♛ℂ𝕙𝕒𝕡𝕥𝕖𝕣 11♛

51 9 0
                                    

♛𝙲𝚑𝚊𝚙𝚝𝚎𝚛 11♛

Ngayon ay nandito ako sa bahay nila Xeno. Hanggang ngayon ay hindi ko pa din alam kung bakit kami nandito, tinanong ko siya pero ang sagot niya pagdating na lang daw sa bahay. Eh nung dumating kami sa bahay ay iniba niya ang usapan, pinakain muna niya ako para sa miryenda ko tapos siya ay ayun nagpunta sa kwarto niya. Sinungaling ang wala. Kaya ito ako ay nandito sa guest room, mas nakakainis pa! Kinuha niya ang cellphone ko, ipad ko, laptop ko! Lahat na lang letse! Para ko siyang taytay kung pagbawalan niya ako sa gadget.

𝑨𝒏𝒐 𝒏𝒈𝒂 𝒃𝒂 𝒂𝒏𝒈 𝒅𝒂𝒉𝒊𝒍𝒂𝒏 𝒏𝒖𝒏 𝒕𝒔𝒂𝒌𝒂 𝒂𝒏𝒐𝒏𝒈 𝒏𝒂𝒏𝒈𝒚𝒂𝒓𝒊 𝒔𝒂 𝒍𝒂𝒍𝒂𝒌𝒊𝒏𝒈 '𝒚𝒖𝒏? 𝑷𝒂𝒓𝒂𝒏𝒈 𝒘𝒂𝒍𝒂 𝒔𝒂 𝒔𝒂𝒓𝒊𝒍𝒊 𝒑𝒆𝒓𝒐 𝒉𝒂𝒍𝒂𝒕𝒂 𝒔𝒂 𝒌𝒂𝒏𝒚𝒂𝒏𝒈 𝒈𝒂𝒍𝒊𝒕 𝒔𝒊𝒚𝒂 𝒆𝒉..

Dahil sa curios ako ay lumabas ako ng kwartong 'toh at pumunta sa kwarto niya. Pero napansin ko lang ah, hightech ang pintuan nila. Siguro 1 meter palang ang layo mo sa pintuan ay bubukas na ito, kaya siguro ang lalaking 'yun ay minsan o madalas ay nauuntog sa pintuan eh at nakakalimutan isara 'yung pinto dahil nga nasanay siya dito na kusang bubukas 'yung pintuan. Pero may lock pa rin siya syempre. Ako nga ay nabibigla na lang sa biglang pagbukas nito eh 'tsaka pagsara. Hindi kasi ako sanay eh, hindi naman ako laking yaman eh.

Nang malapit na ako sa kwarto ni Xeno ay huminto ako dahil napaisip ako. 𝑴𝒂𝒈𝒃𝒖𝒃𝒖𝒌𝒂𝒔 𝒌𝒂𝒚𝒂 '𝒚𝒖𝒏𝒈 𝒑𝒊𝒏𝒕𝒖𝒂𝒏 𝒌𝒂𝒑𝒂𝒈 𝒎𝒂𝒍𝒂𝒑𝒊𝒕 𝒏𝒂 𝒂𝒌𝒐? 𝑲𝒂𝒑𝒂𝒈 𝒃𝒖𝒎𝒖𝒌𝒂𝒔 '𝒚𝒂𝒏 𝒂𝒚 𝒎𝒂𝒍𝒂𝒍𝒂𝒎𝒂𝒏 𝒏𝒊𝒚𝒂𝒏𝒈 𝒏𝒂𝒏𝒅𝒊𝒕𝒐 𝒂𝒌𝒐. Bumuntong hininga naman ako at nagdadalawang isip. Tutuloy pa ba ako o hindi na. Pinag-cross ko naman ang dalawang braso ko sa may dibdib ko at kagatin ang ibabang labi ko tsaka nag-isip. Bahagya akong mapatalon sa gulat dahil sa biglang pasulpot ni Ate Kate. Napahawak naman ako sa dibdib ko. "Kaloka kayo ha? Bakit po kayo biglang sumulpot, katakot lang ha?" Bumuga naman ako ng hangin at medyo pinalubo ang pisnge ko ng gawin ko 'yun.

"Bakit kasi 'di mo na puntahan? Kailangan ni Sir ngayon ng kaibigan Madam." Biglang malungkot na sabi niya kaya naman nagtaka ako. "Hindi po 'yan magbubukas madam kapag malapit ka na, need pa ng password 'yan para 'gaya nung ibang pinto. Minsan lang po kasi niyang tinatanggal ang password." Nakangiting paliwanag niya at napatango tango naman ako.

"Pagnaka-lock naman siya ay 'di siya mag-o-open ng kusa 'di ba?"

"Yes po."

"Okay thank you, nga pala. Alam mo ba ang dahilan kung bakit ganyan 'yan si Xeno?" Takang tanong ko.

"Hindi ko po alam eh pero simula nung may mapanood siya 'dun sa cellphone niya ay galit na galit na po siya at iyak ng iyak. Simula kaninang umaga hanggang tanghali tapos ngayong hapon ay umalis para sunduin ka pala at ayan siya nagkukulong ata sa kwarto niya." Mahabang sagot niya at tumango tango naman ako. Ngumiti lang siya sa'kin atsaka umalis na. Ako naman ay tumingin 'dun sa pintuan ni Xeno at bumuntong hininga.

Naglakad ako papalapit sa pintuan at tama nga ang sinabi ni Ate Kate. Hindi nga siya nagbukas ng kusa. Pagkalapit ko ay dahan dahan kong binuksan 'yung pintuan at sumilip. Wala akong nakita kun'di pader. Kailangan ko pang pumasok sa pinakaloob para makita siya kaya naman ay pumasok na ako at naglakad patungo sa loob ng kwarto niya. May dalawang pader kasing nakaharang sa magkabilang gilid kaya hindi mo 'agad makikita ang loob ng kwarto niya. Nang malapit na ako sa dulo ay sumilip na lang ako at hinanap siya. Nagulat naman ako ng makitang kalat kalat ang mga gamit. May mga picture 'dun na punit punit at mas lalo akong magulat ng mapagtantong ang mga picture nila 'yun ni Lesh at siya! Lahat ng 'yun ay nakikita ko sa sahig na punit punit para ang mga bagay na binigay sa kanya ni Lesh ay sira sira ngayon. Tumingin naman ako sa kama ni Xeno dahil may nakakalat din 'dun at 'yun ay 'yung mga damit ni Lesh!

Golden Daughter of Lavigne Family [Royal Family #1] COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon