CHAPTER TWENTY-FIVE

3.1K 78 4
                                    

CHAPTER TWENTY-FIVE

"HOW'S my mom?"

Allyza smiled when Mackey glanced at her. Napakasarap panoorin nito habang nagda-drive. Watching him like this was making her feel at peace. Para bang walang puwang ang digmaan at karahasan sa mga oras na iyon.

"She's easy to get along with," sincere na sagot niya.

"She likes you."

"I like her, too."

Bago sila magkahiwa-hiwalay kanina ay inimbitahan pa siya ng ginang na mag-dinner minsan sa bahay ng mga ito. Napakagiliw at napakabait nito sa kanya.

He smiled. "Nasabi ko na ba sa iyo na may nakakatandang kapatid ako?"

"Hindi pa. Ilan nga ba kayong magkakapatid, baby?"

"Dalawa lang kami. Si Ate Lorraine at ako. She's in France, though. Hindi mo pa siya makikilala."

"Mabait din ba siya katulad ng Mommy mo?"

"Medyo maldita pero mabait naman siya." He glanced at her. Parang sinasabi ng kislap ng mga mata nito na, "Katulad mo."

Napangisi siya. Sana makasundo niya rin ang ate nito kapag nagkaharap sila.

"Ano'ng ginagawa niya sa France?"

"Breaking villains' bones?" Napakunot ang noo niya. Tinawanan lang nito iyon. "She's a special agent in Interpol based in France. You know International Police?"

Napatango lang siya. Dina-digest pa ng utak niya ang impormasyong iyon. Sa dinami-dami ng gagawin ng isang babae, pagpupulis pa ang napili ng ate ni Mackey.

"So, there. Nakabase siya sa France. Dad was so proud of her."

Natauhan siya nang marinig ang tono sa boses nito. First time niyang marinig ang panibugho sa tinig nito. Wala sa loob na nahawakan niya ang braso nito. Sinulyapan siya nito. She smiled at him.

"Ayos lang iyon. You're mother was so proud of you. I'm proud of you." Naikwento ni Mrs. Lubigan nang manalo sa international piano contest si Mackey noong ten years old ito. Pati na ang pagkakapanalo ni Mackey sa isang martial arts competition sa edad na labing apat.  Puno ng pagmamalaki ang tinig ng ginang habang binabanggit ang mga iyon.

Kahit paano ay napangiti ito. Inihinto nito ang kotse nito sa tapat ng gate nila. Hinarap siya nito at hinuli ang kamay niya sa balikat nito.

"Wala pa naman akong ginagawa para ipagmalaki mo, ah."

She stared at his beautiful panther eyes. Bahala na kung makita nito sa mga mata niya na higit pa sa like ang nararamdaman niya para rito.

"I'm proud of you being you and not someone else. I'm proud of you leaving your gangster life to live a peaceful life."

Natigilan ito. Tumingin ito sa kamay niyang hawak nito. His eyes were clouded as his thumb caress the back of her hand. "Paano kung ang gangster na iyon ang tunay na Mackey at hindi ang nasa harapan mo?"

Napatitig siya rito. Pagkuwa'y napailing siya. She imagined him being a gangster but she could not imagine him living his whole life like that. He deserved a better life. Pinisil niya ang palad nito.

"Ang Mackey na iyan ang nakilala ko.  Naniniwala akong iyan ang tunay."

Nag-angat ito ng paningin sa kanya. Bumuka ang mga labi nito na tila may gustong sabihin ngunit nagbago ang isip nito at itinikom iyon. He sighed. Binitiwan nito ang kamay niya at lumabas ng kotse.

Hindi niya tuloy malaman kung na-please niya ito sa sinabi niya o nainis. Haay. Minsan talaga bigla na lang itong nagbabago ng mood.

Pinagbuksan siya nito ng pinto. She jumped out of the car. Nag-aalalang tumingin siya rito.

The Rebel Slam 5: MACKEYWhere stories live. Discover now