CHAPTER TEN

3.2K 82 1
                                    

CHAPTER TEN

NAGNGINGITNGIT pa rin si Allyza nang payagan siya ng kanyang ama na umalis sa opisina. Wala naman siyang naintindihan sa sinasabi nitong pagpapatakbo ng kumpanya nito. All she did was to sit beside her father and got bored after the three hours of board meeting. Wala rin naman siyang naintindihan sa mga proposals at sales na pinag-usapan ng mga ito. After that, kinailangan niya pang maghintay ng ilan pang oras at magbasa kuno ng mga makakapal na folders na ibinigay ng ama para raw mapag-aralan niya.

Huminga siya ng malalim para mabawasan ang init ng ulo. Hindi na siya babalik sa opisina na iyon! Mag-a-out of town siya hanggang sa pasukan!

Mabilis na nilakad niya ang pinakamalapit na ATM machine para mag-withdraw ng kakailanganin niyang pera. Pero pagsaksak niya ng card niya ay uminit lang lalo ang ulo niya. Naka-freeze ang account niya! She tried her other card, ganoon pa rin!

Gusto niyang mapatili sa inis. She took out her cellphone and called her father.

"Bakit naka-freeze ang lahat ng account ko?!" bungad niya dito. Sa mga ganitong pagkakataon ay tuluyan na niyang kinakalimutan ang pagiging magalang niya.

"I freezed it. Naniniguro lang ako na hindi ka tatakas. Even your credit cards were freezed. Ibabalik ko lang sa iyo iyon pagkatapos mong magtrabaho sa kumpanya ngayong sembreak."

"You are a crazy old workaholic monster! Ayoko nang bumalik opisina mo! I'd rather go to Mindanao than to be stuck in there!"

"Allyza, don't you dare call your father like that! Kapag hindi ka sumipot sa opisina bukas, you're grounded! At tuluyan ko nang ika-cut ang paggamit mo sa pera ko! And by the way, kukunin ko ang susi ng kotse mo."

"What?!"

"That's for your rude behavior! Matuto kang gumalang sa akin!"

Nagalit nga yata talaga ito dahil basta na lang siyang binabaan ng telepono. Ngali-ngaling ibato niya ang cellphone niya.

Nagdadabog na lumabas siya sa ATM booth. Sumasakit ang ulo niya sa tatay niya! Ngayon, wala na siyang kawala sa trabahong ipinipilit nito. Isang libo lang ang cash niya sa wallet niya. Paano siya makakatakas lalo pa at kukunin daw nito ang susi ng kotse niya?

"This is the worst day ever!" gigil na sambit niya habang naglalakad.

Imbes na umuwi ay nagtaxi siya papunta sa mall. Magpapalipas muna siya ng init ng ulo sa paglalaro sa Timezone.

Ngayon nga ay nakaharap na siya sa basketball ring ng sharpshooter. Ipinasok niya ang token doon at naghanda na. At dahil badtrip siya, lahat halos ng tira niya ay hindi nakapasok. Mali yata ang paglalaro niya dito dahil lalo lang siyang na-frustrate. Dinampot niya ang kahuli-hulihang bola at gigil na ibinato iyon sa ring. Tumama ito sa ring at, unfortunately, bumalik sa kanya. Mabilis na napayuko siya para iwasan iyon.

"Whoah!"

Napalingon siya sa pinanggalingan ng pamilyar na boses na iyon. Ang nakangiting mukha ni Mackey ang nabungaran niya. Napakagwapo nito sa suot na black v-neck shirt at maong pants na butas-butas. Ito ang nakasalo ng pobreng bola na napagbuntunan niya.

Mabilis na umayos siya ng tayo. Nasundan niya ito ng paningin nang mula sa kinatatayuan nito ay ihagis nito ang bola. Shoot iyon sa ring. Ibinalik nito ang tingin sa kanya.

"Twenty-four? Ang hina mo yata ngayon?"

Kung dati-rati ay inaabot ng seventy ang score niya within one game, iyon lang ang score niya ngayon. Ang isang two points pa ay galing sa bolang i-sh-in-oot ni Mackey.

"Wala ako sa mood," nasabi na lamang niya bago hinulugan ng token ang machine.

Tumabi si Mackey sa kanya at tinulungan siyang mag-shoot.

The Rebel Slam 5: MACKEYWhere stories live. Discover now