CHAPTER 49

3.2K 77 4
                                    

CHAPTER 49

'WITH you, I'm a beautiful mess. It's like we're standing hand in hand with all our fears up on the edge...'

Kinatitigan ni Allyza ang maliit na card. Iyon ang pang-apat na note na natanggap niya mula sa 'secret admirer' niya. Nasa loob na naman iyon ng bungkos ng mga rosas. Pagpasok niya sa gate ng university nila ay iyon kaagad ang inabot sa kanya ng guard. Medyo nakakahiya nga dahil lahat ng mga estudyanteng padaan din doon ay napapatingin sa kanya.

"Mackey, ano bang drama ito?" kausap niya sa bulaklak na hawak.

Binasa niya ulit ang note. She can't help but to remember the time when they were walking while holding each other's hand. Na para bang kapag bumitaw ang isa sa kanila ay tatangayin iyon palayo. And nobody wanted to let go each other's hand.

She sighed. Ibinaba niya ang mga bulaklak. This time, four purple roses naman ang natanggap niya. Napakaganda ng mga iyon. She wondered where Mackey bought these. Ang balak yata nito ay ipadala sa kanya ang lahat ng kulay ng mga rosas.

After leaving a last lingering look on the roses, bumaba na siya sa kotse niya. Iniwan niyang bukas ang aircon para hindi malanta ang mga bulaklak.

Hindi na siya makakatagal sa ginagawa ni Mackey na ito! Hindi siya nito kinokontak o pinupuntahan pero palagi namang nagpapadala ng tsokolate, bulaklak at kung anu-ano! Nang magising siya kaninang umaga ay tatlong heart balloon at chocolates (again!) ang bumungad sa kanya. Parang valentine's day lang. Malapad ang ngiti sa kanya ng kanyang ina nang ibigay nito iyon sa kanya. Her dad even complimented those. Mukhang may matino na daw siyang manliligaw ngayon. Humirit pa kung kailan niya ipapakilala ang manliligaw niya dito.

Inilabas niya ang cellphone niya at tinawagan ang numero ni Mackey. When she heard the ringing, saka niya napag-isip-isip kung ano ang sasabihin niya rito. Ano? Papatigilin niya ito sa pagpapadala ng kung anu-ano sa kanya? Even if that gesture was overwhelming and sweet? Even if she liked it?

Sasagutin na ba niya ito? Syempre, hindi! Even all parts of her being wanted to love and be loved by him, hindi pwede.

Pero hanggang kailan naman kaya siya makakatagal? Habang ipinagpapatuloy nito ang 'panliligaw' sa kanya, lalo lang nahuhulog ang puso niya rito. Ayaw man niya, binabasag niyon ang malaking pader na ibinakod niya sa puso niya.

"Hello?"

Nataranta siya nang may sumagot sa kabilang linya. Nagtaka nga lang siya nang maulinigan na boses iyon ng babae. Akala niya ba, nililigawan siya ni Mackey? Bakit nasa ibang babae ang phone nito? Kasama ba nito ang babaeng iyon? Baka naman nangangarap lang siya at hindi talaga si Mackey ang nagpapadala ng mga bulaklak sa kanya? Kung anu-ano nang umiikot sa isip niya nang magsalita ulit ang babae.

"Hello, Allyza? Nandyan ka pa ba? Si Nhica 'to."

Nakahinga siya ng maluwag. "Nhica? S-si Mackey?" Bakit nasa 'yo ang phone niya?

"Ha? Si Mackey? Eh... busy raw siya."

"Ano?"

"Ang ibig kong sabihin, wala siya dito. Naiwan niya ang cellphone niya sa klase namin."

Nakarinig siya ng pagkakagulo sa kabilang linya.

"Hello, Nhica?" Walang sumagot sa kanya. "Hello?"

"Hi, Allyza! Si Clyde ito! Kamusta?"

Napakunot-noo siya. Sinu-sino ba ang kasama ni Nhica doon? Para kasing marami ang mga ito.

"O, Clyde—"

The Rebel Slam 5: MACKEYWhere stories live. Discover now