CHAPTER FOURTY

2.8K 67 0
                                    

Syana's note: Hindi pa dapat ako mag-a-update dahil maraming ginagawa sa school. Pero maraming nagpa-follow sakin last week, nakakahiyang hindi mag-update. He-he. And so, I find time to write this chapter. Salamat at welcome sa mga new followers ko! Hart hart <3

READ. VOTE. COMMENT.

--------

CHAPTER FOURTY

HINDI pamilyar ang silid na namulatan ni Allyza. Napabalikwas siya ng bangon. Nasapo niya ang kanyang ulo nang kumirot iyon. Kinailangan niyang umubo para mawala sa ilong niya ang matapang at mabahong amoy na iyon. She remembered the last thing that happened.

Biglang bumukas ang itim na van na iyon at may bumabang mga lalaki na natatakpan ng itim na bonnet ang mukha. Hindi siya nakapanlaban sa pagkabigla. Huli na nang mahamig niya ang katinuan niya. Natakpan na ng isa sa mga ito ng panyo ang bibig niya. Sinubukan niyang manlaban pero unti-unti na siyang nanghina sa matapang na amoy niyon hanggang sa tuluyan nang magdilim ang kamalayan niya.

Iginala niya ang paningin sa paligid. It was a cozy rose colored bedroom. She's lying in a red and pink sheet bed. Hindi na niya pinag-aksayahang pansinin ang mga paintings at kagamitan sa kwartong iyon. Naka-red alert ang utak niya.

She spotted two doors. Patakbong tinungo niya ang isa sa mga iyon. But it was locked. Natatakot siyang kalampagin iyon at baka pasukin pa siya doon ng mga kidnappers niya. Comfort room naman ang nabungaran niya sa isa pang pinto. Bumalik siya sa silid at na-spot-an niya ang bintana. Papadilim na ang paligid nang sumungaw siya doon. Walang grills doon at medyo tinted na sliding glass iyon. Ang tanging nakikita niya sa labas ay mga puno sa likod ng mataas na pader na bakod. Nang subukan niyang buksan ang bintana ay napagtanto niyang naka-lock din iyon. She cursed under her breath.

"Nasaan ako?" Frustrated na naisuklay niya ang mga daliri sa buhok niya.

At sino namang ki-kidnap sa kanya? Wala siyang pera! Ang daddy niya ang mayaman. Dapat ito na lang ang kinidnap.

Nagpaikot-ikot siya sa kwarto upang humanap ng pwede niyang ipambukas sa pinto o bintana. Pero walang laman ang mga desk cabinet. Pati ang closet ay wala ring laman. She went into the bathroom but the medicine cabinet was also empty.

"Ano bang klaseng kwarto ito?!"

She returned to the bedroom and stopped dead on his tracks when she heard someone unlocking the door. She heard faint voices from outside.

"Is she alright? Nadala niyo ba siya ng maayos dito? Hindi niyo ba siya nasaktan? Kapag may nakita akong galos sa kanya, I swear I'm gonna kill all of you."

"Chill, pare. She's alright. She's sleeping inside."

Hindi siya nakahuma sa kinatatayuan nang bumukas iyon at pumasok ang isang lalaki. Naiwan sa pinto ang dalawa pang lalaki. Lahat ng kaba niya ay nilipad ng hangin nang mapagsino ito. Nagsalubong ang mga kilay niya.

"Ikaw?!"

Saglit na nabigla ito nang makita siya. Tapos ay malapad na ngumiti ito. "Oh, hi! Gising ka na pala!" Masama ang tingin na nilingon nito ang mga kaibigan. "Akala ko, tulog pa siya?"

Nagkibit-balikat lang ang isa sa mga ito. Ang isa ay ngumisi.

"I'm sure she just woke up. Right?" tanong pa nito sa kanya.

Tinaasan niya lang ito ng isang kilay. The guy in front of her was Paul. Yes, she remembered him. Ito ang huling boyfriend niya bago si Jelson. Ito rin ang baliw na ex-boyfriend niyang nanggugulo at nakikipagbalikan sa kanya. And those guys on his back were his friends. As usual, nakaitim na naman ang mga ito.

The Rebel Slam 5: MACKEYWhere stories live. Discover now