CHAPTER SIXTEEN

3.1K 98 0
                                    

CHAPTER SIXTEEN

"PALAGI mong sinasabi na hindi ka mai-in love."

Taas ang dalawang kilay na nag-angat ng paningin si Mackey sa kanya.

"Hmm?"

Ipinatong ni Allyza ang dalawang braso sa mesang nasa pagitan nila at dumukwang. Kasalukuyan silang nag-i-snack sa restaurant na malapit sa forest outdoor activities.

"Curious lang ako. Nagka-girlfriend ka na ba?"

Napakunot noo ito. Dinampot nito ang rootbeer nito at  tinungga iyon.

Gusto niyang mapabuntong hininga. Sana naging baso na lang siya.

"Bakit gusto mong malaman?" wika nito matapos ibaba ang baso.

"Curious lang ako."

Malamang wala pang nagiging girlfriend ito dahil sa panuntunan nito sa buhay pag-ibig. But who knows, right?

Tumitig ito sa kanya na tila inaarok ang kaseryosohan niya. Nilabanan niya ang titig na iyon. Kahit na ba habang tumatagal ay para siyang ice candy na natutunaw sa mga titig nito.

His lips twitched. Sumandal ito sa upuan nito. Ang sarap iguhit sa alaala ang postura nito.

"Meron."

Napamaang siya rito. "Hindi nga?"

Natawa ito. "Hindi ba halatang marami na akong naging ex? Sa astig kong ito?"

"Nagkakalokohan na yata tayo dito, eh!"

"Totoo 'to!"

Mukha namang hindi ito nanggu-goodtime. Saka gwapo ito. Malamang mga babae pa ang nanliligaw dito. Aminado naman siya doon.

"Okay, ire-revised ko ang tanong ko. Na-in love ka na ba?" tanong niya ulit.

"Ikaw, na-in love ka na ba?" balik tanong nito.

Oo, ngayon. Kinagat niya ang kanyang dila.

"Huwag mong ibahin ang usapan!"

Tumawa ito. Tumayo ito at inilahad ang kamay sa kanya. "Halika na. Bumalik na tayo sa beach. Baka hinahanap na tayo ni Tita Karen."

Nakasimangot na tiningala niya ito. "Sagutin mo muna ang tanong ko."

Napakamot ito ng ulo. "Kailangan ba?"

"Mackey baby, lahat ng tanong ay kailangang sagutin."

He sighed. It took a while before he answer.

"Yes."

"What?" Hindi niya na-gets kaagad ang sinabi nito.

"Tayo na d'yan! Baka gusto mong buhatin pa kita?"

"Yes what? Yes,  na-inlove ka na? Kanino?"

"Allyza..."

Sumipa ang kaba sa dibdib niya. "S-sa akin?"

He chuckled. "I'm just calling you. Tayo na d'yan."

Waring sumabak siya sa ice bucket challenge. Ngali-ngaling sipain niya ito!

"Kanino ka muna na-in love?" Nang ma-salvage na ang panggulo na iyon!

Napatingala ito sa frustration siguro sa kanya. Nang ibalik nito ang paningin sa mukha niya ay may nag-iba sa itsura nito. Muli niyang nabasa ang lungkot sa mga mata nito. Making her stop and stare at him for a moment. He slightly smiled.

The Rebel Slam 5: MACKEYWhere stories live. Discover now