CHAPTER 37

2.6K 78 5
                                    

 CHAPTER THIRTY-SEVEN

**I'm Moving On by Rascal Flatts**

"I've dealt with my ghost and I've faced all my demons

Finally content with a past I regret

I've found you find strength in your moments of weakness

For once I'm at peace with myself

I've been burdened with blame

Trapped in the past for too long

I'm moving on..."

Hindi alam ni Mackey kung nananadya ang mga kaibigan o ano at iyon pa ang kinanta. Kinaladkad siya ng mga ito sa Wonderpark. Noong una ay naglaro lang sila sa video games. Nang mabakante ang isang KTV room ay iyon naman ang pinagdiskitahan ng mga kaibigan. Ngayon nga ay ang magandang boses ni Grendle ang pumupuno sa apat na sulok ng maliit na kwartong iyon.

"I've lived in this place and I know all the faces

Each one is different but they're always the same

They mean me no harm but it's time that I face it

They'll never allow me to change

But I never dreamed home

Would end up where I don't belong

I'm moving on..."

Yeah. How can he live in a world that was not real? Where the person in that world was not real? Dahil hindi naman talaga siya nito mahal. Pinaikot lang siya nito sa mga kamay nito para makasakit ng iba. Kung sana lang makakapag-move on siya kaagad.

At kung sana hindi na niya sinabi iyon...

Mas lalo tuloy siyang naguluhan at ayaw siyang patahimikin ng puso niya. May parte doon na gustong maniwala dito. But she already lied to him. Ano'ng pruweba niya na hindi nito uulitin iyon? Hindi niya gustong maging laruan lang nito.

"I'm moving on

At last I can see life has been patiently waiting for me

And I know

There's no guarantees but I'm not alone

There comes a time in everyone's life

When all you can see are the years passing by

And I have made up my mind that those days are gone..."

Those days are gone. Kailangan na ulit niyang mag-move on. Hindi niya alam kung pinagti-trip-an siya ng tadhana at sa maling babae pa siya na-in love ulit. Nakakaasar! At nakakaasar din na may parte ng isip at puso niya na kumokontra sa lahat ng isipin niyang masama para sa babaeng iyon.

Tsk. Kung pwede niya lang sapakin ang sarili, ginawa niya na. Kaso ay hindi pa siya ganoon kabaliw. Papunta pa lang siya sa ganoong lebel ng pagkabaliw kung hindi niya pa madidiktahan ang sarili na kalimutan na ang nangyari nang mga nagdaang linggo...

Ilang linggo nga lang pala ang itinagal ng niyon...

Ipinilig niya ang ulo. Hindi niya gusto ang patutunguhan ng mas pasaway pa sa kanyang isip niya.

Kalimutan mo na siya, Mackey. Marami d'yang iba. Kahit na ba sinabi niyang mahal ka niya...

May kung ano'ng kumalabit sa puso niya nang maalala iyon. Napapikit siya ng mariin. Nang mga oras na iyon, hindi niya alam kung paano niya napigil ang sarili na balikan ito at yakapin ng mahigpit habang sinasabi nitong mahal siya nito. All corners of his heart were yelling to believe her. Kung hindi lang siya nito sinaktan ng ganito...

The Rebel Slam 5: MACKEYWhere stories live. Discover now