CHAPTER TWENTY

3.1K 82 3
                                    

CHAPTER TWENTY

"GIRLS, I think, we hooked him."

"Baka ang ibig mong sabihin, Marney, Allyza hooked him?"

"Pareho na rin iyon, Kayra. Since, tayo ang gumawa ng magandang plano na ito. I can see that Jelson is seriously in love with our friend."

"You're crazy, Marney."

"The three of us were crazy."

Kayra sighed. "Unfortunately, nagkahawa-hawa na tayo. Allyza, okay ka lang ba r'yan?"

Mula sa pagkakasapo ng ulo ay tumingala si Allyza sa mga kaibigan. Tila naalimpungatan siya nang marinig ang pangalan niya. "Ano?"

"Seriously, Allyza. Kung inaantok ka, natulog ka na lang sana sa bahay ninyo at hindi na nakipagkita sa amin," ani Kayra na kumagat sa hamburger nito.

Ibinaba niya ang kamay at umayos ng upo. Tinawagan niya ang mga ito pagkagising niya-- na hindi naman talaga normal na gising dahil hindi naman siya nakatulog kagabi. Ikinulong niya sa mga kamay niya ang baso ng iced tea niya. She stared at the liquid in it.

Mahinang niyugyog siya ni Marney. "Oy, Allyza--"

"Gusto ko nang makipag-break kay Jelson, Marney." There. Nasabi niya rin. Kagabi niya pa pinag-iisipan ito. Matapos makitang magkasama sina Mackey at Alyanna.

Halatang nagulat ang babae sa biglaang sinabi niya. Umawang ang mga labi nito.

"W-what, Allyza--?"

Huminga siya ng malalim. Sumandal siya sa upuan at humalukipkip. She fixed her gaze at her friend's eyes.

"Hindi ka ba nagsiselos?"

Hindi nakaimik si Marney. Si Kayra ay natahimik din. Nagpatuloy siya.

"I knew, you have a little more feelings to that person, Marney. Hindi mo siya pag-aaksayahan ng oras kung wala na. Why let him suffer if you're also suffering?"

Tumigas ang mukha ni Marney. "Allyza, hindi--"

"Isang tanong, isang sagot. Hindi ka ba nagsiselos sa atensyong ibinibigay sa akin ni Jelson? And don't you dare lie to me, Marney. Alam ko kung kailan ka nagsisinungaling."

"Allyza!" Marney protested but taken aback by Allyza's intent gaze. Nag-iwas ito ng paningin. Her reaction betrayed her. "I..."

A small smile formed on her lips. "Kahit hindi mo sagutin, napatunayan ko na ngayon kung ano ang sagot sa tanong ko, Marns. Let's end this, please."

"But, Allyza..."

"Talk to him. Kung ayaw niya talaga sa iyo, mag-move on ka na."

Marney looked at her like what she said was ridiculous. "No! Hindi ganoon kadali iyon! Oo, nagsiselos ako. Pero kaya ko iyong tiisin, makita ko lang siyang nagdurusa sa huli! I can't just move on. I'm not like you, Allyza!"

Natigilan siya. "Not like me?"

"Marney, tama na," awat ni Kayra. Nakakakuha na sila ng atensyon sa foodchain na kinakainan nila. "Kung gusto ni Allyza na itigil ito, wala tayong magagawa--"

"No, Kayra. You don't understand!" Hinarap siya ni Marney. Nanunubig na ang mga mata nito. "I'm not like you, na kayang mag-move on after you broke up with your boyfriends. Na kayang idaan lahat sa porma at mga ngiti mo ang pang-aakit ng lalaki. Na kayang kalimutan kaagad ang isang lalaki na nagustuhan mo pansamantala. My heart is not as stone as you, Allyza. I learned to loved him but he threw it away. You don't understand what I'm feeling dahil hindi ka pa nagmamahal! Hindi mo alam kung gaano kasakit na bigla ka na lang niyang iiwasan at makikita mo siyang masaya na sa iba. Kapag naranasan mo ito, you'll remember me and you will say na tama ako!"

The Rebel Slam 5: MACKEYWhere stories live. Discover now