CHAPTER FIFTEEN

3.2K 81 2
                                    

CHAPTER FIFTEEN

"FIVE days?"

Tumango si Allyza. Nilingon niya ang kunot-noong si Mackey. Sinabi niya rito na uuwi na siya after five days.

"Pinapauwi ka na ng daddy mo?"

"Hindi ko pa nakakausap ang daddy ko. It's..." She bit her lower lip. Nakakainis sabihin dito na si Jelson ang nagpapauwi sa kanya.

Hindi sila natuloy sa disco nang gabi na iyon dahil hindi sila pinayagan ng Mommy ni Kyle. Kaya heto ang buong tropa, naggawa sila ng bonfire sa dalampasigan at dito nagdya-jamming. Sa totoo lang ay mas masaya pa ito kesa sa disco. Kasalukuyang hinaharana ni Aser si Krizhia. Sina Kyle at Grendle ang may hawak ng gitara at si Clyde naman sa beatbox.

While Mackey... heto at nakikipag-bonding sa kanya habang kaharap nila ang mga pagkain.

"Hmm... I guess, I know who asked you to go home." Itinukod nito ang mga kamay sa likuran nito at sumandal doon.

She looked up at him. Bakit ba kahit saang anggulo ay napakagwapo nito? She silently sigh.

"Yes. Siya nga." Alam niyang ang boyfriend niya ang tinutukoy nito.

"Susundin mo siya?"

"Ha? Eh, o-oo. Kapag hindi ko kasi siya sinunod ay baka sundan niya pa ako dito. Ayokong masira ang bakasyon ko." Ayokong masira ang moment natin.

"Ganoon ba?" Kumutsara ito ng lasagna. Diretso sa bibig nito iyon.

Iyon lang ang reaksyon nito?

"First request sa akin ni Marney ito at hindi ko siya kayang i-down. Saka hanggang pasukan lamang ang mission ko na ito. After this, balik na ulit sa normal ang lahat." She had an urge to explain further. Nagmumukha na tuloy siyang defensive. "But before that, gusto ko munang i-enjoy ang Hyacinth Island. At--"

"Gusto mo?" Iniumang nito sa kanya ang kutsara nitong may lasagna.

Napatingin siya doon. Susubuan ba siya ni Mackey baby? Argh, sweet!

At teka, kapag ginamit niya ang kutsara nito ay parang nag-kiss na rin sila, hindi ba?

Wala sa loob na napatango siya rito. Maingat na inilapit nito sa bibig niya ang lasagna. Isusubo niya na iyon nang bigla nito iyong bawiin sabay subo sa sarili.

Nahampas niya ito nang wala sa oras. Chance ko na iyon, eh!

Mackey laughed.

"Buwisit ka!" she shouted at him. Tawa lang isinagot nito. Nakakahawa ang tawa nito kaya bandang huli ay natawa na rin siya imbes na gulpihin ang lokong lalaki na ito.

"Allyza baby, sino'ng gumawa ng Planet of the Apes?" biglang tanong nito.

"Ha? Meron ba? Iyong writer at direktor?"

"Hindi."

"Sino pala?" Hay. Siguradong babanat na naman ito ng out of the blue na joke nito.

"Ang hina mo. Manghula ka naman!"

"Baliw! Kasalanan ko ba kung out of the world iyang mga tinatanong mo? Sino na?"

"E di si San Goku."

Napaangat ang isang kilay niya bagaman humahagalpak na siya sa katatawa.

"Paano nangyari na napunta kay San Goku?"

The Rebel Slam 5: MACKEYWhere stories live. Discover now