CHAPTER THIRTY-EIGHT

2.6K 72 7
                                    

CHAPTER THIRTY-EIGHT

"MACKEY, kausapin mo naman ako!"

Heto na naman siya. Hinahabol niya na naman ang irog niya. Haayy. Wala na bang katapusan ito? Daig niya pa si chatbox dahil hindi lang siya 'seen', dedma na talaga. Ni tingnan, hindi nito ginagawa.

Dalawang araw niya itong hindi nakita matapos niya itong kantahan sa Wonderpark. Ewan niya pero tingin niya ay iniiwasan siya nito. After classes ay dumadayo siya sa university nito at inaabangan ito. Pero ni anino nito ay hindi niya nakikita.

Mabuti na lang ngayon ay natyempuhan niya ito na naglalakad sa sidewalk ng hilera ng mga shops na iyon. Napagpasyahan niya kasi na humanap ng part-time job. Papatunayan niya sa daddy niya na hindi niya kailangan ng pera nito. May ilang shops na rin siyang napagpasahan ng resume.

"Mackey!" Tumakbo siya at hinarang ito.

"What?" Nakakunot agad ang noo nito.

Pinameywangan niya ito. "Hindi mo ba talaga ako kakausapin?"

"Bakit kita kakausapin? Tapos na tayong mag-usap."

"We're not yet done! Hangga't hindi ka naniniwala sa akin!"

"You don't have to waste your time on me. Ang JL na iyon ang dapat na pinakakaabalahan mo."

"What? Paanong nasama si JL dito?" What is he talking about? "Bakit ko siya pagkakaabalahan, eh hindi naman kami?"

"Don't lie to me."

"I'm not! Wala kaming relasyon at tinapat ko na si JL—"

"I don't want to hear. Wala akong pakialam sa inyo ng lalaking iyon."

She helplessly stared at him.

"There's nothing going on between us, Mackey. Ano bang kailangan kong gawin para mawala ang galit mo sa akin?"

He stared back. She could see on those cold eyes what she had done to him. Gustong maging jelly ace ng mga tuhod niya sa titig na iyon at lumuhod sa harapan nito. It was so intense that she could not tell what emotions in there are. Napaatras siya nang humakbang ito palapit sa kanya. His gaze was still boring on here.

"I'm so mad at you."

Hindi niya alam pero nag-init ang mga pisngi niya. Maybe it's because on how he looked at her.

"I'm mad at myself, too," she breathlessly said. Staring at those panther eyes feels like the world has suddenly shrinked around them and all that's left was the two of them.

"You..." Waring napu-frustrate na naihilamos nito ang mga palad sa mukha. "Why do you have to sound so sincere?"

"Because I am, Mackey, hindi ako nagsisinungaling sa iyo."

Maniwala ka naman, please.

"What's your proof?"

"H-ha?"

"Paano ako maniniwala sa iyo?"

Nalito siya sa tanong nito. Ano pa bang kailangan niyang sabihin at gawin? "I-I don't know...."

"Bakit gusto mong saktan ang kakambal mo? I can understand why you hated your parents so much. But your twin? Ano'ng nagawa niya sa iyo? Bakit kailangan mo pa akong gamitin para gawin iyon?"

Hindi na siya nabigla doon. Alam niyang isa ito sa kailangan niyang ipaliwanag at ipaintindi rito. She faced him.

"Because we have the same face."

"What the hell it has got to do with this?"

"Pero magkaiba ang kulay ng balat namin. All my life as a kid, palagi na lang siya ang nakikita ng lahat. Si Alyanna ang maganda, ang mabait, ang anghel. Palagi na lang siya ang pinapaboran at pinapansin. Napapansin lang ako tuwing may nagagawa akong mali. Most especially our parents. Si Allyza ang pangit, ang masama, ang pasaway, ang sakit ng ulo. Lahat ng masasamang katangian, name it, iyon ako. Wala na akong ginawang tama sa paningin nila dahil kay Alyanna. Palagi niya na lang kinukuha ang lahat sa akin." She felt that familiar pang on her heart. Naramdaman na lang niya ang pagkawala ng luha sa mga mata.

The Rebel Slam 5: MACKEYWhere stories live. Discover now