♛ℂ𝕙𝕒𝕡𝕥𝕖𝕣 02♛

90 10 0
                                    

♛𝙲𝚑𝚊𝚙𝚝𝚎𝚛 02♛

Matapos ang klase ay lunch na. Huli naman akong lumabas dahil ayaw kong makasabay ang mga 'yan dahil baka mapagtripan pa ako eh o baka saktan nila ako, basta. Hindi ba nila kayang alisin ang tingin nila sa'kin? Lahat na lang ba ng ikikilos ay kailangan nakatingin sila sa'kin? Medyo nakatungo naman akong naglakad, naiilang at nahihiya ako sa mga ito. Wala talaga akong laban sa kanila---panlabas pa lang eh. Lahat ng nandito ay puro magaganda at gwapo eh.

Pagdating sa Cafeteria ay pumila na ako. Nang nakakuha ko na ang pagkain ay naghanap na ako ng mauupuan pero nahirapan akong makahanap dahil inuupuan na nila agad ang mga ito kaya nagpunta na lang ako 'dun sa pinakasulok at gilid ng Cafeteria. Mainit dito, medyo malayo ang aircon dito eh. Tiniis ko na lang ang init. Habang kumakain ako ay may lumapit sa'kin na parang isang grupo ng mga babae, isa lang ang pamilyar sa'kin sa kanila. Kasama nila 'yung babaeng may galit sa'kin kanina.

Ano 'toh, nagsumbong siya? Eh?

Nagtataka ko naman silang tiningnan. "How did a person like her get into this school?" Mataray na tanong nung nasa pinakagitna nila. Lima silang babae.

Matunog namang ngumisi ng sarkatisko 'yung nasa kabilang tabi niya. "Maybe Dean just felt sorry for her so maybe she got into it." Bigla naman siyang sumeryoso.

"Anong kailangan niyo sa'kin..?" Malumanay kong tanong. Nilagay nung babaeng nasa gitna nila ang dalawa niyang kamay sa lamesa at medyo lumapit sa'kin kaya ang lapit ng mukha namin sa isa't isa kaya medyo napaatras ang ulo ko. Ang talim ng tingin niya sa'kin, halatang masungit siya. Nakakatakot ang mga tingin niya sa'kin ganun na din 'yung apat. Pero mas nakakatakot itong babae na ito, siya 'ata ang leader nila eh.

"The next time you embarrass our friends, especially the teachers, I will be the one you will face, so don't fight again if you don't want to leave this school." Seryosong pagbabanta niya sa'kin at napalunok naman talaga ako. "Hindi mo ako kilala kaya umayos ka, b*tch." Madiing dagdag pa niya 'tsaka tumayo ng tuwid at ipag-cross ang mga braso sa may dibdib niya. At nakakalokong ngumisi sa'kin. "Enjoy your food." Sabi pa niya bago niya ako talikuran at umalis na, sumunod naman 'yung tatlo sa kanya. 'Yung galit na galit sa'kin ay nagpaiwan.

Bumaling naman siya sa'kin. "Get organized because otherwise you will really regret going to this school." Pagbabanta din niya bago niya ako talikuran at sumunod 'dun sa mga kaibigan niya. Nagsumbong siya sa mga 'yun, seryoso?

Hindi ko talaga maintindihan eh. Sa anong paraan ko sila pinahiya? Tapos hindi ko na dapat ulitin 'yun? Sira ba siya? Kung hindi ko gagawing sumagot ay pa'no na ang grade ko? Hindi ko itataya ang grade ko para sa kanila, para sa hindi lang sila mapahiya. Mas gugustuhin ko pang umalis dito kesa ang itaya ang grade ko dito. Ang hirap hirap kaya, ilang taon ang nagpursige para makatungtong sa year na ito tapos ganun lang, tch! 'Wag na 'oy, salamat na lang. Kung gusto nila ay ako pa mismo ang kusang umalis dito eh. Sabihin lang nila gagawin ko talaga, hindi lang naman ito ang school dito eh.

Kumain na lang ako at binalewala na lang 'yun. Ayaw ko ng gulo. Matapos kong kumain ay tumayo na ako at naglakad palabas ng Cafeteria pero paglabas ko ay napapikit ako bigla sa gulat ng biglang may magsampal sa mukha ko ng pagkain. Rinig ko naman ang tawanan ng marami. Hindi ko pinunasan ang mukha ko. Tumingin ako sa baba at nakita ko 'dun ang kalat kalat na pagkain. Spaghetti. Tumingin naman ako sa paligid ko, gustong gusto nila ang nangyari sa'kin. Hindi na ako nagsalita pa, umalis na lang ako 'dun at tumakbo patungo sa cr. Pagdating 'dun ay nilinis ko ang mukha ko. Pinunasan ko na rin ang uniform, ang dumi tuloy.

Lumabas na ako ng banyo at pumunta na lang ako 'dun sa locker ko. Habang papunta 'dun ay tiningnan naman ako at may ilan na natatawa pa. Lahat sila ay iniinsulto ako at minamaliit. Mas binilisan ko na lang ang paglakad ko at hindi na lang sila pansinin. Pagkarating sa locker ay kinuha ko ang susi ko at binuksan ito. Kinuha ko naman ang extrang uniform 'dun, lahat ay merong extrang uniform sa mga locker nila. Nang makuha ko na ito ay bumalik ako sa may cr at nagpalit ng uniform 'dun. Hindi na ako pwedeng madumihan dahil wala na akong pamalit kapag nagkataon.

Golden Daughter of Lavigne Family [Royal Family #1] COMPLETEDDonde viven las historias. Descúbrelo ahora