CHAPTER TWENTY-TWO

3.3K 83 5
                                    

CHAPTER TWENTY-TWO

"GUSTO yata nila tayong pagbasahin ng mga libro."

Allyza saw Mackey picked a book from the shelf. Parang gusto niyang kutusan sina Krizhia. Sa dinami-dami ng kwarto-- iyong silid-tulugan sana-- sa library pa sila ng mga ito dinala. Not that she wanted to be alone with Mackey in a bedroom. It's just that, it's a little cozy than here. Medyo inaantok kasi siya.

Their friends locked the door as if they will try to escape. Asa. Ilang araw niyang hindi nakita at nakasama si Mackey. Kung siya lang, payag siyang makulong kahit saang silid basta si Mackey ang kasama.

Iginala niya ang paningin sa library. Malaki ang silid. Maraming bookshelf at punong puno ang mga iyon ng libro. Malamang library, eh. Inilipat niya ang paningin. Sa tapat ng malaking bintana ay nakapwesto ang malapad na mesa, sa harap niyon ay may dalawang visitor's chair. Sa harap ng mesa ay nakapwesto ang mga sofa. Nakapaikot iyon sa mesitang gawa sa salamin. Sa sulok ng malawak na library ay natanaw niya ang isang grand piano.

Umangat ang isang kilay niya. Ang yaman naman nina Aser.

She walked through the sofa. Naupo siya doon.

"So, ano'ng gagawin natin dito? Magbabasa ng mga statistics books?" Turo niya sa librong hawak ni Mackey.

He smiled at her. Parang gusto niyang magpatayo ng rebulto nito at sambahin na lang ang kagwapuhan nito. "Siguro. Nasa mood ka bang magbasa?"

"Nah. Bakasyon ngayon. Ayoko munang ma-stress sa pagbabasa ng libro. Ikaw ba?"

Bilang sagot ay mabilis na isinoli nito ang libro. "Ako rin. Okay na ba ang sugat mo?"

Ramdam niya ang pag-iinit ng mukha niya nang ituro nito ang sugat sa labi niya. Naalala niya kung saan niya iyon nakuha. Parang gusto niyang sumuka. Ngayon alam na niya kung bakit siya tinanong ni Mackey kanina kung gusto niya ng alcohol pangmumog. Parang gusto na niyang patulan ang suhestyon nito.

"Oo. Hindi na mahapdi. Magaling ka palang doctor. Dapat nag-Medicine ka na lang."

Umiling ito. "Hindi ko linya iyon. Nakikita ko lang manggamot ang mommy ko."

She watched him as he walked towards the grand piano. Feels like she could survive a day just by watching him move.

"Doctor ang mommy mo?" Nakagat niya ang dulo ng dila. Lahat ng nanay marunong manggamot. Stupid of her.

"Oo."

Haay. Tama naman pala siya. Wait... Doctor ang mommy nito at AFP chief naman ang tatay nito. Ibig sabihin ay galing talaga ito sa isang prominenteng pamilya. She somehow feel intimidated.

Bakit, galing din naman ako sa prominenteng pamilya, ah! Business persons ang mga magulang niya. So, she dropped the issue on her mind. Hindi siya dapat ma-intimidate sa pamilya nito.

Naupo ito sa piano bench. Tinanggal nito ang takip niyon.

Tumayo siya at lumapit dito. She leaned on the edge of the big instrument.

"Tugtugan mo naman ako."

"Ano bang gusto mong tugtog?"

"Hmm..." Tumingin siya sa kisame at nag-isip ng kanta. Wala siyang maisip na magandang kanta ngayon. Nakapagtatakang blanko ang utak niya. Napabuntong-hiningang ibinalik niya ang mga mata dito. Pumipindot na ito ng ilang keys. "Wala akong maisip. Kahit ano na lang."

"Walang kantang 'kahit ano', Ally baby."

Pinanliitan niya ito ng mga mata. Lokong ito. Pinagtitripan na naman siya.

The Rebel Slam 5: MACKEYWhere stories live. Discover now