CHAPTER NINETEEN

2.9K 79 0
                                    

CHAPTER NINETEEN

FOUR days had passed. Hanggang ngayon ay naninibago pa rin si Allyza sa tuwing kasama si Jelson. Mabuti na lang at magaling na artista siya. Okay na sila at nakuha na ulit niya ang buong atensyon nito. Kung ang dati niya sigurong sarili ang nasa kalagayan niya, malamang nag-enjoy pa siya sa panlolokong ito. She's an evil witch at pinaninindigan niya iyon.

Pero para bang may nagbago sa kanya muna nang makilala niya si Mackey. She somewhat felt guilty on what she was doing now. May nagbubulong sa kanya na hindi tamang lokohin niya si Jelson. At mas lalong hindi tama na makipagmabutihan siya sa iba habang wala ang taong gusto niya sa tabi niya. Si Mackey.

Napabuntong hininga siya. She needed to endure this. Kaunting araw na lamang naman ang titiisin niya. Kung hihilingin ni Marney na i-extend nila ang plano nilang ito, hindi na siya papayag. Sa ayaw at sa gusto nito, makikipag-break siya kay Jelson.

"Are you alright, honey?"

Napalingon siya kay Jelson. Hindi niya napansin na nakabalik na ito mula sa restroom. She flashed her best smile.

"I'm alright. Kasama kita, eh." Jelson smiled and took his seat across her. Nakasunod ang tingin niya rito. "Bakit mo natanong?"

"Nakita ko kasing bumuntong-hininga ka. Baka 'ka ko may problema na gusto mong pag-usapan natin. You know, para makatulong rin ako."

Jelson was sweet, charming and caring. Sa tuwing kasama niya ito, may libreng TLC siya. Tender-loving-care. Hindi niya ma-gets kung ano ang naging problema nito at ng kaibigan niya. Ang palagi lang sinasabi ni Marney ay niloko at pinaasa ito ng lalaki. Pero sa paanong paraan?

Hmm. Matanong nga si Kayra. Baka may alam siya.

"I'm fine, Jels. Huwag mong i-stress ang sarili mo sa pag-aalala sa akin. By the way, enrollment na. Sabay tayong mag-enroll?" Sumimsim siya sa iced tea niya. Nasa isang seafoods restaurant sila ng gabing iyon at nagdi-dinner.

"I was about to ask you that. Bukas, okay lang ba sa iyo?"

"No problem. Sunduin mo na lang ako sa bahay."

Ang boring. Kung si Mackey ang kasama niya, nagtatawanan na sila ngayon. Ito ang ayaw niya kay Jelson. He may be sweet and gentleman. Pero nasobrahan, eh. To the point na nakakaburyong na itong kasama. Palaging siya ang gumagawa ng humor sa kanilang dalawa. Kapag tumahimik siya, puputaktihin naman siya nito ng mga cheesy at sweet nothings na salita.

The background music changed from classical covers to mellow rock. Napagawi ang paningin niya sa live band na tumutugtog sa isang sulok. Hindi niya napansin na may pumwesto na palang banda doon. Hindi niya sana papansinin ang banda pero pamilyar sa kanya ang bokalista niyon.

***Harder Than You Know - Escape The Fate***

"You said this could only get better
There's no rush coz we have each other
You said this would last forever
But now I doubt if I was your only lover.

"Are we just lost in time
I wonder if your love's the same
Coz I'm not over you.

"Baby, don't talk to me
I'm trying to let go
Not loving you is harder than you know
Coz girl you're driving me so crazy..."

It was the Scianide band. Anthony, her twin's ex, on vocals. Agad na nagbawi siya ng paningin. Napansin niyang lahat ng kumakain doon ay nakatutok na ang paningin sa banda. Karamihan ay nakalabas ang cellphone at kinukuhanan ng litrato ang banda. Sa isang mesa ay kinikilig pang naghahagikgikan ang mga babae doon.

The Rebel Slam 5: MACKEYजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें