CHAPTER TWENTY-THREE

3K 85 3
                                    

CHAPTER TWENTY-THREE

"NO. I don't."

Those three words. Kaunti na lang at mababaliw na si Allyza kaka-replay ng pag-amin na iyon ni Mackey.

He don't regret kissing her.

Gusto niyang mag-tumbling sa kilig. It means, he also liked kissing her. Nakakainis dahil may sugat siya sa labi. He didn't tried kissing her again. Sayang talaga.

Sinabi nito na gusto rin siya nito. Was that mean, he liked her but not just a friend? Friends don't kiss on lips. Siguro naman mas mataas na sa lebel na iyon ang relasyon nila ni Mackey?

Eh, ano na nga ba sila ngayon? MU? Steady? Friends with benefits?

Ipinilig niya ang ulo sa huling naisip. Ayaw na niyang ma-friendzone! Por favor! Lahat ng may kinalaman sa friend, itinatakwil na niya. Except, of course, sa word na girlfriend. No dash between girl and friend.

She sighed. Bumiling siya sa kabilang panig ng kama. It's already two a.m. but she's still awake. Paulit-ulit na nagre-replay sa kanya ang pangalawang halik nila na iyon. After he admitted that he don't regret kissing her, ginamot lang nito ang sugat niya at tinugtugan na ulit siya. It was also fun and romantic. Nalimutan nga lang niya na linawin kung ano na sila ngayon ni Mackey. Hindi rin naman ito nagsalita tungkol doon.

"Mackey, Mackey, Mackey... Ano nang gagawin ko sa iyo ngayon?" She sighed again for the nth time. Tumihaya siya at nakipagtitigan sa kisame. Suko na siya! Hindi talaga siya makakatulog ngayong gabi! Tuwing pipikit siya ay binubuhay ng nakapaskil na larawan nito sa isipan niya ang lahat ng dugo niya.

Ano kayang ginagawa ni Mackey ngayon? Hindi rin kaya ito makatulog tulad niya? Hindi naman siguro masamang mangarap na ganito rin ang epekto ng halik na iyon sa binata.

Kinapa niya ang cellphone niyang kakalat kalat sa kama niya. She almost jumped out of bed when she saw the currently recieved message blinking on the screen. Parang tinarukan ng energy booster ang puso niya.

One message from Mackey baby! This is a sign! A sign of a good future between them.

'Hi,' sabi sa message.

Kagat-labing nagtype siya. Hindi niya alam kung bakit pinipigilan niya pa ang malapad na ngiti gayong hindi naman siya nito nakikita. Hindi nito nakikita na malapit na siyang atakihin sa puso sa kilig dito.

'Hello. You're still awake?'

Message sent. Hindi naman siya naghintay ng matagal sa reply nito. Umilaw muli ang message alert tone ng phone niya. She opened it immediately.

'So do you. Bakit gising ka pa?'

'Hindi ako makatulog. Iniisip kasi kita...'

Napatigil siya sa pagtipa. Sasabihin niya ba talaga iyon dito? Masyado na yata siyang easy-to-get? Linya iyon ng lalaki, ah. Baka kung ano pang isipin ni Mackey sa kanya.

So, she erased the text. Pinalitan niya iyon.

'May binasa akong book. Ikaw, bakit gising ka pa rin?'

Message sent. Mas mabuti nang nasa safe zone muna. She needs to confirm what they are first. Kahit na ba gusto niyang mapangiwi sa alibi niya.

Halos matunaw ang screen ng iphone niya habang hinihintay ang reply ni Mackey. Dalawang minuto na ang nakakalipas ay hindi pa ito sumasagot. She impatiently stared at the digital clock on her phone. Dinadaya yata siya ng orasan na ito. Paano kaya ito tanggalin?

Para malibang ay hinanap niya ang settings ng orasan niya. Hanggang sa magbago ang isip niya at ibalik sa home ang screen.

Ten minutes. Letseng orasan. Nambubwisit yata. Hindi na siya nakatiis. Bumalik siya sa message thread nila ni Mackey.

The Rebel Slam 5: MACKEYWhere stories live. Discover now