Prologue

5.8K 130 1
                                    

PROLOGUE

"ANG ganda naman ng anak mo, Mareng Aira! Nakakagigil ang pisngi! Ang puti-puti pa!" Gigil na pinisil ng babae ang matambok na pisngi ng batang babae.

The girl in front of the lady giggled. Surely, she loves the attention they all giving her.

"O, tama na ang panggigigil kay Alyanna. Baka mapaglihihan mo ang prinsesa ko," tatawa-tawang sabi ni Aira.

"Naku! Kung pwede nga lang na magkaanak na kami ni Mister para may ganito ka-cute na akong anak!"

The lady's husband laughed. "Don't worry, hon. Makakabuo din tayo. Mas cute pa sa batang iyan."

"That's the spirit, pare." Her own father taps the shoulder of the other man.

Everyone seemed happy in that party. Napangiti si Allyza at lumabas mula sa likuran ng ina.

"Ay! May isa pang bata!" tili ng babaeng nanggigigil kay Alyanna. She and her husband stared at the little child. Then knotted their forehead.

Tila noon lang din naalala ng mommy niya na naroon siya. Ipinakilala siya nito sa mga kaibigan.

"Kambal sila?" Nagpalipat-lipat sa kanilang dalawa ni Alyanna ang paningin nito. Huminto iyon sa kanya. "Bakit maitim itong isa?"

Napasimangot siya. Kailangan bang lahat ng reaksyon ng mga tao ay ma-shock dahil sa magkaibang kulay nila ng kakambal? Everytime they did that, she always see disappointment in their eyes looking at her. Hindi katulad ng pagkagiliw ng mga ito sa kakambal niya.

Gusto niyang lisanin ang party na iyon at magtago sa kotse nila. Pero nagpakatatag siya at nanatili doon.

"Family genes ng asawa ko, Mareng Tyra. May lahi silang kayumanggi," paliwanag ng mommy niya na hindi na niya mabilang kung ilang beses na nitong nasabi ng araw na iyon.

"Yes, it's in our genes," sang-ayon ng daddy niya. "Nasa lahi rin namin ang ganda nilang dalawa."

Her mother chuckled then put her arms around her husband's waist.

"I don't doubt that," wika ni Tyra. Binalingan nito si Alyanna at nilaro.

At siya, parang hindi nag-e-exist.

Nagpatuloy ang masayang kwentuhan. And Allyza felt kind of out of place. May tumutubong hindi magandang damdamin sa puso niya habang pinagmamasdan kung gaano kagiliw ang lahat sa kakambal niya.

How she envied her twin.

--

"HUWAG ka nga d'yan!" asik ni Allyza kay Alyanna nang sumampa ito sa stool para panoorin siya sa ginagawa niya.

"Gusto kong tumulong, Aly."

Pinunasan niya pawis niya gamit ang braso. Hawak niya kasi ang supot ng icing. Dinedekorasyunan niya ang cupcakes na siya mismo ang nag-bake. Nagpatulong siya sa kusinera nila para magawa iyon.

"Ayoko. Hindi ko kailangan ng tulong mo!" nakasimangot na sabi niya. Baka isipin pa ng parents nila na ito ang may gawa ng mga iyon. Maaagaw na naman nito ang atensyon ng lahat mula sa kanya.

"Sige na, Aly. Isa lang," pagpupumilit nito. Dinampot nito ang isang supot ng icing.

She grabbed it and shoved her twin's hand.

"Hindi ko sabi kelangan ng tulong mo. Doon ka na nga!"

"Pero--"

"Alis na!" sigaw niya dito. Hindi niya alintana ang pangingilid ng mga luha nito.

Nang hindi ito tuminag sa kinalalagyan ay tuluyan nang naubos ang pasensya niya.

"Sabi ko, umalis ka na!"

"Papanoorin na lang kita kung ayaw mo magpatulong."

"Bakit ba hindi mo maintindihan na ayaw kong lumapit ka sa akin? Ayaw kong makasama ka sa isang lugar! Umalis ka na!"

"A-Aly..."

Marahas na ibinagsak niya ang mga hawak sa tray na kinalalagyan ng mga cupcakes. Sa ingay na nilikha niyon ay nagulat si Alyanna. Napaatras ito at nalimutan na sa stool ito nakatayo. Dahilan upang mawalan ito ng balanse at mahulog.

"Yana!" Napatayo siya.

"My God! Alyanna!"

Napatingin siya sa mommy nila na agad na dumalo sa umiiyak na kakambal niya. Kasunod nito ang daddy nila na marahil ay narinig ang lagabog.

"What happened?" tarantang tanong ng daddy niya. Dinaluhan din nito ang kapatid niya. "What happened, Alyanna?"

"Daddy..." sumisinghot na sabi ni Alyanna. Inilipat nito ang paningin sa kanya.

Nanlamig ang pakiramdam niya at nadagdagan ang takot niya nang bumaling ang daddy nila sa kanya. His eyes accusing her.

"What have you done, Allyza?" Tila kulog sa pandinig niya ang boses nito.

Lalong hindi siya nakapagsalita. She doesn't know what to tell them to remove her father's anger.

"Oh, God! Ian, we need to get our daughter to the hospital. Her head is bleeding!"

She saw her father silently curse. Bumalik sa mukha nito ang matinding pag-aalala sa anak.

"Okay, let's go. I'll get the car." Binalingan siya nito. "We'll talk later," he said coldly.

In a minute, wala na ang mga ito sa harapan niya. Dinig niya ang ugong ng papalayong sasakyan.

Noon pa lang siya nakahinga. Ni hindi niya alam na kanina pa pala niya iyon pinipigilan. Nanghihinang napaupo siya sa stool. She could taste her own tears.

"Hindi mo dapat ginawa iyon sa kakambal mo, Señorita Allyza."

Nag-angat siya ng mga mata sa cook nila na hindi niya namalayang naroon na. Kasama nito doon ang iba pang maid nila na obviously ay napasugod doon dahil sa nangyari kay Alyanna.

"I didn't do anything..." Siya na rin ang huminto sa pagpapaliwanag. Their cold and accusing stares told her that they won't believe whatever she tells them.

Nagyuko siya ng ulo at bumaba sa stool. Masama ang loob na tumakbo siya sa kwarto niya. Ramdam niya ang nanunumbat na tingin ng mga ito habang papalayo siya...

The Rebel Slam 5: MACKEYWhere stories live. Discover now