CHAPTER THIRTY-TWO

2.7K 78 0
                                    

CHAPTER THIRTY-TWO

"WHAT'S the problem with that, Kyle? We did great."

"I prefer more heavy metal entry, Grendle. Heck, this is the battle of the bands!"

"Kyle, tapos na ang performance natin. Move on na. Noong nakaraang araw mo pa ipinaglalaban iyan, ah?"

"Aser is right, 'tol Kyle. Get over it. Let's be happy, ma' men. Look around and you'll see--"

"Ano na naman iyang makikita na iyan, Clyde?"

"Yay! Nhica Marae mahal! Na-miss kita!"

"Hi, ladies!" nakangising bati ni Mackey sa kanila nang makalapit ang mga ito.

Tinaasan ng kilay ni Nhica ang nobyo. Kakamut-kamot ang ulo na nilapitan ito ni Clyde. "Ahh, it's not what you think, mahal. It's--"

"Iyan kasi. Kung anu-ano'ng nakikita. Idadamay mo pa ako." Naghihikab na nilampasan ni Kyle ang mga ito at lumapit kay Jazmine.

Naiiling na lang din si Grendle nang lumapit kay Donita.

"Hey there."

Tila lumundag palabas ang puso ni Allyza nang lumapit si Mackey sa kanya. Hinalikan siya nito sa pisngi. She could feel her cheeks burning.

"Hi," ganting bati niya rito. "Ang galing ng tugtog ninyo kanina, ah. Thumbs up!"

"Kami pa?" Kinindatan siya nito. "Ginalingan talaga namin dahil nanunood kayo."

"Naks naman! Nagpapakilig ka na naman, baby, ah?"

"Hindi, ah. Iba akong magpakilig." Nahigit niya ang paghinga nang hapitin nito ang beywang niya. Then, he closed the distance between their faces until she can't hardly breathe. "Ganito."

Sobrang lapit ng mukha nito at nate-temp na siyang abutin ang mga labi nito. To hell with the crowd around them.

"Nasaan si Krizhia loves ko!"

The magical air between them disappeared when Aser shouted. Napalingon sila rito. Pati ang iba nilang mga kaibigan ay nadi-distract na tumingin dito.

"Problema mo?" usisa ni Grendle rito. Yakap-yakap din nito si Donita.

"Kasi naman, GJ, kung hindi niyo pa alam, nagP-PDA na kayong apat na pares d'yan. Sa mismong harap ko."

"So what?" poker-faced na sabi ni Kyle. Nakapulupot sa braso nito si Jazmine.

"Naiinggit ka lang, 'tol, eh," buska ni Clyde dito. Tingin niya ay nagkabati na agad ito at si Nhica dahil magkaakbay na ang dalawa.

"Alam niyo naman pala, nagtatanong pa kayo!"

"Si Clyde lang ang may alam. Huwag mo kaming idamay dito."

"Shattap, Kyle! Matulog ka na nga lang d'yan!"

"I saw Krizhia right there. Puntahan mo na lang siya at nang hindi mo kami ginugulo dito." Itinuro ni Mackey ang kabilang bahagi ng stage kung saan naroon ang Sinner Saints band.

"Iyon ang pinakamagandang gagawin mo, Aser," pagtataboy din ni Grendle dito.

Nakasimangot pa rin na iniwan sila nito.

Binalingan siya ni Mackey. Nakapaloob pa rin siya sa bisig nito.

"Where are we?"

Natatawang hinampas niya ito ng mahina sa balikat. "Kawawa naman si Aser."

"It's fine with him. Gusto niya rin namang makasama ang girlfriend niya. Parang ako. Gusto rin kitang makasama."

Nangingiting ipinulupot niya sa katawan nito ang mga braso. She held him close. "And I liked to be with you, too."

The Rebel Slam 5: MACKEYWhere stories live. Discover now