CHAPTER SIX

3.8K 82 0
                                    

CHAPTER SIX

NAPAKUNOT ang noo ni Allyza. Tapos ay napakamot ng ulo. Binasa niya ulit ang mga isinulat ni Sean sa malinis na coupon bond.

"Hmm. Ganito ba iyon? Kailangan ko bang i-memorize ito?"

Tumango si Sean. "Important details iyan kaya dapat sauluhin. Hindi ba sa inyo pinaulit-ulit ng prof n'yo ito?"

"Maybe."

Kita niya sa gilid ng mga mata ang pagtingin sa kanya ni Sean.

"Bakit maybe?"

"Ah, eh..." Hindi naman kasi siya pumapasok madalas sa subject nilang ito. "Hindi ko na matandaan, eh."

"Ahh." Tumangu-tango lang ito. "Do you have any questions so far?"

Nasa isang shed sila sa university ni Sean. Tulad ng napag-usapan, nagpapa-tutor siya dito ngayon.

Napabuntong-hininga siya at aburidong tiningnan ang mga ime-memorize daw niya. Magaling magturo si Sean. Ang totoo n'yan, mas natutunan niya dito ang mga lesson nila. But she really hate memorizing.

"Yeah, I have one. How can I easily memorize these? Tingnan ko pa lang inaantok na ako."

Bahagyang natawa ang lalaki. In-adjust nito ang salamin. Nagbigay ito ng mga suhestyon sa dilemma niya. Mataman lang siyang nakikinig dito habang pinagmamasadan ito. He was wearing eyeglasses alright, but it doesn't cover the fact that he's handsome too. In fact, ito lang ang taong nakilala niya na binagayan ng may gradong salamin sa mata. Hindi ito mukhang nerd. Mukha itong henyo, isang gwapong henyo.

"May nililigawan ka na ba, Sean?"

Saglit na nagulat ito sa out of the blue na tanong niya. Nang makabawi ay tumawa ito.

"Why? Iba-blind date mo rin ako at irereto tulad nina Krizhia?" Muli itong tumawa nang manlaki ang mga mata niya. Actually, iniisip nga niyang ipakilala ito kay Kayra tutal ay wala naman daw itong girlfriend. Mahilig kasi sa mga cute genius ang isang iyon. "But no. Still, wala pa sa isip ko iyon."

"Why not? Ilang taon ka na ba?"

"Going seventeen next month."

"Hindi nga?"

His smile said that what he said was true.

"Bata ka pala. Sige, huwag mo munang isipin ang lovelife." She patted his head. "Sixteen ka palang ngayon. That made me one and a half year older than you."

"Should I start calling you 'ate'?"

"Ate? Duh? Gusto mong hindi na makauwi ng buhay? Ayokong may tumatawag ng ate sa akin. I feel old!" tili niya. Inilabas niya pa ang bilog na salamin niya at sinipat ang sariling kagandahan. Napangiti siya nang makitang hindi pa humuhulas ang make up niya sa kabila ng halos isang oras na tutor session na iyon. But then, kinuha niya pa rin ang face powder niya.

Hindi na niya pinansin ang tatawa-tawang si Sean habang nagre-retouch.

"Girls," naiiling na lang na sabi nito.

"Aba, aba. Ano ito'ng nakikita namin?"

"Obviously, Aser, they were dating."

"They were not, dude Kyle. Nagpapa-tutor lang si Allyza kay Sean."

Pumaling ang lipstick na ina-apply niya nang makita ang tatlong lalaking lumapit sa kanila. Lalo na ang lalaking tumabi sa kanya. Sina Aser at Kyle ay sa harapan nila naupo.

"Hi there!" bati pa nito sa kanya.

"Mackey! Bakit kayo nandito?" Nakagat niya ang dila. What a stupid thing to ask? Bumawi kaagad siya. "Oo nga pala, dito nga pala kayo nag-aaral."

The Rebel Slam 5: MACKEYWhere stories live. Discover now