CHAPTER ONE

5.3K 90 0
                                    

CHAPTER ONE

NAPATAAS ang isang kilay ni Allyza nang makita ang kapatid niyang si Alyanna sa mall na iyon. Hindi niya sana ito pagtutuunan ng pansin ngunit naagaw ang pansin niya ng kasama nito. She moved to a better view. Hindi niya kasi makita ng maayos ang kasama nito.

"Hey, Allyza! Hindi ba tayo papasok sa loob ng botique?" agaw sa pansin ni Kayra sa kanya. Isa ito sa mga kaibigan at kaklase niyang kasama sa pag-i-stroll sa mall na iyon. Katabi nito ang isa pa nilang kaibigan na si Marney.

"Mauna na kayo," taboy niya sa mga ito na hindi man lang tinapunan ng tingin.

"Teka, sino bang tinitingnan mo d'yan?" Nakitingin si Marney sa sinisipat niya. "O, si dear sister mo pala iyon."

"Gwapo ng kasama niya, ah?" komento ni Kayra na nakatingin din kina Alyanna. "Boyfriend niya ba iyan?"

Nilingon niya ang dalawang kaibigan. "Kung boyfriend niya iyan, e di sana, ipinakilala na sa bahay. Unless..." Ngumisi siya. Inilabas niya ang cellphone at kinuhanan ng larawan ang dalawa. "Itinatago niya ito kina daddy."

Siguradong magagalit ang mga parents nila kay Alyanna kapag nakita ang larawan na ito.

"Ang gwapo naman ng boylet na iyan para itago niya lang. Kung ako ang magkaka-boyfriend ng katulad niya, ibabandera ko iyan."

Hindi niya pa masabi kung tama si Marney. Hindi niya natitingnan sa malapitan ang lalaki para sumang-ayom dito. Subalit aaminin niyang malakas ang dating nito sa paraan ng paglalakad nito. He's tall and slender. Malaki ang katawan at maangas lumakad na siyang lalo pang nakapaglakas sa 'arrive' nito.

Mukhang siga, aniya sa sarili.

"Tsk. Ikaw talaga, Marney. Nakakita ka lang ng gwapo, eh." Bumaling sa kanya si Kayra. "Bakit mo sila kinuhanan ng picture?"

"Ipapakita ko kina daddy. Tingnan ko lang kung hindi mapagalitan ang ever perfect kong kapatid na iyan."

Alam ng mga ito na galit siya sa kakambal niya. Matapos niyang ikwento sa mga ito ang dahilan, nakuha niya ang simpatya ng mga ito.

"Bakit hindi mo sinabi kaagad? Dapat kumuha ka ng magandang pose nila. Hindi iyang naglalakad lang sila. Dapat iyong may holding hands."

Napatingin siya sa larawang kinuha niya. Sabagay, may point si Kayra. Wala ngang kalatoy-latoy ang larawang iyon.

"O e, ano'ng gagawin natin? Susundan sila? Paano ang gala natin?"

"Ally, gusto mo bang makakuha ng magandang picture na talagang pagagalitan ng parents ninyo ang kakambal mong iyan?"

"Oo naman, Kayra..."

"So, gora na tayo!"

"Leggo stalk your perfect sister!"

Nauna pang maglakad ang dalawa.Natatawang sinundan niya ang mga ito. Kahit talaga kailan ay siya ang pinapaboran ng mga ito.

And here they were, mistulang mga detective na patago-tago sa mga stall habang sunusundan ang dalawa.

Hanggang sa pumasok ang mga ito sa Wonderpark. Sinalubong ang mga ito ng dalawang gwapong lalaki.

Pumasok din sila doon at nagtago sa likod ng isang game machine.

"Oh my! Si Grendle iyon!" impit na tili ni Marney.

"Grendle who?"

Tiningnan siya ni Kayra na para bang isa siyang creature na galing sa ibang planeta. "Hindi mo sila kilala?"

"Kaya ng nagtatanong, 'di ba?"

"Si Grendle ang vocalist ng bandang The Rebel Slam. Ikaw talaga. Hinangaan mo na rin lang ang tugtog nila n'ong nakaraan, hindi mo pa tinandaan ang pangalan."

The Rebel Slam 5: MACKEYWhere stories live. Discover now