Chapter 40

28 9 0
                                    

Chapter 40

"Salamat naman at gising ka na." Bumungad 'agad sa'kin ni Ma'am Saguinsin. Nasan kami? "Mag masakit pa ba sa'yo? Anong kailangan mo? Sandalin tatawag ako ng doctor---"

"Ma'am hindi na po kailangan, nasan po tayo?" Tanong ko habang bumabangon. Inalalayan naman ako ni Ma'am.

"Nasa hospital ka. Ako muna ang nagbantay sa'yo.. hindi ko alam kung saan nagpunta ang mga kaibigan mo kasi lahat sila wala kahit sa school ay wala sila eh. Gusto mo bang tawagan ko si Xeno?" Umiling naman ako. "Masakit ba ang ulo mo?" Umiling naman ako ulit.

"Nahimatay po ba ako?"

"Oo kaso biglang nag-iba ang tibok ng pulso mo kaya kailangan ka nilang isugod dito sa hospital.. hay. Mabuti naman at maayos ka na. Tatawag lang ako ng doctor para malaman na'tin kung kelan ka pwedeng makalabas." Sabi niya at tumango na lang ako. Astang aalis na si Ma'am kaso umatras siya bigla, tiningnan ko naman kung ano 'yun at nagulat naman ako. "S-Sino kayo?" Kabadong tanong ni Ma'am sa kanila.

Limang lalaki sila, hindi naman sila kilala. May dala silang baril. Niyakap naman ako ni Ma'am na parang pinoprotektahan ako kahit alam kong takot na siya at kinabahan. "Kunin niyo si Chloe." Utos nung unang lalaking nakita ko.

"Hindi! Sino ba kayo?! Tulong!" Malakas na sigaw ni Ma'am at humarang sa harapan ko. 'Agad akong tumayo sa kama ko at bumaba. Nakatago ako ngayon sa likod ni Ma'am. "Ano bang kailangan niyo?!"

"Ibigay mo sa'min ang babaeng 'yan kung ayaw mong madamay---"

"Hindi! Hindi ko siya ibibigay sainyo! Tulong! Tulungan niyo kami!!" Sigaw ni Ma'am at agad na lumapit sa kanya 'yung isa pang lalaki at bigla siyang hilahin palayo sakin at itulak sa pader kaya tumama ang ulo ni Ma'am sa pader ng malakas kaya nawalan ng malay si Ma'am.

"Ma'am! Hayup kayo!" Galit na galit na sigaw ko at manlalaban na sana sa kanila ngunit may biglang may nagtakip ng panyo sa bibig at ilong ko. Nagpumiglas ako at pinigilang huminga para hindi maamoy ang nakalagay sa panyo. Siniko ko naman siya sa tagiliran ng malakas at binuhos ko ang buong lakas ko para mabuhat siya kahit nasa likod ko siya at malakas na ibalibag sa sahig.

'Agad akong bumaling 'dun sa isa at malakas siyang sipain sa sikmura kaya natumba siya sa mga kasamahan niya at ako naman ay agad na tumakbo palabas ng kwarto. Sorry ma'am, sorry. Paulit ulit akong nagsosorry sa isip ko. Humingi naman ako ng tulong at sinabi na nandun pa ang teacher ko. Agad naman silang umaksyon pero ako ay tumakbo na palabas ng hospital. Ako ang habol nila. Gusto nila akong makuha.

Hindi ko alam kung saan ako tutungo pero kailangan kong makaalis ng hospital. Habang tumatakbo ako patungo sa exit ng hospital ay dinawit ko 'yung mahabang blazer na nakalagay lang sa upuan, pasensya na. Ibabalik ko ulit pagnakatakas na ako.

Nang makalabas ako ng hospital ay tumawid ako sa kabilang kalsada habang sinusuot ang nadawit kong blazer. Agad akong dumeretso 'dun sa mga maraming tao, lumingon ako sa hospital at nakita kong nasa labas na 'yung lima na nagkanya kanya ng daan at 'dun naman lumabas ang mga security guard namay kinakausap na sa radyo nila. Kainis naman.

Ang bilis ng tibok ng puso. Lumapit naman ako sa isang lalaki na nakaupo dito sa isang tabi na mukhang naglalaro. "S-Sir, pwedeng makisuyo?" Nagmamadaling usal ko at tumi-tingin tingin sa paligid.

"Ano 'yun miss?"

"P-Pwedeng makitawag? Please lang.. kailangan na kailangan po kasi." Hindi na ako mapakali. Ayaw kong makuha ng mga hayup na 'yun.

"Sige basta 'wag mong itatakas cellphone ko. Hindi pa ako tapos maglaro." Sagot niya at binigay sa'kin ang cellphone niya.

"Salamat." 'Agad kong dinial ang number ng bestfriend ko. "Bestfriend, this is Chloe. I need help. Someone is chasing me, they want to get me. Help me."

"Sh*t, where are you now?" Nag-aalalang tanong agad niya.

"I'm here at USTH but I'm not in the main hospital. I'm far away, I'm across the street."

"Okay.. wait for me. Hide there first."

"All righ.. please.. hurry up because they might see me."

"Yes, yes. I'm on my way." Binaba ko naman ang linya.

"Maraming salamat." Inabot ko naman sa kanya ang cellphone niya.

"May humahabol sa'yo?" Tanong niya at tumango naman ako. "Delikado ka kung ganun. Ganito, pwedeng magtiwala ka sa'kin?" Wala kong choice kun'di ang tumango. "Tara, safe sa street namin. Walang makakakuha sa'yo 'dun. Ako na lang mag-aantay 'dun sa kaibigan mo sa hospital, sasabihin ko na lang ang pangalan mo." Kahit nag-aalalangan ako ay sasama ako sa kanya at papayag sa sinabi niya. 'Wag lang talaga ako makuha.

Maglalakad na sana kami kaso.."Boss, ayun siya!" Sh*t!

"Tumakbo ka 'dun, bilis!" Utos sakin nung lalaki na tinuro yung mga kalalakihan na nakatambay kanina pero ngayon ay tumayo na, tumakbo naman ako papalapit sa kanila na tumatakbo naman palapit sa'kin. "Tropa! Hindi nila pwedeng makuha 'yung babae!" Sigaw nung lalaki. Agad namang lumapit sa'kin 'yung dalawa habang 'yung iba ay dumeretso.

"D'yan ka lang." Utos nila sakin na tinago ako dito sa gilid. Tumakbo naman sila patungo 'dun sa lalaking hiniraman ko kanina. May kanya kanya silang dala lahat.

Sh*t. Mapapahamak sila! May baril ang mga 'yan!

Oh god, lord. Please.. 'wag naman silang mapahamak. Pleaseee...

"Tumabi kayo! Ibigay niyo samin ang babae 'yun kung ayaw niyong madamay!" Galit na galit na sigaw nung lalaki na naglabas na nga ng baril.

Ngayon ko lang narealize na nakapasok pala ako sa streto. Nakita kong bahagyang napaatras ang mga lalaki. "Edi wow! B*bo! Ayaw madamay eh kanina pa kami damay!" Sigaw nung hiniraman ko kanina. Ano ba, mas lalo kayong mahahapamak eh.

"Mga baliw, hindi namin ibibigay sainyo 'yun! 'Tsaka wala kayo sa teretoryo niyo! Nandito kayo sa teretoryo namin!" Sigaw pa nung isa.

Bahala na.. hindi ko sila kilala.

"Talagang!! Gusto niyo na bang mamatay ha?! Dahil sa babaeng 'yang madadamay kayo! Dahil sa kanya mamatay na kayo!"

"G*go! Kami matatakot sa kamatayan?! Eh sa katunayan nga hinahabol namin si kamatayan eh! 'Di ba, trops?!" Tumango naman lahat ng lalaki. Ay..

"Ano?! Duwag kayo! Bakit hindi niyo kayang lumaban ng walang baril?! At saka bakit niyo ba hinahabol ang babaeng 'yun?! Ano bang kailangan niyo sa kanya, mga pangit?!" Tanong nung hiniraman ko.

"Wala na kayong pakialam 'dun! Sinasayang niyo ang oras namin! Mamatay na kayo---!"

"Try to shoot that, I'll blow up your skull."

Bestfriend.

Nakahinga ako ng makita ko ang bestfriend ko. Magsasalita na sana ako at magpapakita sa kanya kaso biglang may humila sa kanya at takpan ng panyo ang ilong at bibig ko. Masyado siyang malakas kaya hindi ko nagawang makapiglas.

Ano ba 'yan.. meron pala dito? Sino naman 'toh?

Bestfriend.. may isa pang hayup..

😥😠







☕︎✍︎

Golden Daughter of Lavigne Family [Royal Family #1] COMPLETEDWhere stories live. Discover now