CHAPTER TWELVE

3.3K 82 3
                                    

CHAPTER TWELVE

PINAGKAGULUHAN siya nina Krizhia, Jazmine at Nhica nang malaman nitong naroon din siya sa island. Inulan siya ng tudyo ng mga ito nang itsika ni Donita na si Mackey ang nagsama sa kanya.

"Kayo na ba?" tudyo ni Krizhia nang umupo ito sa kama niya.

Kasalukuyan siyang nagme-make up noon nang magsipasukan ang mga ito sa kwarto nila.

"Hindi pa nga, eh."

"Mahina raw ang manok natin," wika ni Donita. Nakadapa ito sa sariling kama habang hawak ang cellphone nito. Ang kapatid nitong si Donna ay nasa labas na kasama ang kapatid ni Clyde at ni Nhica.

"Wala naman sa mukha ni Mackey ang maging torpe," ani Jazmine na nahiga pa sa tabi niya. "Akitin mo na lang kaya? Krizhia, pahiramin mo siya ng two piece."

"Seriously, Allyza, ano nang lume-level up na kaganapan sa inyo?" sabi naman ni Nhica na nakisiksik ng upo sa kama niya.

"Well..." Tinapos niya ang paglalagay ng mascara. Napangiti siya nang maalala ang nangyari kagabi. "He said I'm the most beautiful girl he had ever met."

Syet! Kinikilig ako!

Kanya-kanya nang tudyo ang mga ito.

"Iba na talaga ito!"

"Napi-feel ko na na susunod na rin si Mackey sa mga kaibigan niya!"

"Ang haba ng hair mo, 'te! Pasabunot nga!"

"Ikaw na ang beautiful  in his eyes."

Nginisihan niya ang mga ito. Sige, tudyuin niyo pa ako. Masaya iyan.

"May dala ka bang swimsuit d'yan?" pagkuwan ay tanong ni Krizhia.

"Two piece ba? Meron. Girl scout ako, eh." Hinugot niya mula sa maleta niya ang sinasabing swimwear. Yep. Handa talaga siya dahil minsan ay naiisipan niya na lang pumunta sa beach kahit na wala siyang kasama.

"Handang-handa, ah?" palatak ni Nhica habang kinukutingting ang bikini niya.

"What are you waiting for? Isuot mo na iyan. Tingnan lang natin kung hindi lumuwa ang mga mata ni Mackey," ngisi ni Krizhia.

"Tamang-tama, swimming ang itenerary natin ngayon. I'm so excited!" tili ni Jazmine na hyper na naman.

"Yeah, right. Bilisan niyo na d'yan. Pinapababa na tayo no'ng mga jologs nating boyfriend," ani Donita na nakatutok pa rin sa cellphone nito. Malamang ka-text nito ang nobyo.

Speaking of text, hindi pa pala niya nakukuha ang number ni Mackey. Hmm, mahingi nga mamaya. Napangiti siya sa isiping iyon.

Bumaba siya sa kama dala ang black and white bikini niya. Napansin niyang nakasuot na rin ng swimsuit ang apat sa loob ng t-shirts and shorts ng mga ito. Dumeretso siya sa banyo.

Matapos maisuot ang swimwear ay bumaba na sila sa clubhouse kung saan naghihintay daw ang mga boyfriend ng mga ito. Subalit hindi pa sila nakakarating doon nang madatnan nila sa reception area sina Clyde at Mackey. May kausap na dalawang babae ang mga ito-- na lihim niyang ikinainis. Ngali-ngaling batuhin niya ng tsinelas si Mackey nang makipagtawanan ito sa babaeng iyon.

"Magaling. Magaling. May gugulpihin pala ako ngayon."

Naagaw ang pansin niya nang magsalita si Nhica. Salubong ang mga kilay nito habang nakatingin sa gawi ni Clyde at ng babaeng kausap nito. But instead of shouting at her boyfriend, she smiled sarcastically when Clyde finally looked at her. But her eyes shot him deadly stares.

Lumapit sila sa mga ito. Sinalubong naman sila ni Clyde na may alanganing ngiti. Malamang napansin nito ang masamang tingin ng kasintahan.

"Honey, baby, mahal!" Niyakap nito ang hindi nakaiwas na si Nhica. "Hinihintay talaga kita dito. Bakit ngayon ka lang? Hindi mo ba alam na kagabi pa kita nami-miss? I love you, Nhica Marae mahal. Forever and ever. Oh baby, baby--"

The Rebel Slam 5: MACKEYWhere stories live. Discover now