CHAPTER THIRTY FIVE

2.6K 68 3
                                    

CHAPTER THIRTY-FIVE

“ALLYZA?”

Muntik nang mapatalon sa gulat si Allyza nang may humawak sa balikat niya. Si Sean ang nalingunan niya. He smiled immediately.

“Hi! Long time no see. Kamusta ang bakasyon?”

“H-ha? Ah, eh…” Wala siya sa mood makipagkwentuhan ngayon pero masyadong polite si Sean para ignorahin niya. Huminga siya ng malalim at kinolekta ang nagkalat at deppressed na brain cells niya. “M-mabuti naman ako.” Parang gusto niyang tampalin ang noo. Mali. Tinatanong nga pala nito ang tungkol sa bakasyon niya. Isa pa, kasinungalingan ang sinabi niyang iyon. “Ah… ang ibig kong sabihin. Ayos naman. Kamusta ang iyo?”

“Also fine,” bakas ang pagka-amuse nito. Tapos ay tinuro ang mukha niya. “What’s with the eyebags?”

Awtomatikong dumapo ang kamay niya sa ibaba ng mata. “W-wala ito. Huwag mo nang pansinin.”

“Oh. Okay. So, why are here? Nag-transfer ka na ba dito sa university namin?”

Kahit paano ay napangiti siya. Napaka-understanding ng lalaking ito.

“Hindi. May…” Aaminin niya ba dito ang tunay na dahilan niya? Wala namang mawawala sa kanya at baka maituro pa nito ang kinaroroonan ng sadya niya. “Ang totoo, hinahanap ko si Mackey. Nakita mo ba siya?”

Ilang araw niyang pinag-isipan ang gagawin na ito. Ang paghahabol kay Mackey. Masama man sa pandinig pero hindi mapakali ang puso niya hangga’t hindi ito nakikita at nakakausap. Kaya pagkatapos ng pagmumuni-muni sa bahay nina Kayra, kung saan siya nakatira ngayon, nag-drive siya papunta sa paaralan nito.

After her father kicked her out of his house, si Kayra ang una niyang naisip puntahan. Hindi naman siya nagdalawang salita rito at pumayag agad ito na tumuloy siya sa bahay ng mga ito. Especially now that her parents were on out of the country vacation. Hindi rin naman siya magtatagal kina Kayra. She’s planning to find her own apartment. Hindi kasi niya gusto ang pagtingin sa kanya ng kuya nitong manyakis. About Marney, pagkatapos nang nangyari kay Jelson ay hindi niya pa ito nakakausap ng matino.

“Si Mackey? Isang beses ko pa lang siya nakikita mula nang magpasukan. But I’m sure he’s just on his college building. Sasamahan na kita papunta roon. Tayo na.”

Kahit wala siyang ID, nakalusot siya sa guard dahil nakasabay nila si Riyel, ang president ng CSC at Editor-in-chief ng university’s editorial ayon kay Sean. Nag-‘hi’ lang ito sa kanya at nakipagkwentuhan na kay Sean. Kung matatawag ngang kwentuhan ang argumento ng mga ito tungkol sa mga bagong ipi-feature ng mga ito sa susunod na magazine ng school. Samantalang siya ay tahimik lang habang nagmamasid sa paligid. Umaasa siyang ma-spot-an ang mga myembro ng The Rebel Slam o ang girlfriends ng mga ito.

“I want to feature some untold stories, Sean.”

“About what, Riyel? There are so many untold stories around the globe.”

Saglit na nawalan ng imik si Riyel. “What about love? We had a facebook page about confessions. Hawak iyon ni Luna. I want to talk to her but I’m so busy right now. You know, Student Council stuffs. Walang kwenta ang nakuha kong vice president galing sa HRM.”

“I’ll talk to her. Tungkol lang ba sa confessions sa love? Horror confessions, ayaw mo?”

“Sa university folio ko isasama ang horror confessions. Horror ang theme ng folio natin, eh. Iyon ang gusto ng moderator natin. Anyway, thanks, Sean. Dito na pala ako.”

Napatingin siya sa building nakatapat nila. “Admin’s office” ang nakasulat sa itaas niyon.

“No worries, Riyel.”

The Rebel Slam 5: MACKEYWhere stories live. Discover now