CHAPTER THIRTY-FOUR

2.2K 66 2
                                    

CHAPTER THIRTY-FOUR

“THE number you have dialed is either unattended or out of coverage area. Please try your call—”

Hindi pa man natatapos ang linya ng operator ay kinansela na ni Allyza ang tawag. She pressed on her phone and dialed the number again. Tulad nang pang-isang daang operator message na nakasagot ng tawag niya ang narinig ulit niya.

She helplessly ended the call and let her phone slide from her hand. Mula sa pagkakatingin sa kisame ay ibinaling niya ang mga mata sa labas ng bintana. It was raining. Waring nakikisabay sa kalungkutan niya ang panahon.

“Allyza?”

She heard some knocking on her door with Ian’s, her father, voice calling at her. Dumating na pala ito sa business trip nito. Hindi niya ito pinansin. She continued staring at the rain outside. Ni hindi siya tuminag sa pagkakahilata sa kama niya.

“Allyza, open the goddamned door!” Lalo pang lumakas ang pagkatok sa labas ng pinto niya.

Malamang alam na rin ng tatay niya ang nangyaring gulo sa pagitan nila ni Alyanna. Sa nangyaring komosyon sa kanila ng kakambal nang gabing iyon ay nagising ang mommy nila. Nang sugudin niya si Alyanna pagkaalis ni Mackey ay dinadamayan na ito ni Aira, their mother. Tingin niya ay narinig nito ang lahat ng pinag-aawayan nila ng kapatid kaya nang balikan niya ang kakambal ay hindi niya inaasahang sasampalin siya nito.

The first time her mother slapped her.

Nag-init ang mga mata nang maalala iyon. Unfortunately, nakuha na naman ni Alyanna ang simpatya nito. She fought the urge to cry. Pitying herself was the least she needed right now. Kailangan niyang patatagin ang loob niya.

Napatingin siya sa pinto nang bigla iyong bumukas. Her father’s red face greeted her. Yep, alam na nga nito at malamang narito ito sa kwarto niya para paliguan siya ng isang drum na mga salita at galit nito.

Patamad na umupo siya.

“What?” bored na tiningnan niya ito.

“You, young lady, knows no bound,” lapat ang mga ngipin na sabi ni Ian. “Haven’t you heard me knocking and calling you?”

“I have. So, what now? Inaantok pa ako kaya sabihin na ninyo ang gusto ninyong sabihin.”

Waring tuluyan nang napatid ang pasensya ng daddy niya. “What’s wrong with you, huh? Bakit kailangan mong gawin iyon sa kapatid mo? Is this what you raise for? Ang maging pasaway, rebelde at pahirapan ang buhay ng pamilya mo? Is that what you want?”

“Kung iyan ang gusto ninyong isipin, wala na akong magagawa doon.” Ibinaling niya ang paningin sa bintana. Malakas pa rin ang ulan sa labas. Inaliw niya ang sarili sa pagtingin sa hinahanging sanga ng puno sa tapat.

“Damn it, Allyza! Relasyon ng kapatid mo iyon! You knew how she liked the guy. Ni minsan, hindi pinakialamanan ni Alyanna ang mga relasyon mo! Pagkatapos, ganoon ang gagawin mo? Akala mo ba hindi ko napapansin ang pagpapahirap mo sa kapatid mo? Ano bang pumapasok d’yan sa kukote mo? Kulang pa ba ang pagka-grounded mo?”

Hindi siya sumagot dito. Kung nasa normal siyang pag-iisip ngayon, nakikipagsigawan na siya ngayon dito tungkol sa walang hanggang pagkampi nito sa kakambal niya. Pero wala siya sa mood ngayon para makipagpalitan ng maaanghang na salita sa ama. Nakakapagod din palang makipagsalubungan ng galit dito. She felt down and defeated. Even her father’s words don’t affect her. Ang palaging sumasagi sa isip niya ay ang mukha ni Mackey nang sabihin nito na sinungaling siya, ang pagtalikod at pagtabig nito sa kanya at ang papalayong sasakyan nito…

“Kailangan nang putulin iyang sungay mo, Allyza Castro! Simula sa araw na ito, kailangan mong magtrabaho sa kumpanya. And that is final! After school, deretso ka sa kumpanya para magtrabaho. And I’m not assuring you that your life in the company will be that easy. You need to start from the bottom until you earned any trust. You will work there as an ordinary working student and not my daughter. Do you unders—”

The Rebel Slam 5: MACKEYWhere stories live. Discover now