CHAPTER FIVE

3.8K 91 0
                                    

CHAPTER FIVE

"HI, Allyza!"

Nag-angat ng paningin si Allyza sa dalawang taong huminto sa harapan niya. She smiled when she recognized the girl who greet her.

"Krizhia, what a surprise! Nagagawi rin pala kayo dito." Ang fastfood chain na ito na malapit sa university niya ang tinutukoy niya. Naroon siya ngayon at nagpapalipas ng oras. Tinamad kasi siyang pasukan ang boring na subject niya.

Ngumiti ito. "Naman! Lahat ng kainan iniikot namin, 'no! May kasama ka?"

Umiling siya. "Wala naman."

"Paupo kami, ha?" She nodded. Inaya nito ang kasamang lalaki na maupo sa table niya.

Binalingan niya ang nakasalaming lalaki na kasama nito. Gwapo rin ito kahit nakasalamin ng makapal. The guy smiled at her. Mukha itong mabait at matino.

"Bago mo?" kausap niya kay Krizhia.

Krizhia laughed hard. Napakunot-noo siya. Ano'ng masama sa pagtatanong niyon? Siya nga isang linggo lang o wala pa kung mag-boyfriend.

Hinampas ni Krizhia ang katabi. "Pambihira, Sean! Lagi na lang tayong napagkakamalan!"

The guy she called Sean smiled. "Well, it's not my fault."

Bumaling sa kanya si Krizhia. Tumigil ito sa pagtawa. "Hindi ko siya 'bago'. Kahit sira ang ulo ni Aser loves ko, hindi ko iyon ipagpapalit, 'no? This is Sean Navarro, my very dear friend. Sean, this is Allyza. Friend siya ni Nhica na naging friend na rin namin."

"Hi, Allyza! It's nice to meet you." Sean smiled at her. Inilahad nito ang kamay.

Ginantihan niya ito ng ngiti at inabot ang kamay nito. "Nice to meet you, too. I'm sorry kung napagkamalan ko kayo. 'Dear friend' ka lang pala niya."

Sean laughed. Binawi nito ang kamay. "We're childhood friends at magkapitbahay din kami."

"Okay. Sabi mo, eh."

"Ewan ko nga rin dito kay Sean, 'tagal na naming magkapit-bahay, hindi man lang ako niligawan," wika ni Krizhia na siyang ikinatawa ni Sean.

"Wait 'til Aser hear this. Baka pagtripan na naman ako niyon."

"Sus! Sampalin mo lang iyon ng katalinuhan mo, tatahimik na iyon."

Hindi niya mapigilang hindi tumawa. Iba talaga itong si Krizhia. Mahal nito si Aser pero numero unong bully naman dito.

Nagkibit-balikat lang si Sean. Binalingan siya nito. "Taga-SLU ka, di ba?"

University niya ang sinabi nito. Tumango siya.

"Based on what you were wearing, I can tell that you're a Business Management student."

Napaangat ang isang sulok ng bibig niya. Taga ibang university ito pero kilala nito ang uniform ng university niya.

"Uh-huh. How did you know?"

Ngumiti ito. "I'm a BM student, too. Actually, may pinuntahan akong meeting sa school ninyo para sa fest ng coarse natin this November. All university ang kasali doon."

Napakunot noo siya. "Ano'ng year mo na?" Ang alam niya kasi ay higher year o coordinator ang pumupunta sa mga ganoong meeting.

"First year."

"Kahit first year pa lang itong si Sean, siya na ang President ng coarse niya. Ang galing niya, 'no?"

Napamaang siya. He's that good? "Seryoso?"

Nagkamot ng ulo si Sean. "I'm with our coordinator. Hindi naman ako mag-isang nakipag-meeting dito."

So, seryoso nga ang sinabi ng mga ito. Bigla siyang nagkainteres sa lalaki.

The Rebel Slam 5: MACKEYWhere stories live. Discover now