CHAPTER FOURTY-TWO

2.9K 79 7
                                    

Syana's note: To Mia and Allyza's OP. Belated happy birthday! :*

To all my readers, pasensya na sa matagal na update! Bawi na lang ako this sembreak :) Salamat sa paghihintay! :*

P.S. Pasensya na kung medyo bangag ang pagkakasulat ko dito. Medyo kulang pa rin sa tulog ang inyong lingkod. ^_^v

*****
CHAPTER FOURTY TWO

"DUDE, saan natin hahanapin iyong mga kumidnap sa syota mo?"

"Gabi na, Mac. Baka pwedeng ipagpabukas na lang natin ito?"

"By the way, dude. Ang ganda ng kaibigan ng girlfriend mo. Pwede ko ba siyang ligawan?"

"Nag-umpisa ka na naman, Yosh."

"Nagsiselos ka ba, Xi?"

Hindi niya alam kung maaasar sa naririnig na usapan ng dalawang kasama niya sa kotse. Sina Yosh at Xion. Nang tawagan niya ang mga ito ay game na game ang mga ito na sumama sa kanya. Para raw magkaroon ng thrill ang pagbabakasyon ng mga ito. Kung hindi niya lang kinikilalang mga kaibigan niya ito ay pinagsasapak na niya ang mga ito. Sarap lang pagbalingan ng frustrations! Hindi lang dahil sa thrill kaya nila hahanapin si Allyza! It's more than that and he's so worried about her!

"Itigil niyo na nga iyang pag-aasaran. Hindi kayo nakakatulong," asar na sabi niya.

"Sabi mo, eh, dude. By the way, ano nga ulit ang pangalan ng kaibigan ng girlfriend mo na pinagtanungan natin?"

Mula sa daan ay sinulyapan niya si Yosh na siyang katabi niya sa unahan ng kotse. Si Xion ay nasa backseat at pinagkakaabalahan ang rubix cube na ginulo ni Yosh kanina.

"Kayra," sagot na lamang niya rito. Sigurado kasing hindi ito titigil hangga't hindi nito iyon nalalaman. Pinuntahan nila ang kaibigan ni Allyza sa school nito kanina upang itanong kung may balita na ito sa dalaga. Hindi pa daw ito kinokontak ni Allyza at nag-aalala na rin ang mga ito. Itinanong rin niya ang tungkol sa mga ex boyfriends nito. Nabahala siya ng husto sa sinabi nina Donita sa kanya.

"Kayra," tumatangong sabi ni Yosh. "Ang ganda naman ng pangalan niya. Meron kabang number niya?"

"Wala."

"Damot nito."

Binato niya ito ng masamang tingin. Hindi na nga siya maka-concentrate sa pagda-drive, sumasabay pa ito. Iniisip niya kung saan niya pwedeng makita si Allyza. Ngayon nga ay iniisa-isa nila ang bahay ng mga naging boyfriend ni Allyza.

"Tingin mo ex talaga ni Allyza ang kumidnap sa kanya?" tanong ni Xion.

"Isa sa mga ex niya ang nanggugulo sa kanya." Kinabig niya ang manibela sa harapan ng isang bahay at umibis doon.

"Kanino na namang bahay ito?" tanong ni Xion na nakababa na rin. Abala pa rin ito sa rubix cube.

"Kay Jelson hindi-ko-alam-at-wala-akong-pakialam-ang surname niya."

"Wew! Ang haba niyon, ah!" Nakasilip lang si Yosh sa bintana ng kotse niya habang nakapangalumbaba doon.

Lumapit siya sa gate at nag-doorbell. Isang katulong ang lumabas ng bahay at nagmamadaling lumapit sa gate.

"Ano pong kailangan nila?"

"Nariyan ho ba si Jelson? Mga kaibigan niya ho kami." Gustong mapangiwi ni Mackey sa binitiwang huling sinabi.

"Ah, si Sir Jelson po ba? Nasa loob po siya. Pasok po kayo."

"Hindi na po. May itatanong lang kami sa kanya kaya kung pwede ay palabasin niyo na lang ho siya rito. Hindi rin naman po kami magtatagal."

The Rebel Slam 5: MACKEYWhere stories live. Discover now