CHAPTER TWENTY-SIX

2.9K 81 4
                                    

CHAPTER TWENTY-SIX

"NO WAY!" Napahumindig si Allyza sa sinabi ng ina. It took a while for that to sink in her. Tila umakyat lahat ng dugo sa ulo niya. "You're crazy! Dad is crazy!"

"Allyza, intindihin mo sana. Ang kapakanan lang ninyo sa hinaharap ang inaalala ng daddy mo."

"You can't do this to me!" Ngayon naiintindihan na niya kung bakit nagpresinta ito na kausapin siya. Kung ang tatay niya kasi ang kakausap sa kanya, malamang nauwi na naman sa sigawan at world war ang lahat.

"Allyza, you need to do this for you and your sister's sake," nagpapaintinding sabi nito. Her voice was still calm.

"Kapakanan namin o ng kumpanya? No! I'm not marrying that guy!" deklara niya na may kasama pang iling. "Over my dead body!"

"Then how will you run the company all by yourself?"

By myself? Ako lang ba ang anak ninyo?

"I can manage," sabi na lang niya. "I will learn to run the company after I finished college."

"How, Allyza? How? With your grades almost failing, how can we trust you?"

Natigilan siya. "You looked for my grades?"

"Your father asked the registrar--"

"That's unfair! You're messing up with my studies!"

"We have the right to look after your grade." Aira, her mother, dismissively waved her hand. "JL is a Business Administration graduate and currently studying for his masters. Siya ang papalit sa posisyon ng daddy niya balang araw."

Wala siyang nagawa kundi isantabi ang galit niya sa pagtingin ng mga ito sa grades niya. Noong Fines Arts ang course niya ay wala itong pakialam sa grado niya.

"So what? Ga-graduate din ako at magma-masters. Hindi natin siya-- sila--- kailangan! Our company was doing great! Bakit niyo ba ako minamadali?"

Hindi niya alam kung bakit nabigla ito sa tanong niya. Saglit na napatitig ito sa kanya... bago igala ang paningin sa kabuuan ng kwarto niya.

"It's better if you would learn business matters early. Para hindi ka mahirapan kapag ikaw na ang nagma-manage noon."

Napabuga siya ng hangin. Inulit lang nito ang sinabi ng daddy niya na dahilan nito. Napansin niyang tinitingnan nito ang mga drawings na nakaipit sa maliit na board sa itaas ng study table niya. May kung anong pumiga sa puso niya.

"You know, I really don't like business shits. But it doesn't matter, right? Wala naman talaga akong boses sa bahay na ito." Isang beses lang nakinig ang mga ito. That time when Mackey was with her. If it wasn't him, malamang nagsayang lang na naman siya ng boses. Nag-init ang sulok ng mga mata niya.

Her mother's gaze shifted on her. Her face softened.

She hated this. Ayaw niyang makakita ng awa, especially, kung galing sa mga magulang. Inayos niya ang mukha.

"Don't say that, Allyza. I--"

"It doesn't matter," she snapped. "I'm not marrying him! End of story."

Napamata ito sa kanya. Napailing. "You are really like your father. Minsan, hindi ko na alam ang gagawin sa inyo." She sighed. "Think about this, Allyza. Huwag ka munang magsalita ng tapos. JL was a handsome, good young man. I'm sure you'll like him."

"Mom--"

Pinutol nito ang pagpoprotesta niya. "Please, give him a chance. Malay mo, mag-work ang relasyon ninyo--"

The Rebel Slam 5: MACKEYWhere stories live. Discover now