CHAPTER 51

3K 95 8
                                    

CHAPTER 51

NATIGILAN siya sa huling naisip niya.

Ngayon ba, kaya na ba talaga niyang tuluyan silang magkalayo? Ngayong sinabi na nito na mahal din siya nito?

Hindi naman iyon quiz or major exam question. But why does she couldn't find an answer on her mind?

"Hi there."

Natauhan siya nang magsalita si Mackey sa mikropono. Tapos na pala ang kinakanta nito. Napatingin siya sa mababang stage kung saan naroroon ang mga ito.

Her eyes met his. Nanunuot ang titig nito sa balat niya. The emotions he was showing on those soft panther eyes were causing her heart to race and ache for him. Parang gusto niyang maiyak. Kahit hindi ito magsalita, kita niya sa mga mata nito ang nararamdaman nito para sa kanya.

Mackey...

She wanted to run. But this time, hindi na palayo dito.

Tumikhim ito. "I... I don't know where to start now that you're in front of me." Binasa nito ang mga labi na para bang nininerbyos ito sa ginagawa. Alanganing ngumiti ito. "Nag-practice naman ako."

"Wuu! Tol, kaya mo iyan!" singit ni Clyde.

"I remember your speech starts with 'I'," sabi naman ni Grendle.

"I miss you?" panunudyo ni Aser.

"That's pathetic. Tumugtog na lang tayo," nabubugnot na sabi ni Kyle.

Nag-e-echo sa mic ang mga sinasabi ng mga ito kaya dinig na dinig nila ang pag-uusap ng mga ito.

"Right," sa wakas ay sabi ni Mackey. Humigop ito ng hangin. "This song is for you. Allyza..."

Nahigit niya ang paghinga nang banggitin nito ang pangalan niya.

Clyde made a warning beat. It was followed by the sound of keyboard. Pinapasakit lang lalo ng musikang nililikha ni Mackey ang puso niya.

"There's three 'Is' I wanted to tell you," he said while playing. "First is I'm sorry for the wrong things I've done to you. Sorry for not believing you. Sorry for breaking my promise. I'm sorry for hurting you."

Dama niya ang pag-iinit ng mga mata niya habang pinapakinggan ito. His voice was flowing on her heart. His words were breaking all the barriers she made.

"I miss you. That's the second one. I miss you so much. I miss us. And the last thing..." Malayo ito sa kanya pero dama niya ang intensidad ng titig nito. "That is I love you."

She swallowed her breath. Waring kakapusin siya ng hangin sa katawan sa mga simpleng salita na iyon.

He began to sing.

"You and I

We're like fireworks and symphonies exploding in the sky.

With you, I'm alive

Like all the missing pieces of my heart, they finally collide."

The lyrics were familiar. Ito 'yung mga notes sa mga ipinapadala sa kanya ni Mackey. So, it really is a song. A song she first heard now but seemed so dear to her a long time ago.

"So stop time right here in the moonlight,

Cause I don't ever wanna close my eyes..."

She doesn't want to close her eyes right now either. All she wanted to do now was to stare at him and listen to him.

Sige, hahayaan niya muna ang pasaway na puso niya.

The Rebel Slam 5: MACKEYHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin