CHAPTER FOURTY ONE

3K 83 7
                                    

CHAPTER FOURTY ONE

"MAHAL kong Allyza!"

Napabalikwas ng bangon si Allyza. Hindi niya namalayang nakatulog siya. Napasimangot siya nang makita sa paanan ng kama ang kulugong si Paul. Inayos niya ang neckline ng suot niyang blouse at ang skirt niya. Suot niya pa rin ang damit niya kahapon. Medyo nanlalagkit na nga siya.

"What the hell are you doing?! Why are you here? Papakawalan mo na ba ako?"

He laughed. Kagabi lang ay galit itong umalis sa kwartong iyon. "No, my dear. Gusto kong ako ang masilayan mo first thing in the morning. Good morning! I brought food. Sabay tayong mag-breakfast. You like eggs and bacon, right?" Itinuro nito ang mga pagkain na nasa mesita. She hasn't notice there's a table in there last night.

"Ayoko. Ang gusto ko ay makaalis dito," angil niya rito.

"Come on. Hindi mo kinain ang dinner mo. Baka magkasakit ka niyan. Ayokong isipin ng daddy mo na pinabayaan kita sa pagkain kapag ibinalik kita sa kanila. Baka tumutol pa siya na ipakasal ka sa akin."

"Nonsense. Ibang klase ka ring mag-imagine, ano?" Hindi ba ito kinikilabutan sa mga pinagsasasabi nito?

"Nagpa-practice lang. Come on. Get up. Ako ang nagluto nito."

"No! Get out of this room kung hindi mo pa rin ako hahayaang umalis dito."

"I'd told you. Hindi ka makakaalis dito hangga't hindi mo sinasabi na mahal mo ako."

"Hindi ako magsasalita ng mga bagay na hindi bukal sa loob ko. You're just wasting your time."

Nawala ang ngiti nito. Shoot! Nagalit niya na naman ito. Napangisi siya ng lihim. She will piss him off until he throws her out. Masaya iyon.

"You will soon say it. Huwag kang magsalita ng tapos." Ikiniling nito ang ulo at tumingin sa kanya. Hindi niya gusto ang ipinapahiwatig ng mga mata nito. "Paano kung mawala sa landas natin ang lalaking iyon? Pipiliin mo na ba ako?"

Napakunot-noo siya. "A-ano'ng..."

That was when he smiled that evil smile. "Kumain ka na. may aasikasuhin lang ako."

Nakalabas na ito ng kwarto ngunit nanatili pa ring nasa sinabi nito ang isip niya. Ano'ng gagawin nito kay Mackey? Base sa ngiti nito, alam niyang hindi maganda iyon. Nakagat niya ang pang-ibabang labi.

"Paano kung mawala sa landas natin ang lalaking iyon? Pipiliin mo na ba ako?"

Damn! Kapag may nangyaring masama kay Mackey, hindi niya mapapatawad ang lalaking iyon!

She got up and walked towards the door, tried to open it and as expected, it was locked. Kinalampag niya iyon.

"If you hurt him, I will hate you for the rest of my life!" she shouted on the top of her voice.

Wala siyang nakuhang sagot mula sa labas.

She cursed under her breathe. She needs to get out of here. Hindi pwedeng maghintay na lang siya rito. Wala siyang maaasahang maghahanap sa kanya. Gawain na niya ang umalis nang walang paalam sa kahit na sinong kakilala niya. Aakalain lang ng mga ito na nagliwaliw siya at nag-out of town na naman. Hindi niya alam kung it's a good thing or the other way around. At least, walang mag-aalala sa kanya.

"Mackey..."

Nag-aalala kaya ito sa kanya? Hinahanap kaya siya nito?

Gusto niyang matawa sa sarili. Hindi na dapat niya iniisip iyon. Sigurado namang hindi. Sasaktan niya lang ang sarili niya sa kakaaasa. Tsk. Nagiging masokista na talaga siya.

The Rebel Slam 5: MACKEYWhere stories live. Discover now