CHAPTER 50

3.2K 78 9
                                    

CHAPTER 50

"ALLY!"

Napakunot-noo si Allyza nang makita ang palapit na sina Marney at Kayra. Kalalabas niya ng mga oras na iyon sa last subject niya. Pasado alas syete na rin ng gabi.

Sinalubong niya ang mga ito.

"Ano'ng ginagawa n'yo rito? Wala naman kayong night class, ah?" Pinasadahan niya ng tingin ang damit ng mga nito. "Hindi naman wash day, bakit nakasibilyan kayo?"

"Kinindatan namin iyong guard. Pinapasok agad kami."

Napangiwi siya kay Marney. "Mga baliw talaga kayo. Bakit ba kayo nandito?"

"Hindi ka ba masayang makita kami?" balik-tanong ni Kayra. "Besides, may event dito sa school ngayon. Hindi mo ba alam?"

Kunot ang noong umiling siya. Wala siyang nababalitaan na may event ngayon sa university nila. Baka ibang college department ang may event. At saka hindi nga pala siya nagbabasa ng kung anu-ano'ng nakapaskil sa bulletin o mga pader.

"Ano ba iyon?"

Lalo siyang nagtaka nang magpalitan ng tingin ang dalawa at magngitian. Iyong tipo ng ngiti na parang may itinatago sa kanya at ang mga ito lang ang nakakaalam?

"Sama ka sa 'min, Allyza," maya-maya'y baling ni Kayra sa kanya.

"Ayoko. Gutom na ako. Mas gusto kong mag-drive sa pinakamalapit na resto at order-in lahat ng pagkain nila. Kayo na lang." Akmang lalagpasan niya ang mga ito nang harangin siya ni Kayra.

"About that." Itinaas nito ang dalang paper bag. Ngumisi ito sa kanya. "May nagpapabigay. Dinner mo daw."

"Amoy masarap, Ally. Tara na, kainin na natin!" Hinagip ni Marney ang braso niya at hinila siya sa isang shed.

Hindi niya magawang pumalag dito. Bukod sa mahigpit ang pagkakahawak nito ay nanlalambot na talaga siya sa gutom. Wala siyang vacant mula tanghali kaya hindi siya nakapagmiryenda man lang. Nakakagutom pa naman ang huling mga subjects niya.

"Teka, sino bang nagpapadala niyan?"

"Iyong labs mo. Ayaw kang magutuman," sagot ni Kayra.

Si Mackey?

Kung hindi siya nakapagpreno ay iyon ang nasabi niya. Kinagat niya ang dila niya.

"Sinong labs?" bagkus ay tanong niya sa mga ito.

"Asus! May iba ka pa bang labs?"

Namula siya ng tingnan siya ni Marney na parang ipinapaalala sa kanya si Mackey, with matching twinkling eyes and teasing grin.

"I certainly has no idea what you are talking about," paiwas na sagot niya. "Ano ba'ng laman niyan? Gutom na ako at kung hindi niyo talaga ako papaalisin, pakainin niyo na lang ako."

"Nalaman mo lang na galing kay 'ano' 'to kaya kakainin mo, eh," tudyo ni Kayra. Iniabot nito sa kanya ang paperbag nang makaupo sila sa shed.

Nilinga niya ang paligid. Madilim na, malamang gabi na, eh. Kakaunti na lang ang mga estudyanteng naglalakad sa daan. Nakasindi na rin ang halos lahat ng ilaw. Ang ilan pa sa mga iyon ay kumikindap-kindap na parang anumang oras ay mapupundi na.

"Pwedeng gawing venue ng horror film ang school natin sa gabi. Iyong tipong may biglang lalabas na white lady sa likod niyo at sasakalin kayo o kaya hihilahin kayo sa madilim na silid at doon kayo papatayin..." Napahinto siya nang bigla siyang itulak ni Marney. Saka niya napansin na nakasiksik na ang dalawa sa kanya.

"Ikaw, in love ka na nga, ang morbid pa ng nai-imagine mo!"

"Huwag ka ngang manakot, Ally."

"Ang o-OA ninyo. At sino'ng in love? Ito'ng si Marney, in love." Naiiling na ibinaling niya ang atensyon sa paperbag. Inilabas niya ang dalawang tupperware at isang bote ng gatorade na nandoon. Natigilan siya nang makita ang nakaipit na note sa pagitan ng dalawang tupperware. Galing nga yata talaga ito kay Mackey.

The Rebel Slam 5: MACKEYWhere stories live. Discover now