CHAPTER THIRTEEN

3.5K 88 5
                                    

CHAPTER THIRTEEN

IBINABA ni Allyza ang shades niya sa kanyang ilong. Mula sa prenteng pagkakahiga sa beach chair ay itinukod niya ang mga siko sa upuan at iniangat ang upper body niya, to get a better view of the half naked guy coming towards them.

Hello, abs.

"O, nandito na pala si Mackey mo. Pwede na kitang iwan dito kung wala ka pa sa mood mag-swimming," nanunuksong wika ni Donita. Ibinaba nito sa beach chair nito ang sunblock na ginamit nito. Tumayo na ito at patakbong tinungo ang karagatan kung saan nagtatampisaw na ang boyfriend nito at mga kaibigan.

Kumaway pa ito sa kanya habang nakangiti ng malapad.

Naiiling na ngitian niya na lang ito. Muling gumawi ang tingin niya sa papalapit na si Mackey. Ang hot nitong pagmasdan. Bumagay sa bad boy image nito ang maangas na paglalakad nito. No wonder, all girls had their eyes on him. While him, parang balewala rito na halos ina-eye rape na ito ng mga babaeng iyon. Pero sorry na lang ang mga babaeng iyon dahil sa kanya lang nakatingin si Mackey. He smiled at her. Feeling niya ay muntik nang malaglag ang underwear niya sa ginawa nito. Habang lumalapit ito, pakiramdam niya ay pabilis ng pabilis ang tibok ng puso niya.

"Hi, sexy!" bati nito sa kanya bago ito tuluyang makalapit.

Tsk. Bakit ganito na lang makakabog ang dibdib niya? Huminga siya ng malalim, hoping her heart would go back to normal. Pero wala ring nangyari kaya hinayaan niya na lang. Mapapagod din naman siguro ang puso niyang ito.

Ginantihan niya ang pilyong ngiti nito.

"Hi, beach hunk! Magkano ang magdamag mo?" biro niya rito.

Tumawa ito.

Bakit ang sexy nitong tatawa ngayon? Tuluyan na siyang naupo at inayos ang shades niya. Ano bang meron sa inalmusal nila kanina at nagkakaganito siya ngayon?

"Alam mo namang para sa iyo ay libre lang ako," pagsakay nito sa kalokohan niya. Naupo ito sa beach chair na katabi niya. "Akala ko matutulog ka ngayon?"

"Sayang ang kagandahan ng lugar kung tutulugan ko lang."

"Really? Bakit sina Kyle at Jazmine, natutulog ngayon doon sa duyan?"

"Baka ina-appreciate nila ang lugar sa pagtulog doon? Nasaan ba sila? Picture-an natin." Nakangising itinaas niya ang digital camera ni Krizhia na ipinahawak nito sa kanya kanina bago ito lumusong sa tubig.

"Nandoon." Itinuro nito ang nakahilerang puno ng acacia. Pagkatapos ay inilahad ang isang palad nito. "Tara. Picture-an natin sila at i-post natin sa facebook."

Walang pagdadalawang isip na inabot niya ang kamay nito. May kung anong malamig na bagay ang humaplos sa puso niya nang magdikit ang mga palad nila. He held her hand tight. Parang aatakihin na siya sa puso sa sobrang lakas ng pagkabog niyon.

Heck. Calm down, Allyza. Si Mackey lang iyan. It's just a holding hands with a bad boy hunk.

Pero ang sarap ng feeling na maka-holding hands ito. His hand was soft and warm as he gently guide her through the trees where Jazmine and Kyle sleep. Maganda rin tingnan ang magkahugpong na mga kamay nila.

Parang meant to be.

Napailing siya. Kailan pa siya naging romantikong tao?

At, hija, kung hindi mo pa alam, nangangarap ka na ng gising sa katirikan ng araw.

Damn her concience.

"Wala ka ba talagang tatawagan para ipaalam na safe ka?"

Napakurap siya at napatingin sa mukha ni Mackey. Hindi niya namalayang nakatitig na siya sa mga kamay nila. Mabuti na lang at sa daan ito nakatingin. Hindi niya masyadong naintindihan ang sinabi nito.

The Rebel Slam 5: MACKEYWhere stories live. Discover now