ganito ang lahat.

Ang plano niya ay ligawan muna ito. Hindi nila kailangang magmadali. Tumawag siya kaninang madaling araw para ipaalam dito na liligawan niya ito. After that second kiss, his heart was so bothered and he knew he wouldn't sleep, not until he heard her voice. Pero natagpuan niya ang sariling pigil ang hininga habang sinasabi nito na ayos lang dito na maging nobyo siya. His heart was thumping like crazy-- hindi na niya matandaan kung kailan niya ito huling naramdaman. After Rhi died, he thought she took his heart with her. Pero akala niya lang pala iyon. Heto ang puso niya at nagwawala na naman lalo na ng hilingin ni Allyza na maging boyfriend siya nito.

He realized that time, iba na talaga ang tama niya sa dalaga. She's an extraordinary girl and an irresistibly beautiful one. Kinalimutan niya ang unang plano at umoo agad dito. Naisip niyang pwede pa naman niya itong suyuin kahit sila na. Ayos din iyon para masiguro niyang walang makakaporma dito. Mahirap na at baka iba pa ang makakuha sa oo nito.

Hindi niya pinagsisihan ang desisyong iyon. He liked being with her. He liked seeing her. And he liked as they walk hand in hand. He liked her...

Natigilan siya. Like pa ba itong nararamdaman niya?

Ipinilig niya ang ulo. It was too early to know how his heart feels about her. Sabi nga nila, ang mas malalim na feelings ay ang feelings na nade-develop sa panahon na magkasama. Instant feelings were just infatuations. Time. Iyon ang kulang sila para masabi niya na pag-ibig na nga ito.

He agreed to be her boyfriend because he liked to know if these feelings he had for her will last. He wanted to know if she's the one who can occupy Rhianne's room on his heart.

"Pare."

Natigil siya sa pagmumuni-muni nang may tumabi sa kanya sa railling. He looked at the guy who spoke. Nakatingin ito sa kanya.

"Ako ba ang kausap mo?" kunot-noong tanong niya rito.

"Oo. Ikaw nga." Tumingin ito sa ibaba ng railling.

"I don't think I know you."

"Hindi nga. Hindi rin kita kilala. Pero kilala ko ang kasama mo." Seryoso ang mukha nito. Umangat ang isang kilay niya. He doesn't like what this guy said. "Are you her latest boyfriend?"

Hinarap niya ito. Nangati ang kamao niyang ilapat iyon sa pisngi nito."Ano naman sa iyo?"

Umangat ang isang sulok ng bibig nito. Pero nanatiling blanko ang ekspresyon sa mga mata nito. Bigla tuloy siyang na-curious kung ano ang kaugnayan nito sa girlfriend niya.

"Sino ka ba?" wika niya.

"Me? I'm just like you... Once." Mas naging mapang-asar ng hilaw na ngiti sa labi nito.

The Rebel Slam 5: MACKEYWhere stories live. Discover now