CHAPTER FOURTY-FIVE

3.4K 95 3
                                    

CHAPTER FOURTY-FIVE

"MACKEY."

Nag-angat ng paningin si Mackey. Si Grendle ang nakita niyang palapit sa kanya.

"O, dude," bati niya rito.

"Wala ka nang klase? Ano'ng ginagawa mo rito?"

Nakasalampak siya sa bench sa ilalim ng isang puno sa loob ng university nila. Naalala niyang malapit nga pala ang tinatambayan niya ngayon sa college building ni Grendle. Ibinaba niya ang mga paa nang umupo ito sa tabi niya.

"Wala lang. Nagpapahinga. Balita?"

"Ngayon ang labas ni Allyza sa ospital. Hindi mo pa rin ba siya dadalawin?"

Kumislot ang puso niya nang marinig ang pangalan ng dalaga. Tumingin siya sa mga estudyanteng dumaraan.

Isang beses lang siyang pumunta sa ospital. Natutulog pa ito noon. Siniguro niya lang na ligtas na nga ito at wala na siyang dapat ipag-alala.

Umiling siya. "Hindi muna. Papalamigin ko muna ang sitwasyon. At saka, papakita ba ako sa kanya nang may pasa at galos pa sa mukha? Syempre, hindi! Baka mapangitan sa akin iyon. Mahirap na."

Bahagyang tumawa si Grendle. Pagkatapos ay sumeryoso ito. "Nice excuse. What is really your reason, Mackey?"

"Ano'ng ibig mong sabihin, dude?"

"Hindi ako kuntento sa sagot mo. Bakit hindi mo pa pinupuntahan si Allyza at nakikipag-ayos sa kanya? You have all the time to do that. And don't try to give me some excuses."

Siya naman ang natawa rito. "Teka, pinagpa-practice-an mo ba ako sa pag-aaral mo ng Law?"

"I'm serious, Mackey. Are you afraid of her?"

"I don't fear anyone."

"Hindi ka ba natatakot na mawala siya sa 'yo?"

"Ibang usapan na iyan. Hindi na tao ang pinag-uusapan natin d'yan."

Umangat ang isang sulok ng bibig nito. "So you're afraid of losing her but you're not making any move to get her."

"I told you, Grendle. Pinapalamig ko lang ang sitwasyon."

"It's been a week. Sapat na iyon para 'lumamig ang sitwasyon'." He quoted what he said. "Nasa kulungan na ang mga kumidnap kay Allyza at nagkaroon na ng first judgement. Kailan pa ang sinasabi mo? Sa isang buwan? Tsk. Seriously, Mackey? May iba na si Allyza sa mga panahong iyon."

Okay, that's below the belt. Napatingin siya dito.

"She told me she loves me. And I trust her."

"Yes, sinabi niya nga iyon. Pero paano kung iwasan ka na niya at maghanap ng iba? Remember, ilang beses ka niyang nilapitan noon at palagi mo siyang pinapalayo sa iyo. Napapagod ang tao, kaibigan."

Napakunot-noo siya. Hangga't maaari ayaw niyang seryosohin ang mga sinasabi nito. Sapat na ang sinabi ni Allyza noon na mahal siya nito para maging kampante siya. Panghahawakan niya iyon hanggang huli.

"Saan mo na naman natutunan iyan, dude? Epic, ah? Parang totoong-totoo."

Ipinakita nito sa kanyang seryoso ito sa sinasabi.

He sighed. Nakikinita na niya na hindi siya nito titigilan hanggang hindi niya ito sineseryoso.

"If ever she got tired of me and walked away. Madali lang naman ang solusyon doon. Hahabulin ko siya. We will walk together and I will hold her hand. Kahit na iiwas niya ang mga kamay niya, gagawa pa rin ako ng paraan para makapitan ko ulit siya." He smiled at his friend. "Kahit na sabihin mo na baka huli na, okay lang na mahuli ako. Pwede ko naman siyang habulin."

The Rebel Slam 5: MACKEYWhere stories live. Discover now