♛ℂ𝕙𝕒𝕡𝕥𝕖𝕣 20♛

52 9 0
                                    

♛𝙲𝚑𝚊𝚙𝚝𝚎𝚛 20♛

Nung umalis si ma'am ay nagsimula na naman sila magbulungan habang pa simple silang tumitingin sa'kin. 'Yung apat na babae naman ay alam kong nagpaparinig sila. Wala naman akong pakialam sa mga 'yun. Nagdrawing na lang ako kesa pakinggan sila, nakakasawa na ang sinasabi nila at nakakatamad na.. habang nagdu-drawing ako ay natigilan ako ng biglang ilagay ni Raiden sa tainga ko 'yung isang earphone niya habang 'yung isa ay nasakanya.

Medyo umusog siya sa'kin para hindi masyadong mahila 'yung earphone niya. Hindi naman ako nagsalita ganun na din siya. Basta nag-scroll na lang siya sa cellphone niya at ako ay nagdu-drawing dito. Hindi ko alam ang title ng music na ito pero masasabi kong maganda ito. Pero bakit niya naisipan na ilagay sa tainga ko ng kusa 'yung earphone niya? Bumabait naman ito masyado sa'kin, mabait siguro talaga 'toh dahil 'yung mga kaibigan niya ay ang sobrang bait kanina nung nasa Game Zone kami. Makukulit din sila at maingay.

Napatingin kami sabay sa gilid namin ng may lumapit, ang isa sa mga miyembro ng Xaxion. Nagtaka naman ako dahil tumatayo ang Xaxion. "Pinapupunta tayo ni Dean sa office." Sabi niya at tumango naman ako.

"Okay, sunod na lang." Tumango lang din siya at siya talikuran na kami para pumunta 'dun sa mga kaibigan niya. Niligpit ko naman saglit 'yung gamit ko at tumingin naman ako kay Raiden. "'Oy, samahan mo ako." Bumuntong hininga naman siya.

"Okay, tutal pupunta naman ako sa Cafeteria ngayon." Tumayo naman siya at nagtaka naman ako.

"Anong gagawin mo 'dun?" Takang tanong ko.

"Aba syempre bibili ng pagkain ano pa ba?" Taas kilay na tanong niya at naglakad naman kami palabas ng room.

"Eh 'di ba kakain lang na'tin kanina sa Mall? Ang dami mo pa ngang kinain eh."

"Kanina pa 'yun, anong oras na eh.. gu-gutom na ako." Nagkibit balikat na lang ako. Gutom na daw siya eh. Medyo malayo kami sa Xaxion ngayon dahil nauna na kasi 'yung Xaxion kanina pa. Kahit nakatalikod lang sila ay ang hot pa rin nilang tingnan at alam na alam mo na 'agad na astig ang mga 'yan, ang gaganda ng mga pormahan nila eh.  Ang mga height ay grabe ang taas pero merong maliit sa kanila pero matangkad pa rin kompara samin. Ang tatangkad lang kasi ng mga kasama niya kaya nagmukha siyang maliit. Ano kaya ang mga height ng mga ito? Siguro sa mga 6ft. sila.. grabe. Siguro 'yung maliit sa kanila ay kasing tangkad ko lang. "Alam mo, may narinig ako tungkol kay Jai, ang alam ko ay meron siyang naging girlfriend na nerd pero wala pang nakakita ng mukha niya kaya hindi ako naniwala. Bakit? Pa'no nila nasabing nerd ang girlfriend niya kung hindi pa nila nakita? 'Di ba?" Tanong niya sa'kin. Tama nga naman siya.

"Oo nga, pa'no nga ba nila nasabi 'yun?" Napapaisip na tanong ko.

"Selos nga naman, sa sobrang inggit at selos nila 'dun sa babae ay gumawa na lang ng storya para masira 'yung babae, tsk." Ingit niya at hindi naman ako sumagot. Ganyan naman lagi ang tsismis eh, nakakasira ng tao dahil sa mga mashigan nilang mga bibig. Inggit nga lang talaga sila 'dun sa babae kaya ganun na lang ang ginawa nila. Kawawa naman sila... "Oh, antayin mo na lang ako sa labas ng D.O mamaya ha? Saglit lang naman ako bibili eh, para may kasabay ka mamaya kapag bumalik 'dun sa room." Sabi niya at tumango naman ako. Malapit na pala kami sa D.O, 'yung Xaxion ay nasa loob na siguro. Umalis naman siya at ako naman ay pumunta na sa D.O at pumasok sa loob.

Napatingin sila sabay sabay sa'kin maliban 'dun kay Zander at Killian. "Hmm.. who are you?" Tanong ni Dean, oo nga pala, hindi na ako 'yung nerd.

"Si Chloe po, Dean." Nagulat naman siya.

"Oh!? Wow, ang ganda mo ha.." Nakangiting sabi niya.

Golden Daughter of Lavigne Family [Royal Family #1] COMPLETEDWhere stories live. Discover now