CHAPTER THIRTY-SIX

2.7K 77 9
                                    

CHAPTER THIRTY-SIX

“ALLYZA Castro, don’t you dare drop your business course!”

Nailayo niya sa tenga ang cellphone niya sa pasigaw na pagkakasabi niyon ng kausap niya. It is none other than Ian Castro, her father. Nakarating dito na nag-shift siya ng course. Bumalik siya sa Fine Arts. Iyon talaga ng gusto niya. No one will dictate her anymore.

“I’ve already dropped it. Wala na kayong magagawa doon.” Nang makapag-isip-isip siya ay saka niya napagtanto na pabor sa kanya ang pagkawala sa poder nito.

“Hindi ko babayaran ang kursong iyan! ”

“It’s fine. Kaya akong paaralin ng naiwang pera ni Lola. I’m eighteen and I can now use that money.” Kampanteng sagot niya. Hindi pwedeng pakialaman ng ama niya ang paggamit niya sa perang iyon. It was stated on her grandmother’s will. Hindi iyon kalakihan pero kaya na siyang paaralin ng perang iyon sa loob ng apat na taon.

“Hindi ka kayang suportahan ng perang iyon habangbuhay! I’m warning you, Allyza. Go back to business course!”

“Ano na  namang mangyayari kung hindi ko kayo susundin? You already kicked me out of your house. Wala na ako sa bahay ninyo. I can now do whatever I wanted in my life. I don’t need your money.”

“Kinakalaban mo ba talaga ako? Tigilan mo na ang pagrerebelde mo!”

“Hindi ako nagrerebelde, ayoko lang na may pagsisisihan sa buhay ko kung susundin ko pa kayo! Hindi ko linya ang business, dad.”

“Then, marry JL! Saka lang ako papayag na sundin mo ang lahat ng gusto mo sa buhay mo! You’re free when you obey me in that matter.”

Napahumindig siya. “No way! Hindi ko gusto ang taong iyon! Kung gusto ninyo, si Alyanna ang ipakasal niyo sa kulugong iyon!” Kahit na ba habang-buhay siyang makulong sa pagdidikta nito. Anyway, hindi naman niya ito sinusunod.

“Ikaw ang gusto niya at hindi si Alyanna—”

“Ang sabihin ninyo, pinoprotektahan niyo lang si Alyanna! Palaging gusto niyo ako ang magparaya. I’m not sorry to disappoint you every time I rebel against it.” Lalong sumama ang loob niya sa kakambal mula nang iwan siya ni Mackey nang gabing iyon. Dahil dito kaya nawala sa kanya ang lalaking mahal niya. Well, partly. Inaamin naman niya na siya ang nagpasimuno ng lahat ng gulo. Hindi nga lang maganda ang timing ng pagkakabunyag niyon. But still, she was still mad at her twin.

“Allyza! You’re just too selfish! Hindi mo alam ang mga isinakripisyo din ng kakambal mo!”

“I don’t want to know. Alam ko naman na puro kabutihan niya lang ang sasabihin ninyo. Selfish na kung selfish! Ganito ako dahil ginawa ninyo akong ganito!” Humugot siya ng malalim na buntong-hininga para pakalmahin ang sarili. Hindi niya mapigilan ang pagbugso  ng galit at lahat ng hinanakit niya rito. “Kung wala na kayong sasabihin, papatayin ko na ito.”

“I’ll make you do what I said, Allyza! If you want a battle, so be it! Huwag mo lang pangarapin na maubos ang pasensya ko ng tuluyan at baka maitakwil na kita bilang anak ko!”

“Kahit kailan, hindi ko naramdaman na anak ninyo ako. So what’s new? Do whatever you want.  I have my own mind and I don’t need yours to decide what I’m going to do with my own life!”

Bago pa ito makasagot ay pinutol na niya ang tawag. Hindi pa siya nakuntento at tuluyan pa niyang pinatay ang cellphone niya. Napapagod na siyang makipag-argumento dito. Lahat din naman ng sasabihin niya ay babalewalain lamang nito at ipipilit ang gusto nito.

Humugot siya ng malalim na buntong-hininga. Iginala niya ang paningin sa kabuuan ng apartment na napili niyang rentahan. Isa iyon sa mga kwarto sa apartment building na iyon. Studio-type lang iyon at higit na mas maliit pa sa kwarto niya sa bahay nila pero malinis at maayos rin naman ang paligid. Ayos na ito para mabuhay siya. Hindi kasingrangya ng condo pero mapagtya-tyagaan na. Hindi siya pwedeng gumastos ng malaki ngayon. Tulad nga ng sabi ng ama, hindi kalakihan ang iniwang pera ng Lola niya para sa kanya at inilalaan niya iyon para sa pag-aaral niya. Kaunti lang ang binili niyang kagamitan. Iyong mga katulad ng nasilip niyang ilang pirasong kagamitan sa kabilang kwarto noong tiningnan niya ang lugar. Kahit paano ay matatawag niyang bahay ang maliit na silid na iyon.

The Rebel Slam 5: MACKEYWhere stories live. Discover now