CHAPTER THIRTY-THREE

2.8K 81 2
                                    

**Syana’s note: Dahil humahaba na ang istorya na ito nang hindi pa nangyayari ang gusto kong mangyari, I made this chapter worth two chapters. Imbes na 2k-2.5k words lang ang length niya, dinoble ko po ito. Sana magustuhan ninyo at hindi kayo mabitin. Bawal magreklamo na sobrang haba at nakakatamad basahin, ahkay? Pepektusan ko kayo! Don’t forget to hit vote and if you have time, please leave your comments. Thank you! Ciao!**

CHAPTER THIRTY-THREE

“TINANGGAP niyo ba?”

Mula sa pagda-drive ay sumulyap si Mackey kay Allyza. Ang tinutukoy niya ay ang offer na inaalok ng magkapatid na Davis sa The Rebel Slam.

“Ang alin?”

Napasimangot siya. Jeez, kanina pa nagpapanggap na inosente ang isang ito!

“Mackey…”

“Alam kong gwapo ako, baby.”

Binato niya dito ang maliit na stuff toy na nadampot niya sa dashboard nito. Tinawanan lang siya nito. At siya, lalo lang na-frustrate. Nakahalukipkip na sumandal siya sa passenger’s seat.

“Seriously? Wala ba talaga ako makukuhang sagot sa iyo?” Naiinis na talaga siya… Kahit na ba nakakaaliw pakinggan at pagmasdan ang pagtawa nito…

Ipinilig niya ang ulo. Don’t get distracted, Allyza! May ipinaglalaban ka dito!

Sumulyap ulit ito sa kanya. “Baby…”

Hinintay niyang magsalita pa ito pero hindi na nito dinugtungan ang sinabi.

“What?” naiinip na tanong niya.

“It’s a… that’s… Um…”

“Fine then! Don’t talk to me,” nauubusan ng pasensyang sikmat niya. She irritatedly looked outside. Pamilyar na sa kanya ang dinadaanan nila. Malapit na doon ang bahay nila.

Nadagdagan lang ang inis niya nang tumahimik nga ito. She counts from one to ten. Then, ten to one. Hindi ba talaga ito magsasalita?

Hanggang sa ihinto nito ang kotse sa tapat ng gate nila ay wala pa rin itong imik. She unbuckled her seatbelt, stopped and waited for him to speak. Pero wala, eh.

Inis na bumaling siya rito. Ngunit nang masilayan niya ang gwapong mukha nito ay tila nalusaw na lang  bigla ang lahat ng pagkairita niya rito. Nang magtama ang mga mata nila ay napabuntong-hininga na lang siya.

Gee, ganito ba talaga ang in-love? She can’t stay angry at him! At napu-frustrate siya!

“Hindi ka ba talaga magsasalita d’yan?” She hopelessly stared at him.

“Pwede na ba kitang kausapin?” parang nang-aasar na tanong nito.

“Damn it, Mackey! Hindi porke sinabi kong huwag mo kong kausapin ay hindi mo nga ako kakausapin!”

Itinaas nito ang dalawang kamay tanda ng pagsuko. “Sorry. I just thought na kung magsasalita pa ako ay lalo kang magalit sa akin.”

“Kanina mo pa kasi hindi sinasagot ng maayos ang tanong ko.”

“About that, baby. Kaya hindi  kita masagot ay dahil wala pa naman kaming napagdedesisyunan. At first, gusto naming tanggihan ang offer. Pero may pagkamakulit si Sir Andrei. Bago pa kami makatanggi ay sinabi niyang pag-isipan muna daw namin. So, I really don’t know how to answer you. Hindi pa namin napag-uusapan nina Grendle ang tungkol d’yan.”

“E di sana. Kanina mo pa sinabi iyan. Para hindi na ako nainis sa iyo.”

“I’m sorry. Medyo slow lang akong mag-isip ng isasagot.” Alanganing ngumiti ito. Pinaglapat nito ang mga palad sa tapat ng dibdib nito na waring nagdadasal. Then, he looked at her with those puppy panther eyes of him. “Sorry?”

The Rebel Slam 5: MACKEYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon